"Lets stick to our plan guys okay?" Remind samin ni Tito Joel. The plan was just easy, we should enjoy our night like how we want it. Magpakatotoo kami sa galaw namin towards each other.
"Yes po Tito." Sagot ni G. Nasa loob na kami ngayon ng van papuntang premiere night. Kasama namin ni Glaiza ang pamilya niya, showing their support for her film. Napag usapan na namin kagabi kung ano ang gagawin kapagka putaktihin si Glaiza ng mga tanong mamaya dahil sa blind item kahapon. So far sabi ng management niya, wala pang may tumawag sa kanila regarding the issue.
I looked at her with wide smiles as i held her hand, assuring her that everything is gonna be okay. She smiled at me as she held my hand tighter.
Pagdating namin sa mall, sa backdoor kami dumaan as instructed. Andun na kasi ang productions naghihintay at dapat sabay si Glaiza at Edward sa paglakad papasok sa cinema.
Masaya naman kaming binati ng productions pagdating sa waiting area nila. We stepped aside as they prepare the stars para sa entrance nila. May kunting kirot akong naramdaman nung hinawakan na ni Edward ang kamay ng fiancée ko.
"Ed, teka lang ah." Pag excuse ni G sa kaloveteam at naglakad pabalik sakin. Nagulat ako nung yumakap siya sakin saglit. "Tabi ka sakin mamaya ah? Sinabihan ko na si Tito Joel ikaw katabi ko." Bulong niya sakin habang kumalas sa pagyakap. Napangiti ako sa sinabi niya.
"As you wish." Sagot ko sa kanya habang hinawakan ang kamay niya at pinisil. May ngiti na rin sa mga labi niya bago bumalik kay Edward, but this time hindi siya nagpahawak sa kamay. Sa likod na lang humawak ang lalaki at giniya na lang siya maglakad palabas. I looked around and saw questionable looks on the faces of production staffs. Well, what G did is a start.
"Tara na Jel, sumunod na tayo." Aya ni nanay C at naglakad na sila ni tatay Boy na nakaabresyete. Alcris offered his arm to me para kami na rin ang magpartner.
Paglabas namin, maraming mga fans at press ang nag aabang sa dalawa. Sigawan. Flashes of cameras are all over. My eyes are hurting, but i should get used to it. In time.
Kay Glaiza lang ang tingin ko the whole time, see her happy face while smiling and waving in front of people and press. This is her world. Full house ang cinema pagpasok namin. Mas nahype ang mga tao na naroon pagpasok nila Glaiza. Tumayo muna sila kasama ang production sa balcony section, introducing and giving their speech before the movie starts.
As they instructed to settle on their seats, she waved at me to sit down beside her. Dahil marami pa ring tao nakatuon ang atensyon sa kanya, tumingin sila sa deriksyon kung saan kumaway si G. Nahihiya akong tumingin sa paligid, naramdaman ko ang pagpisil ni Alcris sa braso ko assuring me na okay lang lahat.
Tito Joel extend his hand out to me para pumunta na sa tabi ni Glaiza. I took it and just smiled at people na nadadaanan namin.
"You okay babe?" Bulong sakin ni Glaiza as we settled in our seat. I smiled sweetly at her and just nodded sa tanong niya. I admit, i am a little giddy dahil marami ang nakatingin. Sa kaliwa ko si G at si Tito Joel ang sa kanan ko. Katabi naman ni Glaiza sa kabila si Edward na busy na sa mga nagpapapicture.
"Come. Selfie tayo. First time na kasama kita sa premiere ng pelikula ko." Aya niya sakin habang kinuha na ang cellphone.
"Yeah. First indeed. And i know, masusundan pa to." Makahulugan kong turan sa kanya habang ngumiti ng matamis. Nawawala ang mata niyang ngumiti sakin bago kami nagselfie.
May mga fans din na lumalapit sa kanila to take some selfies, mga fans na malapit lang sa upuan namin.
"Miss G. Jel. Over here." Tawag ng isang babae samin. That fan knows me and i am not even surprised. "Smile." Turan niya nung lumingon kami sa kanya. Tumingin ako kay Glaiza saglit at malapad na itong nakangiti sa fan na kukuha sa amin ng picture, she even lean close to me. Tumingin na rin ako sa camera and showed her my best smile. Nagselfie na rin siya kay Glaiza after.
BINABASA MO ANG
The Right Kind of Wrong
FanfictionEndless story? 😅 I write just to have fun. Note: THIS IS NOT RASTRO. It is RAZTRO ?✌️