Jel's POV
Dahil may isang araw pa akong natira bago bumalik sa trabaho, ginugol ko ang oras ko by moving my other things in sa condo ni G. I have not yet officially move in. We caught up by preparing on our wedding kaya ngayon lang nagkaoras. Total eh halos mga ilang damit ko lang naman at maliliit na gamit ang kailangan ko dalhin sa condo. Its not a big move out dahil may mga gamit naman na ako dati pa dun sa bahay niya.
But, the move in is just temporary at hindi pwedeng dun na lang kami sa condo niya. Dahil mapride ako when it comes to these things, gusto ko rin na manirahan kami sa kung saan kaming dalawa ang naghirap. Nasa plano namin ni Glaiza na maghahanap ng isang property where we can really build our own home, where we can start our own family someday.
"So." Sambit ni G habang nakapamaywang na nakaharap sa kakaarranged naming kwarto. "We are done. You are officially moved in." Dagdag niya at malapad na ngumiti sakin.
Inakbayan ko ito binigyan ng halik sa gilid ng ulo. "Yep. Your room is now our room." Sabi ko at linibot na rin ang tingin sa kabuuan ng kwarto. Medyo sumikip lang ng kunti dahil gusto niya dun ilagay ang work area ko kesa dun sa labas sa tabi ng living room area. Natatawa nga ako dahil ang cute ng set up. Sa kabilang side is her make up area which define her as an actress and the other side is my mini office, laptop and files. Interesting mixture of sharing a home.
"'What is mine is yours' na talaga ang takbo ng buhay natin babe. Hihi." Nakikilig na sambit niya sakin habang yumakap sa baywang ko. Oo nga naman. Nakakakilig isipin na we are on that part of life. What is mine is hers.
"Well tagal na babe. Una, yung puso ko. My heart was already yours." Papakilig ko pa kunyari. Natawa siya sa pagkabreezy ko.
"Ay wala. Bumebreezy ka pa din. Haha." Tawa niyang sambit at piningot ang ilong ko.
"Totoo naman yun. Wag ka nga." Depensa ko naman na natatawa na rin. Nakakahawa kasi ang mga tawa ng misis ko.
"Ahm ate, tatay is on the line." Pagputol ni Alcris sa moment namin.
"Okay bro. Be out in a sec." Sagot ko habang hinatak na si Glaiza papuntang CR para magpalit ng damit. Pawisan na rin kasi kami dahil sa ginawa.
"Oy oy oy. Mamaya na yan. Dont make tatay wait." Saway kunyari samin ng mokong. Natawa kami ni G. Akala niya naman kung ano gagawin namin sa CR.
"Ulol. Magbibihis lang kami ng shirt. Haha." Rason ko naman.
"Hhmm talaga lang ah. Bilisan niyo. Mahal ang patak ng long distance call. Haha." Dagdag biro pa niya bago tumalikod. Napailing na lang kami sa kalokohan ni Alcris. Hindi naman talaga long distance call yun dahil nasa Valenzuela lang naman sila Tatay Boy.
After namin magpalit ng damit ni G lumabas na kami sa kwarto. Ako na ang nagpick up ng phone habang si G ay dumeretso na sa kusina para magprepare ng aming inumin.
"Hello tay. Kamusta po kayo? Si Jel to." Pagbati ko sa matanda.
"Hello iha. Okay naman kami. Kakarating lang namin ni Cristy sa kakilala namin na binanggit ko sa iyo last time. Yung taga Sucat. Sakto at ikaw nakausap ko ngayon." Sagot naman sakin ni tatay Boy. Tumingin muna ako sa kusina bago ako tumalikod at pumunta sa balcony para hindi marinig ni Glaiza ang usapan namin.
Nagpatulong kasi ako sa ama ni G para sa paghahanap ng lupa para patayuan namin ng sarili naming bahay. At gusto ko na gawing sorpresa ito sa aking asawa, kaya kami lang ng mga magulang niya ang may alam sa plano.
"Bakit po? May update na po kayo tungkol sa lupa?" Halos pabulong ko na tanong.
"Oo iha. Actually nga dun na kami galing eh. Tiningnan namin ng nanay mo kung pasok siya sa gusto mo. Well ang masasabi ko lang is swak na swak yung lugar. Kung may oras ka na, pwede mo yun puntahan at tingnan para ikaw mismo makakita." Paliwanag naman ng lalaki.
BINABASA MO ANG
The Right Kind of Wrong
FanficEndless story? 😅 I write just to have fun. Note: THIS IS NOT RASTRO. It is RAZTRO ?✌️