The Comeback

547 36 17
                                    

Ganun na ba kalalim ang iniisip ko na hindi ko na namalayan ang pagtabi niya sakin? Or dakilang ninja lang tong taong to?

Lumingon ako sa taong nagsalita sa tabi ko. Nakatingin lang din siya sa dagat at malapad na nakangiti. She has a black hair hanggang balikat ang haba. Nakaside view siya sakin kaya kita ko kung gaano katangos ang kanyang ilong at mahabang pilik mata. Well, she is pretty.

"Are you done checking me out?" Tanong niya at humarap na sakin flashing her heart-stopping smile at me. I arched my eye brows for what she just said. What? May kakapalan din pala ang ninja na to.

"Tumitingin lang, checking you out kaagad? Assuming?" Taas kilay kong sabi sa kanya. Ambisyosa naman kasi. Maganda nga sana makapal nga lang ang mukha. She just laughed at what i said. Abat tinawanan pa ako. Nakiupo na nga sa tabi ko, nang iinsulto pa. Inirapan ko nga.

"Whoah. Bakit ang sungit?" Nakangiti pa rin niyang sabi sakin.

"Pakialam mo." Irita kong sabi na hindi na tumitingin sa kanya. Sorry stranger i am not in the mood today. Malas mo lang.

"Okay?" Sabi niya na at tinaas ang kamay na kunyari sumusuko. Umalis na sana tong epal na to. Wala ako sa mood makipagkaibigan ngayon.

"I am Glaiza by the way." Pakilala niya at inabot ang kamay sakin for a handshake. 'Glaiza?' Yung kaibigan namin sa manila?

I looked at her, confused. Is she the Glaiza my mother is talking about?

"The Glaiza, the one na kausap ko sa telepono the last time? Yung tagaManila?" Tanong ko na hindi pa rin inaabot ang kamay nito.

"Hmm yep. Its me." Matamis na ngiti niya sakin na pilit pa rin inaabot ang kamay niya sakin.

So. Siya nga. What is she doing here? Siya ba yung sinaabi ni papa na magmeet sakin dito? Nakapunta na ba siya ng Aklan para matulungan ako makaaalala?

"What are you doing here??" Irap ko ulit sa kanya at tumingin ulit sa dagat. Ramdam ko na nawala ang ngiti niya at binaba na ang kamay na hindi ko inabot. Bahala siya. Wala talaga ako sa mood to be friendly.

"Uhmm i am here to help you remember." Plain niyang sagot. So alam pala niya ang nangyari sakin. 'Natural kasi nga sa Manila ako nung may nangyari sakin.' Talo ng isip ko.

"Bakit ikaw? Nakapunta ka na ba dito?" Masungit pa rin ang tono ko.

"Yes. Nakapunta na ako dito. You brought me here for your information." Sagot niya na alam kong nakangiti ulit sakin.

Kunot noo akong tumingin ulit sa kanya. She is still flashing her beautiful smile at me kahit na sinusungitan ko na. Umiwas na ako ng tingin sa mga mata nito. There is something the way she look at me. Like my soul is being sucked up by those big black orbs. Weird.

She said i brought her here. Of course i dont know that. I cant remember.

"Bakit naman kita dinala dito? Are we that close as friends?" Taas kilay kong tanong sa kanya. Mas lumapad ang ngiti niya. Nagpapacute ba to sakin?? Umusog ako ng kunti palayo sa kanya. Parang ang awkward ng pakiramdam ko sa Glaiza na to. I tried not to look at her straight into the eyes.

"Yes you could say that." Sagot nito na tumingin ulit sa dagat. Her answer made me confused. But what ever.

"So pumunta ka talaga dito para lang tulungan ako makaalala?" Tanong ko ulit. Am i that important to her para lang tulungan ako makaalala? Nag effort pa talaga siya.

"Yes. That is my goal right now. To help you."  Tumingin siya ulit sakin with soft eyes.

"What if sasabihin ko sayo na, useless lang ang pagpunta mo dito. Sayang ang effort na ginagawa mo. Tutulungan mo pa rin ako?" Tanong ko sa kanya na may bahid ng sakit sa bawat salita. Totoo naman kasi. Walang progress ang memorya ko since Rena helped me. Malaki lang akong abala sa kanya lalo nat galing pa itong Manila.

The Right Kind of WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon