We R Pregnant

351 19 13
                                    

"What's this??" Gulat na tanong ng mga magulang ni Glaiza nung inabot namin ang Ultrasound film. Mabilis naman nila binasa at tiningnan ang result na nakaattached doon. Gulat at saya ang rumihistro sa mukha ng mag asawa. Nagkatinginan lang kami ni G habang nakangiti.


"Are you pregnant??" Paninigurado ni Nanay C.

"Sino sa inyo??" Follow up na tanong naman ni Tatay Boy. Natawa kami saglit sa huling tanong. Haha. Oo nga naman, pareho kaming babae. Confusing. 😅

"Tay. Yung anak po ninyo." Tukoy ko kay Glaiza.

"Talaga??" Sabay nilang tanong habang lumapit na kay G.

"Opo. Nay Tay, magkakaapo na po kayo samin." Maluha luhang turan naman ng asawa ko.

"OMG! Is this for real?? Magkakaapo na tayo kay Cha!" Excited na turan ni Nanay C habang yinakap na ng mahigpit ang kanyang anak. Nakiyakap na rin si Tatay Boy. Di na rin nila matago ang saya habang yinakap na rin ako.

"Kailan pa to? Paano? Di niyo man lang sinabi sa amin." Dagdag na mga tanong ni Tatay Boy sa aming dalawa.

"Nag IVF po kami. One month pa lang po yung tyan ni Glaiza nay. Pero matagal2 na rin kami sumubok ng sumubok. Gusto ho namin isurpresa sa inyo kaya di muna namin sinabi." Paliwanag ko.

"Oh salamat sa Panginoon at binigyan tayo ng ganitong balita." Maiyak na turan ng matandang babae habang niyakap kami uli. Sympre sensitive ang asawa ko, nasabay na rin ang iyak sa nanay niya.

"Jel. Pano yung IVF niyo?" Curious na tanong ni Tatay Boy.

"Ah egg po ni Jel yung conceived tay. Pumili na lang po kami ng sperm donor. Nung nabuo yung embryo, saka na inimplant sakin. Ako po yung magdadala ng anak namin." Paliwanag naman ni Glaiza habang hinihimas uli ang puson niya.

"Wow. Ganun ba yun? Wala na talagang imposible dito sa mundo ano?" Mangha namang turan ni Tatay.

"So ano na? Babae ba o lalaki? Naku sana babae Cha!" Di halatang mas naexcite pa ang lola.

"Uy lalaki dapat Cristy. Db Cha? Para madagdagan ng lalaki ang pamilya Galura." Segunda naman ng lolo.

Nagkatinginan lang kami ni Glaiza at nagtawanan. Naku. We expect this reaction from them so hindi na bago.

"Sorry po. Di pa namin masagot yan dahil dapat 4mos or more pa po natin malaman yung gender ng baby." Paliwanag ko naman.

"Ay oo nga pala. Isang buwan pa lang yung tyan ng anak natin. So cha, kamusta naman pakiramdam mo?? Naglilihi ka na ba?? Okay ka lang??" Sunod sunod uli na tanong ni Nanay Cristy. Napapangiti na lang ako sa nasaksihan namin ngayon. Alam ko abot langit din ang saya nila sa balita.

Kinuwento naman ni Glaiza kung pano siya maglihi at kung pano namin hinahandle.

"Hay naku Jel anak, dapat matatag ka ha? Parang mahirap ah." Nakangising aso naman na turan ng lalaki habang tinatapik tapik ako sa likod. Ngumiti na lang ako sa kanya.

"Pasalamat pa po ako eh hindi pa talaga naglilihi ng kung ano anong pagkain si Glaiza Tay. So far po eh kung ano meron sa bahay yun lang kinakain niya. Naku kung makita niyo lang mga kinakain neto." Sumbong ko naman sa mag asawa. Kinurot naman ako ni G sa tagiliran sa sinabi ko.

"Naku cha. Dapat eh balance yung pagkain mo niyan. May alam ako na nutritionist na makakatulong sayo." Sabat naman ni nanay C. Napakamot ulo si Glaiza.

"Eh nay, alam ko naman po yun eh. Ayuko din naman lumubo habang nagbubuntis. Gusto ko lang talaga muna kumain. Maaga pa naman po. Isang buwan pa lang naman. Yun kasi mga cravings ko eh." Tanggol naman ni Glaiza sa sarili. Which i agree. Cravings niya yun, di pwedeng pigilan baka mapano pa ang pagbubuntis. Look out na lang muna kami sa mga gusto niya, total maaga pa naman.


The Right Kind of WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon