Chapter 33: Trust

1.9K 44 4
                                    

↭MITCHIE's POV↭


Mabigat ang mga matang nagmulat ako. Bahagya pa akong napapikit nang mapatingin ako sa liwanag. Una kong napansin ang mask na nasa mukha ko at ang tunog ng isang makina na naging pamilyar na sa akin sa loob ng maraming taon. Inilibot ko ang paningin ko at napagtanto kong nasa hospital ako. Puting dingding, puting kesame, puting damit, puting kumot, puting kama at ang amoy ng mga kemikal.

Iginalaw ko ang gamay ko at itinaas. Napatitig ako sa dextrose sa kamay ko at sa bandage na nasa braso ko. I sigh and think.

Anong nangyari? Bakit ako nandito?

Dahan-dahan akong gumalaw ang inangat ang sarili para umupo at sumandal sa headboard ng kamang hinihigaan ko. Napabuntong hininga ulit ako nang makaupo na ako ng maayos. Tinanggal ko ang oxygen mask at inilapag sa side table nang biglang bumukas ang pintuan kaya napatingin ako doon.

Pumasok ang isang babaeng nurse na may dalang clipboard at nakangiting lumapit sa akin.


"Hello Ms Arashi." nakangiting bati niya at inayos ang pagkakalagay ko ng oxygen mask sa mesa. "Mabuti naman at gising ka na. Kumusta na ang pakiramdam mo?"


Pinakiramdaman ko ang sarili ko. "Okay naman maliban sa kirot sa braso ko, medyo masakit ang ulo ko at mabigat ang dibdib ko." sabi ko sa kanya.

Hindi nawala ang ngiti sa labi niya. "Normal lang po yan, Ms Arashi. Matagal-tagal ka din kasing walang malay kaya masakit ang ulo mo, at ang pakiramdam na mabigat ang dibdib mo, dahil yon sa usok na nalanghap mo nong sunog sa paara---"

"Wait what? Sunog? Anong sunog ---"


Napatigil ako nang parang isang pelikulang bumalik sa ala-ala ko ang mga nangyari bago ako nawalan ng malay. Ang nagngangalit na apoy na tumutupok sa hq. Ang nakakasulasok na usok mula sa mga nasusunog na gamit at teargas. Ang kirot sa balikat ko dahil sa tama ng bala. Ang mga walang malay na mga kasama ko.

Lahat bumalik sa isip ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang maalala ko ang lahat. Sina Mune!

Mabilis na napabaling ako sa nurse na mukhang nagulat sa akin.


"Ang mga kaibigan ko! Where are they?! Are they okay?"


Nakangiting tumango siya sa akin. Pero hindi pa din ako mapanatag hanggat hindi ko sila nakikita. I need to see them. I need to know if they're really okay. Gusto kong makasiguro. Kasama ko sila nong nasunog ang hq. Wala na silang malay lahat non bago magdilim ang paningin ko. Silang lima. Kailangan ko silang makita.

Nagmamakaawang tiningnan ko ang nurse.


"Can I see them? Please. I really need to see them." pagsusumamo ko.

Tumango siya. "Okay, pero hindi ka pa pwedeng lumabas. Tatawagin ko nalang sila at sasabihing gising ka na. Okay ba yon?"

Napangiti naman ako dahil don. "Okay. Thank you."

"Your welcome, Ms Arashi. Babalik ako agad, pero bago yon, kailangan ko munang I-check ang vitals mo."


Tumango nalang ako at hinayaan siyang gawin ang mga dapat niyang gawin. Inalam niya ang temperature ko, ang blood pressure ko, ang dextrose at kung anu-ano pa. Nakangiting tinapos niya ang kanyang ginagawa hanggang sa makalabas siya ng silid.

Engage To A Mafia HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon