The Tension

741 33 0
                                    

Sa loob ng isang linggo na yun, bahay trabaho lang din ako. Last week ko na rin sa trabaho. Ito na, nalalapit na rin akong umuwi. May part na naeexcite ako dahil miss ko na rin ang pamilya ko. Pero mas nanaig ang sadness dahil yun nga, magkalayo na kami ni Glaiza. Speaking of her, palagi na niya akong kachat unlike before. Minsan i felt na parang ang weird kasi she is not like that. Siguro dahil sa malapit na akong umuwi. Hindi ko na lang pinagtuonan ng pansin ang mga ganung bagay.

Ngayon na ang araw ng pag uwi ni Glaiza. 4pm daw ang flight nito and tinanggap niya ang offer ni Benj na siya na ang magsusundo sa kanya. Yeah may kunting kirot but who am i to complain. Obligasyon naman ng future boyfriend niya para sunduin ito. On the other side excited na rin ako sa pag uwi niya. I planned na gumawa ng maliit na welcome party sa condo nito. Kinutsaba ko si Alcris. So by 5pm andun na kami sa condo niya preparing for out little party. Nagkabit ng mga balloons. And other decos. Nagcollage din kami ng 'welcome home' na signage. OA lang. Pero wala eh. I wanna do it for her. Nag order lang kami ng food para di na mapagod. May beer din na nakahain. Pagpatak ng 8pm nakatanggap si Alcris ng tawag galing kay Glaiza. It means dito na siya sa Pinas.

"Hello Ate Cha. Pauwi na ba kayo? Dito kayo sa condo dumiretso ah." Bungad kaagad ni Alcris pagsagot nito. Nakikinig lang ako sa kanya.

"Huh? Bakit? Asan na daw siya??" Kunot noo na tanong nito sa ate niya. And irritation is visible in his face.

"Sabi ko na nga ba. Hindi talaga maasahan ang mokong na yun." Galit na niyang turan. Nagtataka ako kung ano ang nangyari.

"Sige sige ate. Hintayin mo kami diyan. Huwag kang aalis." Huling sabi ni Alcris at binaba ang tawag.

"Bakit? Ano ang nangyari??" Takang tanong ko kay Alcris habang dinampot ko na rin ang bag ko.

"Yung gagong Benjamin na yun hindi sinipot si ate sa airport. Hindi daw nito makontak. Tara na Jel at tayo ang susundo sa kanya." Sagot naman nito sakin at naglakad na palabas ng condo. Ay tarantado yun ah. Nangako pa kay G hindi naman pala gagawin. Sarap sapakin.

Tahimik lang kami ni Alcris habang papuntang airport. Naiinis sa sitwasyon. Si Glaiza ang iniisip ko. Kung okay lang ba siya. Alam ko naiinis din yun. At pagod pa galing sa tour. Ano ba ang nangyari sa mokong na yun bakit hindi sumipot.

Pagdating namin, nakita namin kaagad si Glaiza sa labas ng airport. Halatang pagod na ito but still beautiful. I immediately got out of the car and walk fast towards her. Nabuhayan naman ang mukha nito nung makita ako. She hugged me tight and ramdam ko ang pagkamiss niya sakin.

"You okay?" Tanong ko dito habang yakap pa rin. Umiling ito. I know why.

"Lets go home." Aya ko sa kanya at kumalas naman ito sa pagyakap.

"Hi ate." Bati ni Alcris paglapit nito. Kinuha na rin niya ang mga bagahe ni Glaiza. Kinuha ko na rin ang hand carry nito.

"Ano ang nangyari ate? Bakit ka niya inindian??" Usisa ni Alcris habang nasa daan na kami pauwi.

"Hindi ko nga rin alam. We have a deal naman na sunduin niya ako tonight pero nung pagdating ko, hindi ko na siya makontak. Nagriring lang ang phone nito." Pag explain ni Glaiza.

"Baka may meeting?" Singit ko naman.

"Kaninang umaga my sinabi siya sakin na my client daw siya for a meeting today pero til 5pm lang naman daw. Hindi na rin ako nagtanong kung sino at saan kasi busy na rin ako sa pagliligpit and all." Dagdag pa niya.

Natahimik kami ulit sa loob ng sasakyan. On deep thoughts about sa nangyari.

"What the..." Biglang sabi ni Glaiza at nakatutok ang tingin sa labas ng bintana.

The Right Kind of WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon