Heroin

603 38 2
                                    

"Jel!" Sigaw ko habang napabalikwas ako sa kama. Tears flowing down my face.

"Cha? You okay?" Alalang tanong sakin ng kapatid ko.

"Si Jel ate." Nanginginig kong sambit sa kapatid ko habang umiiyak.

"Shhh. Okay si Jel cha. Okay lang tayo. Masamang panaginip lang yun." Pagpatahan sakin ni ate. Yumakap na rin ako to make myself relax. I can say that I have been traumatized for what happened na kahit sa panaginip hinahabol ako ng takot.

I look at my phone to find any updates pero wala pa rin. May mga missed calls and messages maybe from my friends. Hindi ko pa kaya sila lahat harapin. Its 6am already so i decided to get up. Hindi na rin naman ako makatulog. Bumangon na lang din ang ate ko at ipagluluto na daw niya ako ng agahan. Tinawagan ko na muna si Tita She sa hospital. Ask for any updates pero ganun pa din daw. Total ilang oras pa lang naman ang lumipas. Tinawagan ko na rin ang mga magulang ni Jel kung nakakuha na sila ng flight. They were scheduled at 9am. Nagrequest din ako kay Kuya Ed kung pwede siya na ang magsundo sa airport at deretso na sa hospital. I informed Tito Joel na agahan ang pagpunta sa bahay, kailangan ko na bumalik ng Maynila bago pa makarating sila Tito Boyet.

"G. Ano ba talaga ang nangyari?" Paninimula sa usapan ni Tito Joel. Dito kami lahat sa living room kasama ang mga magulang at kapatid ko. He is my manager so dapat alam niya ang totoo. Kinuwento ko sa kanya lahat, pati ang relasyon namin ni Jel. Nung una hindi pa siya makapaniwala, hindi daw ganun ang pagkakilanlan niya sakin. Akala lang talaga niya matalik kaming magkakaibigan lamang ni Jel. Pero wala eh, nahulog ako. Minahal ko. At si Jel na ang nagiging buhay ko.

"As you can see sa balita, matagal na daw nanliligaw sayo si Benj. Nagkaroon daw kayo ng sagutan at muntikan ka daw niya marape bago mangyari ang pagbabaril. Jel's identity is not yet broadcast. Pero meron daw sugatan sa nangyari. You are safe and Benj are behind bars. Because of lack of proper information, maraming mga tao ang gusto malaman ang totoo. How can we deal with this?" Tanong ng manager ko.

"Hindi pa ako handa sa isang press con. Lets just give the media little informations but the truth. Ikorek natin ang false info na binibigay. Na matagal na hindi si Benj nanliligaw sakin. That he lost his mind because of alcohol and drugs kaya niya nagawa ang pamamaril. Na ako dapat ang papatayin ni Benjamin but Jel saves my life kaya siya ang nabaril." Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil bumabalik naman ang sakit sa mga nangyari.

"Kung yan anak, the identity of Jel will be exposed. Handa ka na ba na halukayin ng media ang buhay ni Jel? I am sure, they will ask further about her. Ready ka ba na ibulgar ang relasyon niyong dalawa?" Tanong sakin ng nanay ko. Sa ngayon hindi ko pa masabi. Naguguluhan na ako sa sitwasyon namin ngayon, at mas maguguluhan ako kung madagdagan pa ng isang issue. May pangako akong pinanghahawakan. Umiling ako habang patuloy sa pag iyak.

"Nangako ako sa mga magulang ni Jel na protektahan ko ang anak nila. I failed. Hindi ko nagawa dahil nakaratay siya sa ospital ngayon. But now, i want to keep that promise again. Lets keep Jel's life private. As for now, masyado pa magulo ang lahat. Ayuko na madagdagan pa." Sagot ko.

"So you mean to say, Jel is just a friend of yours who saves your life?" Tanong ni Tito Joel. Tumango ako.

"Wala na siguro magkakainteres sa kanya once we told na isa siyang matalik na kaibigan na sumagip sa buhay ng kapwa niya kaibigan." Sabi ko.

"Wel. That would be the safest thing to do. Did the media interview Benjamin?" Tanong ni Alcris. Oo nga pala. Baka magsalita ng kung ano2 ang gago.

"So far tikom pa ang bibig ng kampo ni Benjamin. Nagrequest rin ako sa mga authorities na humahawak sa kanya na huwag ipalapit sa kanya ang media. Wala na rin kasi siyang laban sa malakas na ebidensya natin sa kanya. There is no use kapag may balak pa siya na ibulgar ang relasyon ninyong dalawa. Pero dapat magiging open tayo sa possibilities na puwede nilang gawin." Paliwanag naman ni Tito Boy.

The Right Kind of WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon