↭ALVIN's POV↭
Days gone so fast. Parang kahapon lang first day of school ngayon naman isang linggo nalang matatapos na ang klase this sem. And all those days, hindi ko man lang nakakausap si Faith. What I mean Faith is Mitchie. Ang kambal lang ang palagi niyang kasama. I can see them laughing happily when they're together. Palagi naman.
I miss her but I can't even go near her. How can kung magtatangka na ako ang mga matatalas na mga mata ni Angelika ang sasalubong sa akin kaya hindi ko na nagagawa ang lumapit sa kanila. I understand them. They're just trying to protect her. From us. She almost died and got rape because we tried to stop the twins.
I sigh. I really miss her.
"Twiiiin~"
Napatingin ako sa likuran ko nang may magsalita. I smile nang makita ko siyang naglakad papalapit sa akin na nakangiti. Nakasunod naman sa kanya ang dalawang pinsan namin na may hawak na paper bag. Para sa'n yon?
"Hi there, missy." nakangiting bati ko sa kanya nang yakapin niya ako saglit.
"Picnic raw tayo!" nakangiting turan niya. "Sabi nina E at A magpipicnic raw tayo sa field! Kyaaah!"
I smile saka tiningnan ang dalawa. "Magpipicnic tayo?"
Sabay silang tumango at itinaas ng bahagya ang dalang paper bags. "Yep. Wala din namang class masyado edi magpicnic nalang tayo. Maganda naman ang panahon ngayon ayon sa weather forecast." nakangiting saad ni A.
"Sure. Tara na."
"Yeeeeeey!"
Siguro kung gaya pa rin kami ng dati, kasama namin ngayon ang kambal at si Faith. Tanggap na namin na wala na ngang talaga si L. Kahit na mahirap at masakit sa amin iyon, wala na kaming magagawa pa kundi ang tanggapin na wala na siya. Hindi naman namin nakuha ang bangkay niya pero hahanapin pa rin namin iyon. Ang bracelet niya na may pendant na 'L' ang siyang bagay na ibinigay sa amin ni Jonathan. L's two sisters broke down pero wala na silang nagawa pa kundi ang tanggapin ang katotohanang wala na ang pinsan namin.
Nakarating kami sa field ng school habang nag-ingay ang tatlong kasama ko. Nag-aasaran sila tungkol sa crush raw nila. Hindi naman ako makasingit kasi kahitmagtangka ako mapuputol lang kasi titili sila bigla. Ako na ang naglatag ng blanket
at naglapag ng dalawang paper bags.
Naupo naman sila at nagpatuloy sa pag-aasaran. Kinuha ko ang isang can ng Cali drink at binuksan iyon saka umupo sa tabi ng kakambal ko na busy sa pakikipagharutan sa dalawang pinsan namin. Inilibot ko naman ang paningin ko sa buong field at huminga ng malalim.
Sobrang ganda ng panahon. Hindi gaanong mainit ang sikat ng araw. Malamig ang simoy ng hangin at payapa ang paligid. Napakaganda. At mas gumanda pa nang mamataan ko ang taong matagal ko nang nakikita pero hindi man lang ako makalapit.
Kasama niya ang kambal. Naglalakad sila sa pathway nang magkasabay. Nagngingitian lang sila habang nag-uusap. Napangiti nalang din ako nang makita ko ang matamis niyang ngiti. Kahit na malayo sila malinaw ko pa din nakikita ang kanyang ngiti. Ngiting kayang pagandahin ang araw ko.
"Vin! Tikman mo ito oh! Kami ang may gawa nito." rinig kong sabi ni E.
BINABASA MO ANG
Engage To A Mafia Heir
ActionCheerful, caring, sweet, thoughtful, kind, beautiful, smart, gorgeous. A perfect lady indeed. But behind the perfect lady is a lonely and sad lady who silently shouts for help. A payment. Para kay Mitch, isa siyang pambayad utang ng mga magulang niy...