Mabilis na dumaan ang mga araw at kasalukuyan na ako ngayon sa kalagitnaan ng course ko. Masakit pala sa ulo matutunan ang isang bagay na dapat sana eh years ang kailangan pero ilang araw lang ang ginagawa. And nararamdaman ko na ang pagkabagot sa speaker ngayong araw kaya nakontento na ako magdaydream muna.
Masaya naman ang pagbisita ko sa bahay nila Glaiza sa Valenzuela. As usual parang pista ang pagkain na inihanda ng mga magulang nito. Napaiyak nga si Tita Cristy nung nakita na nila ako. I also thanked them for all their help and support. Wala naman daw problema basta nakita lang nila akong buhay at masaya. I promised them na hindi ko sasayangin ang pangalawang buhay ko na ibinigay ng Panginoon at patuloy na mamahalin ang anak nila. Hindi nga lang kami nagtagal dun sa kanila dahil sa course na to.
Araw2 pa rin akong pumupunta sa gym to do my sessions with Ashley. Yun nga lang nausog ang schedule ko dahil 5pm natatapos ang course araw2. 6-7pm na lang para hindi ako mapagod. Hindi naman nagtagal nakaadjust naman ako sa samahan namin ni Ashley. Mabait naman kasi talaga at masaya din kasama kaya nagkakasundo kami sa maraming bagay.
"Miss Raz? Are you even listening??" Pukaw ng speaker sakin nung napansin niya siguro na hindi ako nakikinig. Umupo ako ng maayos habang tumingin sa paligid. Nakatingin silang lahat sakin. Shocks. Nakakahiya.
"Ah ehhrm. Yes Sir Tan. I am listening. I am just, uhh, downloading everything you are saying in my brain." Sagot ko sa kanya. Narinig ko naman na may ilang natawa sa sinabi ko.
"You better be listening because you wont get any certification after this course if you failed the final exam by the end of the week. Do you understand people?" Sabi niya sa aming lahat. We all just agreed then. Pero dahil nga boring siya na speaker, wala pa rin ang atensyon ko sa kanya. Pumasok na kasi sa isip ko ang girlfriend ko.
I missed her so bad. Dahil sa busy din siya twice pa lang kami nagkita at nagkasama simula nung umuwi kami galing Valenzuela. Hayyy. Kasi naman bakit busy siyang tao. But i admire her working ethics. Mahal talaga niya ang trabaho niya. Kinakaya niya lahat. Kahit pagoda na ang beauty niya eh nagagawa pa rin niyang maging positive sa mga bagay2. I admire also her patience sakin, kasi kahit gaano siya kabusy, inuuna niya pa rin ako before anything else. Kaya mas minamahal ko pa siya lalo araw2.
Another class ended and another tiring day for me at nakakaramdam ako ng sakit ng ulo dahil sa klase. But before i stepped out the door, Mr. Tan called my attention. Well, pinagsabihan lang naman ako na magfocus at bawasbawasan daw muna ang pagdaydream. Tumango tango lang ako sa kanya. I just rolled my eyes after i turned my back at him. Psshh. Bakit ba eh ang boring niya kaya. Nakakaantok.
Palabas na ako ng building nung nakatanggap ako ng tawag galing kay Glaiza.
"I miss you baby." Bungad ko sa tawag niya.
"Me too babe. I miss you so bad. Are you done?" Tanong niya sa kabilang linya.
"Yeah. Palabas na ako ng building. Why?"
"Are you tired already?"
"Hmmm. Kinda. Pero okay lang. Ikaw? Di pa rin kayo tapos diyan?" Tanong ko habang pababa na ng hagdan.
"Yun nga eh hindi pa. And uhhh thats why i called you. May favor sana ako sayo babe. Hindi kasi ako basta2 makaalis dito." Nahihiya niyang sabi sakin.
"Okay? What is it? I will do anything just for you baby." Ramdam ko ang pagngiti niya sa sinabi ko.
"Napakabreezy mo talaga Raz. Yun nga, because i cant escape here, ikaw na lang muna sana ang pumunta sa Runners ngayon dahil may kailangan daw kaming pag usapan. Can you do it for me baby? Please?" Pagsumamo niya. Napapangiti ako. She really trust me on these things. Simula kasi nung nagshare ako ng idea sa kanila, she always consult me whenever she needs approval or opinion.
BINABASA MO ANG
The Right Kind of Wrong
FanfictionEndless story? 😅 I write just to have fun. Note: THIS IS NOT RASTRO. It is RAZTRO ?✌️