The Surprise

1.2K 48 12
                                    


THE SURPRISE

Maya maya dumating na ang tiyahin ko. Pagkapasok niya sa condo, nastarstruck siya kay Glaiza. Grabe kung makahug. Kapuso fan pala itong si Auntie She. Kaya lagi niyang nakikita si G sa TV. Todo selfie din siya sa artista. Ako na lang nahihiya sa pinaggagawa niya. Aliw na aliw naman si Glaiza sa kanya.

"Teh. Tama na yan. Para makapahinga naman si Miss G sa pagngiti. Kanina pa kasi eh." Saway ko na lang sa tiyahin ko.

"Ano ka ba Jel. Okay lang yan noh. Masaya nga eh. At sanay naman ako sa mga ganito." Sagot niya habang siya na ang humawak ng cellphone nang tiyahin ko para magselfie.

"Enjoy na enjoy ka talaga sa career mo noh? Sabagay, isa ka naman talaga sa mga maimpluwensyang tao." Sabi ko naman.

"Mabuti nga si Auntie She nastarstruck sakin at nakikipagselfie, pero ikaw ni autograph wala kang hiningi. Di mo siguro ako tagahanga." Sumbat niya na may halong tampo at nagpout.

Tumawa na lang ako sa turan niya. Ang cute lang kasi. "Pasensya na. Di naman kasi ako mahilig sa mga ganyan." Sabi ko sabay pisil ng ilong niya. Sa totoo lang talaga di sumagi sa isip ko ang mga ganung bagay. Oo overwhelming kasi kaharap mo ay isang artista. Pero hanggang dun lamang. Ewan ko. Di lang talaga ako mahilig dun. Oo interesado ako sa kanya pero bilang isang tao. Hindi bilang isang artista lamang.

"Aray. Grabe ka naman. Di ka na nga interesado sakin, sinasaktan mo pa ako." Tampo niya lalo.

"Hala. Saan galing yung hugot na yan?? Ito naman hindi mabiro. Cute mo lang kasi magpout kaya pinisil ko ilong mo. Pero masabi mong hindi ako intersado? Hmmmmm hindi nga." Dagdag biro ko pa sa kanya.

Tumayo siya bigla at kinuha ang bag. Napikon na yata.

"Uy! Saan ka pupunta??" Tanong ko sabay hawak sa braso niya.

"Aalis na. Di ka naman pala interesado sa akin. Ano pa gagawin ko dito?? Uwi na lang ako." Sabi niya habang nagpupumiglas sa pagkahawak ko.

"Grabe ka naman Miss G. Napikon agad?? Binibiro lang naman kita uy. Siyempre intersado ako sa iyo. Magkaibigan na nga tayo di ba? Di naman siguro basehan yang selfie at autograph para malaman mong interesado ang isang tao sayo. Kaya pwede ba umupo ka na lang ulit? Binbiro lang naman kita eh." Explain ko sa kanya.

Sumunod naman siya. Umupo na rin pero nakapout pa rin. Hays matampuhin pala ang lola niyo. Pikon pa. Haha. Ang cute lang.

"At isa pa, kapag gagawin ko yun, baka isipin mo kay Glaiza de Castro ako interesado at hindi kay Glaiza Galura. I'd prefer the latter to be my friend." Dagdag ko pa.

Napapasmile na siya habang nakatingin sa akin. Ayun. Bipolar lang. Haha. Salamat naman at nawawala na ang tampo.

"Salamat Jel. It means a lot. Sorry kasi di lang ako sanay sa ganito. Nasanay kasi ako na lahat ng tao na nakasalamuha ko ay yun ang ginagawa. Nakakapanibago lang. Kakaiba ka din pala eh noh??" Malapad na ngiti niyang sabi sa akin.

"Anong kakaiba? Di noh. Ako lang naman to." Sabi ko naman.

"Ehem. OP na pala ako dito. Hello. Kasama niyo pa ako. Haha." Putol ni Auntie She sa usapan namin. "May dala kaya akong pagkain dyan. Tara meryenda na tayo." Aya niya.

Tatayo na sana kami nang tumunog yung cellphone ni Glaiza.

"Sagutin ko lang ah?" Sabi niya.

Tumango lang ako at nagtungo sa mesa kung saan ang mga pagkain habang siya ay lumabas muna saglit sa terasa.

Susubo na sana ako ng tinapay nang inagaw ito ni Glaiza sa akin at kinain. Kulit lang din eh noh. Nakabalik na pala siya galing labas.

"Hinahanap ka na ba ng trabaho?" Tanong ko habang kumukuha ng bagong tinapay. Nakatungo lang siya sa cellphone niya. May katext pa yata. "Okay na ako Miss G. Kaya puwedeng pwde mo na ako iwan dito. Pwde mo na rin mapuntahan ang mga naiwan mong trabaho." Dagdag ko.

The Right Kind of WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon