Start Again

835 39 22
                                    

We start to pack our things, in two days time babalik na ako ng Maynila. Sasabay na ako kila Glaiza pabalik. Halo2 ang pakiramdam ko. Excitement, fears? I dont know. Basta. Hinding hindi pa mawawala ang mga agam2 namin but in time. Kailangan lang namin harapin ngayon. 

Araw2 naman ang bilin sakin ni Nanay na mag iingat doon. Lagi naman ako nag iingat eh. Wala na sigurong isang Benjamin Alves na susulpot at balak kaming patayin ulit. Pinaalalahan naman kami ni papa sa mata ng publiko, we still choose to let our relationship private. May oras din ang reveals na yan. Pero for now, mag iingat lang daw kami. Palagi naman eh. Wala namang namuong problema about issues against Glaiza before. So we are good.

My parents ask me if i have my strength back babalik daw ako sa trabaho bilang isang nurse. I told them nawala na sa sistema ko ang pagiging isang nurse. Though bumalik ang knowledge ko about my profession, wala na akong interest to do it. I assessed myself if what do i want to do, and they were all shock when i told them i wanna took short courses regarding business and management. Gusto ko magmanage ng isang negosyo or work in one. They said i have developed something that is out of ordinary, kasi wala daw sa sistema ko before ang mga yun. Napapansin din daw nila na mas bumilis ang utak ko to process any information than before, mas naging intelligent kung baga. Nagkibit balikat lang ako sa sinabi nila kasi for me, ako pa rin naman ito.

We spent our remaining days in Aklan buying pasalubong for Glaiza's family. Linibot namin ang buong Aklan to buy their specific dish. Hindi naman magkanda mayaw sila Glaiza sa pagpack ng mga pasalubong nila.

Nasa airport na kami ngayon. Mahigpit na nakayakap sakin si Nanay.

"Jel. Apo. Lahat ng mga bilin ko sundin mo ah? At tawag ka dito sa amin araw2. At uwi ka dito sa pasko at new year ah? Sana kasama mo si Glaiza pagbalik niyo. Okay ba yun iha?" Sabi niyang sa aming dalawa. Niyakap din siya ng mahigpit ni Glaiza.

"Opo naman 'la. Gagawin ho namin ang lahat para lang makasama ako pag uwi dito ni Jel." Assure naman niya sa matanda.

Yumakap na rin ang mga magulang ko sakin. Nagbilin ng mga importanteng bagay. Same old things. I assure them that i will be fine. Kasama ko naman si Glaiza.

"Glaiza iha. Ikaw na bahala sa anak ko dun sa Manila ah?" Ngiting bilin naman ng mga magulang ko sa kanya. Nagyakapan naman sila.

"Huwag ho kayong mag alala Tito, Tita. I will take good care of her. Basta huwag lang siya maging pasaway."
Tumaas ang kilay ko sa narinig. Ako? Pasaway? Hindi kaya. Pinandilatan ko siya ng mga mata at nagtawanan naman kaming lahat.

Pumasok na kami sa loob ng airport para maghintay sa flight namin. May mangilan ilan ang nakapansin sa kanya so hindi ulit maiwasan ang mga picture2.

"Jel. Lapit dito. Selfie tayo." Sabi niya sakin pagkatapos ang moments niya sa mga fans.

"Hala. Hindi naman ako humihingi ng picture ni Glaiza de Castro ah." Biro ko sa kanya na mas lumayo pa lalo. Natawa si Alcris sa sinabi ko.

"Jel Raz. Lalapit ka o lalapit ka??" Pinangdilatan niya ako ng mata.

"Oo nga sabi ko nga lalapit." Mas natawa si Alcris.

"Ehem *under* ehem." Parinig ng mokong na kunyari na ubo. Tinapunan ko nga ng matalim na tingin. Mas natawa pa ito.

Lumapit na ako sa girlfriend ko baka kung ano pa magawa sakin. Matamis naman akong ngumiti sa kanya. Binibiro ko lang naman kasi. She took our selfie at sabi niya ipopost daw niya.

"Oh baka pagkaguluhan na ako niyan kasi panay post mo sa pictures natin." Sabi ko habang pinapanood ang pag edit niya sa phone.

"Hindi yan. Gusto ko lang ishare sa mga tagasuporta natin."

The Right Kind of WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon