That afternoon, we went back to manila. She entrusted me with her car and ako na ang nagdrive palabas ng Valenzuela. Mabilis akong nakaadjust dito dahil automatic na. It felt so good when you are driving. Lalo na kasama mo ang mahal mo. Ayeeee.
Natural driver daw ako kasi ang bilis kong natuto lalo na nakaya ko na magdrive sa highway. Hindi naman gaano kabilisan. Pero mas better nga daw yun. We enjoyed our ride pabalik ng Maynila. Nagpaiwan pa dun si Alcris sa kanila kaya solo ko siya pauwi. Marami siyang dalang pasalubong na pagkain para kay Makxi. Matutuwa naman yun once nakarating na kami. Naipit kami sa traffic kaya around 8pm na kami nakarating ng building. Habang nasa loob kami ng elevator, tahimik lang kaming dalawa nung sumakay ang grupo ng mga teenager.
"Glaiza? Glaiza de Castro?? Shocks guys! Si Queen G!" Gulat na sabi ng dalaga na nakapansin sa kanya habang kinalabit ang mga kasama nito. Nagsigawan naman sila nung masigurado nga nila na si G. Syempre todo selfie at hug sila sa kanya. Pangiti2 lang ako sa gilid. Nauna kaming lumabas kesa sa grupo kaya nag excuse na siya rito at lumabas na kami ng elevator. Napapangiti pa rin ako sa nangyari.
"Oh bat pangiti2 ka diyan??" Tanong ni G nang mapansin ang pagmumukha ko.
"Wala QUEEN G. Masaya lang." Sagot ko sa kanya at tumawa. May bagong bansag kasi. Queen G. Tiningnan niya ako ng masama dahil dun. "Reyna ka na pala ngayon." Dagdag ko pa. Hampas naman ang natamo ko sa kanya.
"Yaan mo na, masaya sila sa ganun." Sabi naman niya.
Nung nasa loob na kami ng condo, masaya naman si Makxi sa mga pasulubong nito. Andun na lang din si Glaiza nagdinner. We talked a bit. Asked her what are her sched for the week and so on. Well all i can say, hectic.
"Thank you so much for the unforgettable weekend Gai. I really enjoyed it." Pagpapasalamat ko sa kanya habang nasa loob na ito ng kotse.
"Mabuti naman at naenjoy mo. Duet tayo uli minsan ah?" Sabi naman nito habang iniistart ang sasakyan.
"Haha sige ba. Sa loob nga lang ng bahay." Sagot ko at tumawa naman sa sinabi ko.
"So paano, see you whenever?" Tanong niya sakin. Oo nga. Di ko alam kung kelan kami magkikita ulit. Damn. Nafefeel ko na ang separation anxiety ko kay G.
"Yeah. Whenever." Malungkot kong sagot sa kanya. Nagsign naman ito na lumapit ako sa kanya. Nagtatakang lumapit naman ako. At bigla na lang niya ako hinalikan sa cheek rason para mamulahan ako ng mukha. Mabuti na lang madilim sa part na yun.
"What was that for?" Gulat kong sabi.
"Para di ka na malungkot. Pinabaunan na kita. Haha." Tawa niyang turan sakin. Napailing na lang ako at napapangiti na rin. Dakilang ninja talaga.
"Ill text you na lang okay? Mag ingat sa trabaho. Bye Jel!" Huling bilin niya sakin at nag umpisa na itong magdrive.
"Ikaw din. Mag iingat ka." Habol kong sabi. Napabuntong hininga na lang ako pagkaalis ni Glaiza. Seconds pa lang ang nakalipas, namimiss ko na siya. Naku. Malalim na talaga to.
Days past and we are both busy with our lives. Paminsan2 binibisita ko siya sa taping at dinadalhan ng pagkain along with a yellow rose. Kung my libreng oras ito nagyaya din siya lumabas kasama ang tropa, minsan kami lang dalawa. Routine na rin namin na once pupunta siyang Valenzuela, dapat sumama ako sa kanya. Napalapit na rin ako sa pamilya nito. Habang tumatagal mas lalo kong nakilala si Glaiza Galura at every passing day mas lalo ko siyang minamahal. Hindi ko alam noon na puwede pala ako magmahal ng ganito sa isang tao. Glaiza really made a big impact in my life.
4 months. Ganun na kami katagal magkakilala ni G. Sa short period of time na ito, basa na namin ang isat isa. From preferred food up to mood swings, alam na namin kung ano ang gusto at hindi nang isat isa. Para sakin, siya ang mahirap suyuin sa aming dalawa. Lakas kasi makabeast mode at maktampo ito eh. One time nung nagkaaberya yung production ng album niya, lahat ng crew eh nakatikim ng galit niya. Ultimo nagtitinda ng fishball sa labas eh di na rin nakaligtas. Pasalamat na lang siya dahil wala masyadong tao dun at naagapan ko naman na ipasok siya kaagad sa van. Kung hindi, naku. Pagpipiyestahan siguro siya sa social media. Paano ba naman, red tide siya at wala pang tulog sa mga oras na yun, a perfect recipe para magbeast mode. Tao lang din kasi si G. Nakakadama ng pagod at inis. Minsan nga rin eh walang magawa ang family neto once magtantrums siya. Funny thing was ako yung ginawa nilang shield kung bungangaan sila ni G at ako yung kinakausap nila kung malalim ang tampo nito sa mga bagay2. May healing touch daw ako sabi ni Alcris, kadalasan daw ako ang makakapagpagaan sa mood ng kapatid nila. Napailing na lang ako. Kapag tungkol sakin, wala naman itong problema kasi hindi naman ako mahilig magtampo. Ewan ko, di ako marunong magalit sa mga bagay2 at mahaba ang pasensya ko.
BINABASA MO ANG
The Right Kind of Wrong
FanfictionEndless story? 😅 I write just to have fun. Note: THIS IS NOT RASTRO. It is RAZTRO ?✌️