Chapter 46: Final Truth

2.7K 46 16
                                    

↭MITCHIE's POV↭


Isang mahinang kalabog ang narinig ko sa harapan ko kaya napamulat ako ng mga mata. Pinakiramdaman ko muna ang sarili ko kung may tama ba ako ng baril. Pero wala. Masakit lang ang katawan ko dahil sa pagkakatulak sa akin ni daddy at ang pananabunot niya.

Napatangin naman ako sa harapan ko. Nanlalaki ang mga mata at napasinghap ako sa gulat at takot nang makita ko ang katawan ni nanny na maraming dugo at maraming sugat.

"N-nanny?"

"This old hag is such a pest." Rinig kong mariing sabi ni mommy saka sinipa si nanny na hindi man lang gumalaw. "Haharang-harang."

Dahan-dahan ako gumalaw at lumapit kay nanny. Hinawakan ko siya sa balikat at pilit na hinarap sa akin. Her eyes are now close. I hold her wrist and feel her pulse but i can't feel anything. Not even a single beat. Nothing.

She save me. Nanny save me again. Nanny alwaya save me. And now, she's really gone. Wala ng magtatanggol sa akin. Wala ng mag-aalaga sa akin. Wala ng tuturing sa akin na bilang tao at totoong anak. Wala na siya.

Niyakap ko siya ng mahigpit at umiyak ng todo. Wala ng ibang nasa isip ko kundi si nanny. Ang taong umaruga at nagmahal sa akin ng totoo. Ang taong nasa tabi ko palagi simula nong bata pa ako. All my memories with her suddenly flash back to my mind. Lahat ng mga masasayang alaala namin. Lahat ng katuwaan namin. Ang mga kalokohan namin kapag wala sina mommy. Ang pag-aalo niya sa akin kapag nadadatnan niya akong umiiyak sa kwarto. Ang mga panahong ginagamot niya ang mga sugat na natatanggap ko mula sa mga pananakit nina mommy at ng Phantom Assassins. Lahat ng yon bigla kong naalala. Lahat yon mananatili nalang na alaala.

"Okay enough with the drama. Nakakairita." Mataray na sambit ni mommy saka hibla ulit ang buhok ko palayo kay nanny.

Wala na akong ibang nagawa kundi ang umiyak at magmakaawa para lang pabayaan niya akong mayakap si nanny. Peri matigas si mommy. Kinaladkad niya ako at pabagsak na binitiwan kaya bumangga ako sa paanan ng kama ko.

Tingnan ko si nanny na hindi na talaga gunalaw pa.

"N-nanny ----"

"Shut up!" Napahagulhol nalang ako nang paputukan ni daddy ang binti ko.

Mabilis itong dumugo. Hindi ko na alam ang gagawin, iisipin at mararamdaman ko. Masakit ang tama ng bala sa hita ko pero mas masakit ang nararamdaman ko ngayon. Pinatay si nanny sa mismong harap ko na sinubukan akong iligtas. Nalaman ko na ang taong napatay ko na inakala kong si Faith Miru Park ay ang totoong anak pala nina mommy. Ang pagsabi sa akin na hindi nila ako tunay na anak. Ang malaman na ang totoong pamilya ko pala ay ang mga taong pinagtabuyan at kinamumuhian na ako. Ano pa bang mas masakit don?

"Lady Kira." Napalingon ako sa taong biglang pumasok sa silid ko.

Nangilabot ako nang makita ko ang grupo ng Phantom Assassin na mukhang handang pumatay anunang oras. Malalamig ang mga maya pero makikita ang kagustuhang pumatay, at ang aura nila na singdilim ng gabi sa ilalim ng maulap na kalangitan.

"Oh nandito na pala kayo."

"Lady Kira, may natanggap po kaming balita tungkol sa kabilang Mafia." Si Nathan ang nagsalita.

Malamig ang boses niya at talagang nakakatakot.

Napangisi naman si mommy at daddy nang marinig ang sinabi nito.

Naguguluhan man pero pinili ko nalang ang tumahimik at mag-ipon ng lakas para makalaban naman ako kahit papano. Maraming tanong ang timatakbo sa isip ko. Mga tanong na walang kasiguraduhang sagot.

Engage To A Mafia HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon