Guards Up

701 33 26
                                    

"Cenon wants to invest." Tanging sagot ko kay Glaiza na salubong pa rin ang mga kilay. She put down her food and look straight at me.

"Magkasama kayo kanina?" Mariin na tanong niya. Shit. Kahit wala naman akong ginawa, tinamaan pa rin ako ng kaba. Bakit ganito. Sinubukan kong hindi umiwas sa mga tingin niya.

"Actually tatlo kami kanina sa office ni Mr. Tan. I just thought si Mr. Tan lang ang haharapin ko pero nagulat ako pagdating ko na andun pala si Ryza." Paliwanag ko. She narrowed her eyes for what i just said.

"What else did you three talked about??" Ginigisa na niya ako ngayon. Ano ba to.

"Well. Yun lang naman ang usapan namin. Kung ano ang gusto mangyari ni Ryza. I asked her, why invest on ours kung meron naman siyang resto, hindi daw sapat ang pera niya to open another branch, she will invest para daw mapalago ang pera niya para by the time na malaki na ang kita, makakapagpatayo na daw siya. We talked purely business babe." Paliwanag ko na may kunting pagkadefensive. Nanatili pa rin siyang nakatitig sakin na parang inaalam kung totoo nga ang mga sinabi ko.

"All through out that talk, she has her perfectly polished nails all over you again, right?" May kunting hinanakit sa pagsalita niya. Alam niya talaga kung ano ang ginagawa sakin ni Ryza. Nagseselos siya sa gawi nito sakin. Who wouldnt right? That bitch is seducing me. I closed my eyes as i inhaled deep. There is no point of being defensive here.

"Yes. She have some advances lalo na nung nasa elevator kami." Pagtatapat ko. Nandilat ang mga mata niya sa sinabi ko, hurt registered in her eyes.

"What the hell did she do to you??" Hindi na niya napigilan ang galit niya. She slammed the table with her fist but not too loud to catch people's attention.

"Hey babe. Relax." Sambit ko at hinawakan ang nakakuyom na kamay niya sa ibabaw ng mesa. "Lapit siya ng lapit sakin kanina. Hindi ko naman pinatulan ang mga ginawa niya. Iwas naman ako ng iwas. Hindi nga lang ako makalayo sa kanya ng mabuti nung nasa elevator na kami. So relax lang. Wala naman siyang ginawa other than invading my personal space. Iniiwasan ko naman eh. I assure you hindi niya ako madala2 sa mga gawi niya sakin." Pagpapaliwanag ko habang hinahaplos ang kamay niya. I can feel her tension is dying down.

"Subukan mo lang magpadala sa mga kalokohan ng babaeng yun, alam mo na kung saan ka pupulutin." Pagbabanta niya sakin.

"Alam ko yun. Alam mo din naman na ikaw lang ang mahal ko di ba? Kaya nga ako umiiwas kasi that girl is a capital B I T C H. Muntikan ko na nga masapak at mabangga ng sasakyan kanina sa galit ko. So relax babe okay? Wala akong makitang dahilan para patulan ko ang baliw na yun."

She took a deep breath maybe trying to shake off her anger. Nakahawak na rin siya sa kamay ko.

"Now she wants to invest. I do not believe her reasons why she will do that." Mahinahon na niyang sabi. Makahulugan ang tingin na binigay niya sakin.

"I have doubts too. What do you think are her intentions, what does she wants?" Kahit na may hint ako kung ano ang rason, tinanong ko pa rin si Glaiza para malaman ko kung ano ang iniisip nito.

"You." Tanging sagot niya na matiim pa ring nakatingin sakin. Hindi naman sa asyumera ako pero yun din ang iniisip ko. Ako ang pakay ni Ryza. Napailing ako sa realisasyon naming dalawa.

"That was the first thing that came into my mind. I mean, she is totally crazy right?? Investing her money just to get me? I mean, that is obsession. Ano ang nakita niya sakin bakit ganun na lang." Hindi makapaniwala na sabi ko kay Glaiza.

"Pareho siguro ang nakikita namin ni Ryza sayo babe. Maganda. Matalino. Mabait. Sexy. Para sakin pagmamahal yun, pero para sa kanya, kalandian."

Natawa ako sa sinabi niya.

The Right Kind of WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon