"Jel Raz! Humanda ka sakin!" Sigaw ni Ashley nung makita na niya akong naghahanda sa locker room. Kasalukuyan na kasi akong nasa gym ngayon to burn the unwanted calories from my yesterdays party.
"Naku patay." Napasapo na lang ako sa ulo ko dahil naalala ko ang nangyari kahapon sa Runners. Mabilis siyang lumapit sakin at kunyari pinagsusuntok ako dahil sa kasalanan ko. Panay naman ang iwas ko sa kanya.
"Akala ko ba ikaw bahala kay Miss G? Eh nakatikim pa rin ako sa kanya kahapon. Haha." Tawa niya habang nag eenjoy pa rin siya sa pagsuntok sa katawan ko.
"Eh pinagtanggol naman kita ah. Sabi ko huwag ka ng sisihin dahil yun nga pinilit lang kita. Inamin ko naman sa kanya ang kasalanan ko eh. Pinaliwanag ko naman sa kanya lahat." Depensa ko naman sa babae.
"Nagalit ba siya talaga ng bongga nung isang araw?" Curious niya na tanong habang naglalakad na kami papuntang work out area.
"Naku Ash kung andun ka lang. Ewan ko lang kung makakapagsalita ka pa. Pirena mode talaga. Haha." Biro ko sa kanya.
"Talaga ba? Ikaw kasi eh andami mong kalokohan. Ayan tuloy. Nakatikim ka sa dragonesa. Haha." Natatawa na rin niyang sambit.
"Hala sige. Magstrecthing na tayo. Paparusahan din kita sa mga kalokohan mo. Bwahaha." Banta niya sakin.
"Ash naman. Wag namang ganun. Nakatikim na nga tayo kay Glaiza eh." Pagmamakaawa ko sa kanya. Naku pahihirapan pa talaga niya ako ngayon.
"Wala. Ako ang masusunod ngayon. Huwag ng umaangal." Pagtatapos niya sa usapan. Sinunod ko naman kung ano ang gusto niya. Total paraan na rin to para maburn ko lalo ang mga kinain ko kahapon.
Tinotoo talaga niya ang paghihirap sakin, pero kahit papano naenjoy naman namin kasi panay kalokohan ang ginagawa.
Mabilis namang nagdaan ang mga araw sa buhay namin ni Glaiza. She finds time to teach me again on how to drive pero hindi naman nagtagal ang pagtuturo niya kasi everything i know about driving flows freely nung nasa kalsada na ako. Bumalik na rin ang natural driving skills ko. Kaya hindi na hustle sakin ang pagpunta ko sa Runners or sa gym. Nagagawa ko pa siyang sunduin kung gusto niya magpapasundo, or minsan pinipilit ko. Haha. Bakit ba eh gusto ko. Namimiss ko siya araw2.
Habang tumatagal ang exposure ko sa Runners eh alam ko na ang pasikot2 at magdiskarte sa ganitong business na lalong naeenjoy ko. Their management even told me na ako na raw bahala ang pumili kung sino ang candidates for interview, at sasama daw ako kay Bianca at Glaiza while they are doing the interviews. Good idea naman kasi ako rin naman ang maghahandle sa kanila sa bagong resto.
Binibigay na nga rin sakin ni G ang mga responsibilidad like imports of products, marketing strategies, at kung ano-ano pa. I am willing to do it.
Christmas and New Year Holidays are fast approaching. My family begs for me to go home and celebrate with them.
"Jel apo, isama mo na rin si Glaiza pabalik dito sa Aklan para sama2 tayo." Suhestyon ng lola ko. Magkakausap kami ngayon sa Face time. Kasalukuyan na kasi akong nasa condo.
"Maipapangako ko ho nay na makakauwi ako diyan pero hindi ko po alam kung makakasama si Glaiza. Kasi andito naman po ang pamilya niya sa Manila. For sure mas gugustuhin niya na kasama niya rin pamilya niya." Paliwanag ko kay nanay. Ito kasi ang mahirap kung magkalayo ang mga angkan namin ni G. Hati sa atensyon.
"Naiintindihan ko naman iha. Kung pwede lang naman di ba. Hehe. Pero sige, ipalalagpas ko ang desisyon niyo sa taong ito. Sigurado ako sa susunod na taon, magkasama na kayo ulit bumalik dito." Malapad na ngiti ni nanay sakin.
"Talaga nay? Sigurado ka talaga ah?" Grabe naman ang lola ko mag expect.
"Oo. Sigurado ako. Dahil pagdating ng pasko sa susunod na taon eh mag asawa na kayo nun. At hindi na dapat kayo maghiwalay sa mga family events lalo na pagpasko. Hehe." May kilig sa mga salita ng lola ko. Parang naantig naman ang puso ko sa sinabi niya. May plano naman talaga ako na magpropose na kay Glaiza next year. Alam ko na makakaipon na ako nun at makakaya ko na siyang buhayin.
BINABASA MO ANG
The Right Kind of Wrong
FanfictionEndless story? 😅 I write just to have fun. Note: THIS IS NOT RASTRO. It is RAZTRO ?✌️