A Day To Remember

651 44 30
                                    

G's POV

As i let those words came out from my mouth, grabe ang kaba na nadarama ko. Whole night i wanna tell her i love her. I guess its a good thing nakatulog siya kaagad dahil naramdaman ko na ang mabigat na hininga nito after i said those words, hindi na niya narinig.

Ang saya ko ngayon dahil magkatabi kami matulog, kayakap ko pa siya. Mabuti na lang at hindi na siya tumutol nung yumakap ako, kinabig pa nga niya ako ng mas malapit pa sa kanya. I missed her. So much. Hindi pa ako makatulog kaya pinakiramdaman ko lang ang bawat hininga at ang tibok ng puso ng mahal ko.

Aaminin ko, nahihirapan ako nung unang araw naming pagkikita. I did not expect ganun siya kasungit sakin. Kahit na gustong gusto ko na siya mahawakan at mayakap, pinigilan ko ang sarili ko. Nagawa pa niya akong itaboy na bumalik ng Maynila, but i did not back down because i can feel how sad she was. Ranting that she wont remember anything at useless lang daw. Nasaktan ako hindi dahil sa pagtataboy niya, nasaktan ako dahil ramdam ko ang pagkahopeless niya sa sitwasyon. So, i tried my best to give her a better understanding. I smiled at her para hindi ipakita sa kanya na apektado rin ako. I will attract positivity in her kasi never ko pa siya nakitang ngumiti. And i missed those smiles.

Lihim akong napasaya nung hindi niya natanggihan ang offer ko nung inaya ko siya lumabas sa terasa, sinadya ko talaga na lumungkot para tingnan kong malambot pa rin ba ang puso ni Jel kahit na nagsusungit, at hindi naman ako nabigo. Kaya naisip ko, hindi tatagal ang pagkamatigas ni Jel, alam ko babalik ang dating mahal ko.

Napapangiti akong lihim kapagka nahuhuli ko siyang nakatingin sakin. I wonder what is she thinking about me whenever she does that. Kahit na cold ang pakikitungo sakin ni Jel, ramdam ko pa rin ang koneksyon naming dalawa. There is still something in her eyes that i always feel whenever she look at me.

Alam ko na naguguluhan siya kung inaasikaso ko siya sa pagkain. I am dying to do that to her. Hindi naman siya nagtanong whenever, mabuti naman. Nahihiya pa siguro siya na kausapin ako, a good thing for me kasi hindi ko rin alam kung paano siya kausapin lalo na kung nagsusungit siya. Pero nung sumabay ako sa kanya kumain ng agahan, nagkaroon na siya ng loob magtanong. Ako pa yung hindi handa kaya maingat ako sa mga sagot ko. Kahit na hindi niya gusto ang mga pinaggagawa ko sa kanya, sinusunod niya pa rin para lang masagot ko mga tanong niya. Cute nga eh kasi napahaba ang nguso niya. Hindi ko na lang tuloy napigilan magsabi sa kanya ng kung ano2.

Ramdam ko rin na malaki parin ang epekto ng presence ko sa kanya lalo na kung magkalapit kami, she is blushing or sometimes stuttering na nakapagpadagdag ng cuteness ni Jel. I am enjoying how i can make her tensed around me, it only means that i still affect her even i am still a stranger for her.

Naikuwento ko rin sa kanya kung sino ako and as expected nagulat ito. Hindi pa rin niya kasi nakahiligan ang tv. Kaya yun. Nalungkot naman ako nung panay ang hingi niya ng paumanhin sakin dahil nakalimutan na nga niya kami at narealize niya na may naiwan ito sa manila. Pero grabe ang saya ko nung yinakap niya ako pabalik. Nabuhayan muli ang puso ko lalo na nung hinagod niya ang likod. Natatawa nga ako sa reaksyon niya nung umiyak ako nang todo sa hawak niya, kung pwede lang lumayo siya sakin. Mas nabalot ako ng saya nung dumampi ang kamay niya sa mukha ko para pumahid ng mga luha ko. Nakita ko na rin sa wakas ang ngiti ni Jel. Nang dahil sa usapan namin na yun, napansin ko na parang bumabalik na siya sa dati, yung kaya na niyang tumawa at ngumiti. Her being is lifted up. At mas lumakas ang koneksyon namin sa isat isa.

Mas tumibay ang paniniwala ko na babalik na kami sa dati nung pumunta kami sa Bakhawan. Ramdam ko na meron pang natitirang pagmamahal sa puso niya, or i can say, hindi nga talaga nakalimot ang puso niya sakin. I can see in her that she has something for me, and i know nararamdaman niya rin ito, at alam ko naguguluhan siya pero wala pa siyang lakas na loob na sabihin sakin. Hindi ko rin kasi alam kung ano ang iniisip niya about what she feels. Hahayaan ko na muna siya, gusto ko siya ang magtuklas ng nararamdaman niya.

The Right Kind of WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon