"Babe." Gising sakin ni Glaiza.
"Hmm." Inaantok ko pang sagot.
"I need to go. Maaga schedule ko ngayon. You gonna be okay here?" Bulong niya sakin.
"Ahuhmm.." Sagot ko na nakapikit pa rin.
"Okay. Aalis na ako. Behave ka dito sa condo ah."
Natawa ako sa sinabi niya. I looked sleepily at her.
"Sure babe. Dont worry. I wont do anything stupid again." Pag assure ko sa kanya. Napangiti na lang ito.
"Good then. Update me okay? I love you." Sagot niya sabay halik ng mabilis sa labi ko at tumayo na. Nakabihis na pala ito and all.
"Okay baby. Ingat ka ah? I love you too." Pahabol ko na sabi bago siya lumabas ng kwarto. She gave me a flying kiss before closing the door. Its still early and i still feel exhausted kaya natulog ako ulit.
9am na nung bumangon ako. Kailangan ko maging positive ngayon. Hindi na ako magpapadala sa mga emosyon ko. I spent my day researching about business again. Chynna have informed me that there will be a course next week. 2-week intensive course daw yun. So not bad, basta meron lang akong knowledge about what i wanna do.
By afternoon sinundo na ako ni Kuya Ed para ihatid sa gym. Tahimik lang kami sa loob ng van. Nahihiya ako sa nagawa ko kahapon. Kailangan ko humingi ng pasensya sa kanya.
"Uhmm. Kuya Ed. Sorry po pala kahapon. I was not in my good behavior." Paghingi ko ng sorry.
"Walang problema iha. Naiintindihan kita. Kaya huwag ka ng mag alala okay? Wala lang yun." Sagot naman ng driver.
"Salamat po. Hindi na po yun mauulit. Nabigla lang ako sa emosyon ko. Hindi ko na mapigilan."
"Okay lang yan iha. Alam ko kung gaano kahirap ang sitwasyon mo simula nung insidente. Magpakatatag ka lang. Okay ba yun?" Advise naman sakin ni Kuya Ed.
"Opo kuya. Gagawin ko naman po lahat para maging okay ako. Kami." Ngiti kong sambit sa kanya.
"Mabuti. Oh dito na tayo. Tawag ka ulit kung papasundo ka na."
"Salamat po ulit Kuya Ed. Sure po." Sagot ko sa kanya habang pababa na ng van.
Mabilis na akong pumasok sa gusali.
"Hi Miss Jel. Nice to see you again." Masaya namang bati ng babae sa lobby.
"Hi. Jel na lang tawag mo sakin Miss...."
"Julie." Pagtatapos niya sa sinabi ko.
"Julie." Pag uulit ko at nginitian siya.
"May bagong log in method po tayo Jel. Biometrics." Paliwanag niya.
"Oh. Okay. Sure." Sagot ko na lang habang sineset up na niya sa computer.
Madali lang naman kami natapos at umakyat na ako. Dumeretso na ako sa locker ko. Habang nag aayos ng gamit biglang sumulpot si Ashley.
"Hello!" Hyper niya na bati sakin. Malapad na ngiti pa rin an nakaplaster sa mukha niya.
"Wow. Ayus ang energy natin ngayon ah. Hello din sayo Ash." Bati ko rin sa kanya habang sinarado na ang locker.
"Syempre naman para mas ayus ang work out natin ngayon di ba."
"Oo nga naman. So tara?" Aya ko na sa kanya.
"Sure! Oh wait. What happened to your hand??" Alalang tanong niya sakin nung nakita ang wound dressing sa knuckles ko. Hinawakan niya ang affected hand ko at alalang tumingin sakin.
BINABASA MO ANG
The Right Kind of Wrong
FanfictionEndless story? 😅 I write just to have fun. Note: THIS IS NOT RASTRO. It is RAZTRO ?✌️