Nagising ako na mag isa na sa kama. I checked the time, its 7am. I found a note beneath my phone.
'Baby. Early ang call time namin ngayon. Hindi na kita ginising kasi masarap pa ang tulog mo. May nakahanda ng breakfast for you. Microwave mo na lang para mainit ulit. Get up and start your day. I love you. Mwah
-your Glaiza'
Kahit may mga bagay na hindi pa namin naayos, pinaparamdam pa rin niya sakin na mahal niya ako. Napapangiti ako habang binabasa ang note niya. Kahit simple lang, kinikilig na ako. Hayaan muna namin ang issue na nangyari kahapon. May panahon din yun para pag usapan.
Nagtext muna ako sa kanya bago bumangon.
'Kakagising ko lang babe. I missed you. I hope to see you later. Mag iingat ka ah. Wag magpapagod at pagutom. Update me please. I love you more baby.'
-sent✔️
I got up and do my morning routine. Napapasmile ako ulit nung nakita ko na naayus na ang damit ko for work. Nawala na, nawala na talaga ng inis ko sa kanya kahapon. Pero hindi ko pa alam kung nawala din ba ang inis niya sakin. I will find out later. Pupuntahan ko siya after work.
Pagkatapos ko magbreakfast agad na akong nagpepare sa trabaho. Kinokondisyon ko na ang utak ko for another stressful day habang nasa shower. Kinalimutan ko na rin ang intentions ni Ryza sakin. Bahala siya.
8am na nung nakaalis ako sa condo. Wala pa ring reply sakin si Glaiza kaya ako na ang nag update sa kanya na papunta na akong Runners.
"Viv, updates and reports please." Instruct ko sa secretary pagdaan ko sa table niya. Almost 9am na nung nakarating ako sa office.
"Yes Miss Jel." Sagot naman ng secretary ko habang dinadampot na ang nga files sa table niya. Nauna na akong pumasok kasunod siya.
We do our routine first thing in the morning sa loob ng opisina. Yesterdays reports and sales updates ang tinalakay, pati na rin ang schedules ko for today. Salamat naman at dito lang ako ngayon sa opisina.
Lagpas noon time na nung inangat ko ang ulo ko dahil subsob sa mga papeles, kumatok kasi si Vivian sa pinto.
"Yes Viv?" Tanong ko.
"Miss Jel. Nakatanggap kasi ako ng tawag from Mr. Tan's secretary. He invites you to his office later this afternoon, 3pm specifically. There are some things po na dapat niyo pag usapan." Sagot naman ni Vivian sakin. Kumunot naman ang noo ko.
"Okay Viv. Thanks. Tell him i will be there." Sagot ko habang tumingin sa orasan, 1pm na, shit hindi pa pala ako nakapaglunch. "Ah viv, can you get me some lunch sa kitchen? And coffee too. Thank you."
"Sure Miss Jel. I just thought hindi ka na kakain eh. I will be quick." Turan naman niya at mabilis na tumalima sa kitchen.
Hindi naman nagtagal bumalik na ang secretary ko na may dala dala ng pagkain at kapeh.
"Just put it on the table Viv. Ako na bahala mag ayus niyan. Salamat." Pasasalamat ko habang binubuksan na ang laptop.
"You are welcome po. Just call me again if you need anything Miss Jel." Huling sambit ng secretary bago lumabas. Tinanguan ko lang ito.
Habang kumakain, patuloy ang gawa ko sa laptop. Multitasking is my game. Hehe. Kailangan ko na matapos to bago pumunta sa BRK. Alam ko hindi na ako makabalik dito once na pumunta ako dun, pupuntahan ko pa kasi ang girlfriend ko right after.
"Miss Jel. Time check lang po its 2:15pm. You need to be at BRK by 3." Katok naman ulit ng secretary ko. Naku hindi ko namalayan ang oras. Malapit na lang sana ito matapos pero never mind, dadalhin ko na lang ang laptop pauwi. Nagdali dali na akong magligpit.
BINABASA MO ANG
The Right Kind of Wrong
FanfictionEndless story? 😅 I write just to have fun. Note: THIS IS NOT RASTRO. It is RAZTRO ?✌️