Napayuko ako sa gulat na reaksyon ng mag asawa. Doble ang kaba ko. Nanatili muna silang tahimik bago nagsalita si Tito Boy.
"Gusto mo na pakasalan ang anak namin Jel?" Tanong ng ama ni Glaiza. Wala namang galit o disappointment sa mga salita niya.
"Opo Tito. Gusto ko po siya makasama habang buhay. Gusto ko po siya pasayahin sa paraan na alam ko po." Sincere ko na sagot.
"Handa ka na ba iha?" Tanong naman ni Tita Cristy. Expected ko naman na itanong nila ito sakin. Hindi naman ako magpapakasal kay G kung hindi ako handa.
"Opo. Matagal na pong handa ang puso at isip ko para pakasalan si Glaiza Tita. Dahil maganda na rin po ang trabaho ko, i can say i can provide for Glaiza bilang asawa. Handa na po ako na harapin ang lahat bilang mag asawa. Handa na rin po ako na bigyan siya ng isang masayang pamilya. Ilang buwan ko na rin po napag isipan ang desisyon na to. Kaya po dito ako ngayon sa harap niyo, humihingi ng permiso." Sagot ko sa kanila habang tinitingnan sila sa mata ng puno ng sensiridad.
A wide smile formed on their faces sa mga sinabi ko. My hopes are rising up. Nagtinginan silang mag asawa na parang nag uusap kung ano na ang dapat nilang sabihin. Si Tito Boy na ang humarap sakin habang hawak ang kamay ng asawa.
"Alam mo Jel, you never missed a chance to amaze us. Kunti lang ang mga tao na may lakas ng loob na pumunta sa mga magulang at hingin ang kamay ng anak nila sa kasal. You amazed us dahil hindi lang sa bala ang pinakita mo na tapang sa amin, kundi ang tapang mo na harapin ang lahat sa relasyon ninyo ng anak ko. You amazed us dahil taliwas man sa normal na relasyon meron kayo ni Glaiza, malakas ang loob mo na pakasalan ang anak namin. No doubt na mahal mo talaga ang anak namin. Tinanggap namin kayo kahit ibang klase ng relasyon meron kayo dahil nakita namin kung gaano kawagas ang pag iibigan ninyo. Dahil sa kabutihan mo bilang tao, nagkaroon kami ng tiwala sayo na hindi mo sasaktan ang anak namin, which you did. Pinasaya mo si Glaiza. Hindi kayo sumuko sa isat isa." He paused a bit at tumingin ulit sa asawa. Maluha luha na si Tita cristy.
"Mabait na anak si Glaiza sa amin, malaki ang naitulong niya sa pamilya namin. At alam namin na wala na siyang maiihiling pa kundi ang maging masaya. Itinuring ka na rin namin na anak Jel dahil mabait ka ring anak sa mga magulang mo. At alam din namin na gusto mo na rin maging masaya sa buhay. Mahal namin kayong dalawa ni Glaiza, at bilang mga magulang, ibibigay namin ang gusto mo mangyari iha." He inhaled deep before telling me the answer that i long to hear.
"Ipapaubaya na namin sayo si Glaiza. You have our permission to marry our daughter." Masayang sambit ng ama ni Glaiza. My soul and heart have been lifted up for what he just said. Malaya na ring tumulo ang luha ko dahil sa saya.
Lumapit ako kay Tito Boy at mahigpit siyang niyakap. He gave me a fatherly hug too.
"Salamat po. Maraming maraming salamat po Tito." Tanging lumabas sa bibig ko. Yumakap na rin ako ng mahigpit kay Tita Clara. Panay ang pasasalamat habang umiiyak.
"Maraming salamat po. Hinding hindi po kayo magsisisi sa desisyon niyo. Gagawin ko pa ang lahat para sa amin ni Glaiza. Pinapangako ko po, i will always make your daughter happy Tito, Tita." Maluha luha kong sambit.
"Huwag ka mangako sa amin iha, kundi sa mata ng Diyos. Huwag lang basta pangako, gawin mo. At, tatay at nanay na itawag mo sa amin simula ngayon. Okay??" Turan ng ina ni Glaiza na may mga luha na rin sa mga mata. Yumakap ako ulit sa kanila ng mahigpit.
"Opo. Gagawin ko po. Salamat po ah Tay, Nay." Nahihiya kong sagot sa kanila. Nakakapanibago din kasi. Pero kahit na ganun, walang pagsidlan ang saya ko na tawagin sila bilang mga magulang ko na rin.
Natawa sila sa pagkakailang ko kaya niyakap na lang nila ako ng mahigpit.
"So, kailan mo gusto magpropose sa anak namin iha?" Tanong ni tatay Boy nung nakaupo na ulit kami.
BINABASA MO ANG
The Right Kind of Wrong
FanfictionEndless story? 😅 I write just to have fun. Note: THIS IS NOT RASTRO. It is RAZTRO ?✌️