↭MITCHIE's POV↭
"---as of now, you all have to attend the said conference in the Social Hall. Attendance is a must. The special guest are the admins, the Dean, the Owner and the Founder. Act properly and don't you all ever dare to mess up there or else I'll fail you. Understand?"
"Yes Sir!"
"Good. Class dismiss. See you at the Hall."
Lumabas na si Sir kaya nag-umpisa nang mag-ingay ang mga kaklase ko. Iniligpit ko na ang mga gamit ko at inilagay sa bag.
Sana naman tapos na din ang klase ni Mei. Ayokong pumunta don na mag-isa lang.
I sigh. Umupo ako ng maayos after malagay lahat ng gamit sa bag at tumingin sa labas ng bintana. Sabi niya kanina pupunta raw siya kaya hihintayin ko nalang siya dito. Ayokong lumabas. Natatakot pa din ako.
"Bakit kaya kasama ang Founder? Ano kayang meron?" rinig kong tanong ng kaklase ko.
Ayoko mang makinig sa usapan ng may usapan pero hindi ko mapigilan. Tatlong upuan lang ang pagitan namin tapos ang lakas pa ng boses. I'm not eavesdropping okay. It's not my thing.
"Ewan. Baka may ia-announce or may event na mangyayari." sagot naman ng isa.
Bakit nga kaya? Tsaka bakit parang big deal sa kanila yon? Hindi ba pumupunta sa university ang mga ngayon?
"Pero bes! Kyaaah! Excited na ako makita ang Owner ng University! Gosh crush na crush ko talaga siya! Ang gwapo at ang hot niya! Kyaaah!"
"Alam ko! Hihihi ako nga rin excited eh. Makikita ko na ulit ang loveydabs ko! Kyaaah!"
"Hoy wag kang ano! Anong sayo? Walang sayo! Tandaan mo yan!"
"Walang sa'kin? Wala ding sayo! Bruha to. Ang lalaking katulad ng loveydabs ko ay nababagay sa akin! Ha!"
"Mangarap ka! Hmp! Tara na nga. Magpapaganda pa ako para sa kanya! Kyaaah!"
"Taraaaa!"
Ang may-ari? So nakita na nila siya? Ano kayang hitsura niya? Wait, what? Why am I asking? The hell you care Mitch!
I heard their foot steps and after a couple of seconds, wala na. Napatingin ako sa kabuuan ng room. May iilang mga kaklase pa naman akong nagpaiwan at tumatambay. Napahinga ako ng maluwag. Mas mabuti na ito para kahit papano hindi naman ako nag-iisa. Hindi bale't hindi ko sila kilala at least may kasama ako.
Ibinalik ko na ang tingin ko sa labas ng bintana at tumingin sa mga nagsasayawang dahon ng Acacia dahil sa hangin. Ang payapa tingnan. Ang ganda. Ang mga ibon ay malayang lumilipad kasama ang mga kauri nito at iba pang mga ibon.
I envy them.
Natawa ako sa naisip. Pati sa ibon naiinggit ako. Ho! Mitchie kahit balutin mo ng inggit ang buong katawan at isip mo wala pa ding mangyayari. Wala kang mapapala sa inggit mo.
I sigh.
"Mitchie~" pa-sing-song na pagtawag sa pangalan ko ng isang pamilyar na boses.
Tumingin ako sa kanya at agad na ngumiti. She's smiling from ear to ear, her eyes are sparkling in happiness. She's now walking happily towards me with... ugh no one. She's alone.
BINABASA MO ANG
Engage To A Mafia Heir
ActionCheerful, caring, sweet, thoughtful, kind, beautiful, smart, gorgeous. A perfect lady indeed. But behind the perfect lady is a lonely and sad lady who silently shouts for help. A payment. Para kay Mitch, isa siyang pambayad utang ng mga magulang niy...