Acceptance and Promises

867 34 0
                                    

Papunta ako ngayon sa condo ni Glaiza for a visit. Andun daw kasi ang mga magulang nito at pinapapunta nila ako. Naiipit ako sa traffic kaya natagalan ako sa biyahe. Naisip ko ang mga bagay na nangyari saamin. Mas lalong tumibay ang relasyon namin ni Glaiza as the months go by. 4 months na kami mag On at parang napakasurreal pa rin ng pakiramdam ko. At mas nabuhayan ako ng loob nung sinabi niya sakin na handa na siyang sabihin ang lahat sa pamilya niya ang tungkol sa amin. Naghahanap lang daw ito ng magandang pagkakataon. My holidays this year was very fulfilling and great too kahit na malayo ako sa pamilya ko sa Aklan. Umuwi kasi sina Auntie She at Makxi for a christmas vacation except for me dahil sa trabaho. Andiyan naman si Glaiza at ang pamilya nito para kasama kong magcelebrate ng pasko. Binisitahan nga talaga ako ng girlfriend ko sa hospital sa mismong gabi ng pasko at dinalhan kami ng mga pagkain. 4pm-12mn kasi nun ang shift ko. Kilala si Glaiza ng mga kasama ko bilang bestfriend ko, so no harm as she visited for Christmas eve. Mas naenjoy ko naman lalo ang new year dahil pang umaga na ang shift ko at nagkaroon ako ng pagkakataon na dun magcelebrate sa Valenzuela.

Almost an hour na ako nastuck sa traffic. I looked around at malapit din naman ako kaya bumaba na ako sa taxi para maglakad na lang. Mas mabilis pa ako makapunta. I texted Glaiza na malapit na ako pero hindi na niya nagawang magreply. Baka busy na. Dalidali akong naglakad hanggang makarating sa condo nito. I buzzed at binuksan naman ako ni Alcris ng pinto. Worry written in his face.

"Okay ka lang Al?" Tanong ko sa kanya habang pumasok na. I saw Glaiza sitting on the couch umiiyak na tumitingin sakin. What the. Anong nangyayari. Napansin ko rin na andun ang mga magulang nila at lumapit sakin si Tita Cristy na may galit sa mga mata nito. Pak! Halos mabingi ako sampal na sumalubong sa pagmumukha ko. Aray.

"Nay!" Halos sabay na sigaw ng magkapatid habang tumakbo palapit sakin si Glaiza. Shit. That moment alam ko na kung ano ang nangyari. Pero paano? Wala namang sinabi sakin si Glaiza na ngayon niya sasabihin.

"Nay. Huwag niyo na hong saktan si Jel. Wala naman po siyang kasalanan dito." Umiiyak na sabi ni Glaiza sa nanay nito habang niyayakap ako.

"Anong wala?? Trinaidor niyo kami ng tatay mo Cha. Kung hindi lang sa mga litrato na pinadala samin eh hindi namin malalaman ang namamagitan sa inyo." Sumbat naman ni Tita Cristy. Lumapit na si Tito Boy sa kanya at sinubukang pakalmahin. He was calm unlike her wife pero makikita pa rin ang disappointment sa mga mata nito. Pinaupo na muna ni Tito boy si tita at binigyan ng tubig.

Naguguluhan ako sa mga nangyayari. Tumingin ako kay Glaiza with a confused look. Hinatak niya lang ako papuntang sofa at pinaupo dun. Tinuro niya sakin ang mga nagkalat na litrato sa ibabaw ng mesa. Mga stolen pictures na magkasama kami ni Glaiza. Nanginginig ang mga kamay ko habang tinitingnan ang mga litrato. Karamihan eh mga usual lang na tagpo na masasabing magkaibigan lang like magkatabi sa upuan habang tumatawa, akbay, leaning on the shoulders etc. Pero merong mga litrato na nahuli kami na masyadong intimate sa isat isa like bulungan, holding hands and i think sa mga panahong ito eh nung nagkainoman kami ng mga tropa nito. Pero sinigurado naman namin na walang nakakita. Halata sa mga litrato na malayo ang pwesto ng kumukuha. Pangstalker na skills ng pagkuha at high class na camera ang gamit. Hinding hindi lang basta isang fan na kumuha. At mas nagpakaba sakin ay ang huling litrato, hindi ito masyadong clear dahil madilim, at napakalayo ng pagkuha niya, pero kapag tingnan ng mabuti ay hinahalikan ko si Glaiza sa labi. I just once did this to her nung hinatid niya ako sa hospital after my birthday. What the hell.

"May nagpadala samin niyan sa bahay sa Valenzuela. At kung titingnan isa lang ang source ng mga kuha. I can say matagal na talaga kayong minamanmanan. We already checked if nakalabas na ito sa media at pasalamat na lang at hindi pa. Dahil dun, we concluded na personal ang pakay ng gumawa nito." Explain naman ng tatay nito. Nanatili kaming tahimik ni Glaiza. Mas naguguluhan ako. Personal?

The Right Kind of WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon