↭MITCHIE's POV↭
"Ginawa niya yon?"
I sigh. "Gel, ilang beses ko ng sinagot yan."
She tsked. "Kaya siguro kumukulo ang dugo ko sa babaeng yon."
Hindi na ako nagsalita. Pinagpatuloy ko nalang ang pagsusulat ng assignment.
Tatlong araw na ang lumipas after ng dinner sa mansion ng mga Lee. Umalis nalang ako ng mansion na hindi man lang nakapagpaalam kina Tita, kasama ko ang kambal na bumalik sa school. Ang dalawang Hyun naman sumunod kay Mune.
Hindi pa din ako okay dahil don but I'm trying myself to be okay. Hindi pa din kami nagkikita. Ang kambal lang ang palagi kong kasama. Si Angelika naman hindi pa din maka-move on. Kesyo hindi niya raw talaga feel ang babaeng yon. Kung inis raw siya sa akin mas inis raw siya don sa babae.
Hindi naman ako makaangal kasi kung aawayin ko ang babaeng yon mas lalong magagalit sa akin si Mune. Ayaw kong nagagalit siya sa akin. Hindi ako mapakali kapag alam kong galit siya sa akin. Lalo na ngayon. Pero anong gagawin ko? I tried to talk to him but it's no use. Nong magkasalubong nga sana kami bigla siyang umiwas nang makita ako. Ang sakit non.
Huminto ako sa pagsusulat at bumuntong hininga. Tumitig ako sa papel ko.
"Mag-sorry kaya ako?" mahinang saad ko.
"What? Ikaw pa ang magso-sorry? Nababaliw ka na ba?!" singhal naman ni Angelika.
Napatingin ako sa kanya. Nakataas ang isang kilay niya habang nakatingin sa akin ng matalim. Gusto kong matawa sa mukha niya kasi nakakunot na nga ang noo, nakataas ang isang kilay, mukhang mataray at may ice cream pa sa mukha. Come to think of it, kanina pa siya kumakain. Ubos na ata ang stock ng ice cream ko sa fridge. Nandito na naman kasi sila sa dorm ko. Tumatambay.
"Ayaw ko kasi yong ganito. Galit si Mune sa akin at nasaktan ko pa si Fai---"
"Eh kung ikaw kaya ang saktan ko ng paulit-ulit?! Gaga ka ba?! Binaliktad ka ng gagang -----"
"Fi, your language."
"Sorry, Ver." tumikhim muna siya. "As I was saying, binaliktad ka non tapos ikaw pa ang magso-sorry? Just what the fuck ---"
"I told you watch your language." singit ulit ni Hairo saka hinawakan ang baba ni Angelika at hinarap sa kanya tas pinunasan ang ice cream sa bibig niya. "Act like a lady, Fi."
Sumimangot naman ang kakambal nito at umingos. Natawa nalang ako dahil don. Nakakawala talaga ng stress ang dalawang to. Yong pagiging sweet ni Hairo sa kakambal niya nakakatunaw ng puso. So sweet and caring. Ang pagiging makulit at matigas ang ulo ni Angelika. So adorable and cute. Nakakagaan ng loob.
Napailing nalang ako at itinabi ang mga gamit ko sa mesa at pinagmasdan sila. Ang sweet lang tingnan. Nakakainggit. Napangiti ako ng mapait. Siguro ganito rin sila Mune ng kakambal niya. Sweet at caring. Nakakainggit. Wala naman kasi akong kapatid. Sa sobrang busy ba naman ng mga parents ko wala na sila oras para gumawa pa ng kapatid ko. Tsk.
"Nga pala, I forgot to tell you." natuon ang atensyon namin kay Angelika. "Pinapasabi ni Momma na may handaan mamaya sa mansion nila. She texted me kanina nong kumukuha ka ng food."
"Handaan?" parang bigla akong kinabahan ng wala sa oras.
Pupunta ba ako? Kung pupunta ako don baka may mangyari na naman. Tsaka, galit pa sa akin si Mune. Welcome pa ba ako don? What if mas lalo siyang magalit kapag makita niya ako? For sure magagalit talaga siya. I sigh.
BINABASA MO ANG
Engage To A Mafia Heir
ActionCheerful, caring, sweet, thoughtful, kind, beautiful, smart, gorgeous. A perfect lady indeed. But behind the perfect lady is a lonely and sad lady who silently shouts for help. A payment. Para kay Mitch, isa siyang pambayad utang ng mga magulang niy...