Mabilis akong bumaba ng sasakyan pagdating namin sa harap ng bahay nila Glaiza. The lights were still on so gising pa sila. Sinabihan ko si Vivian na maghintay na lang muna sa loob ng sasakyan.
I pressed the doorbell multiple times dahil di na ako mapakali. Bumukas ang maliit na part ng gate at niluwa dun si aleng Tina.
"Aling Tina andito na po ba si Glaiza? pwede po ba akong pumasok?" Agad ko na tanong sa ale habang humahaba ang leeg ko sa kakadungaw sa loob ng bahay nila.
"Ah sige Jel pasok ka." Kahit na naguguluhan, maluwag naman niya akong pinagbuksan ng gate. Di niya napansin ang hitsura ko dahil may kadiliman banda roon.
Mabilis akong naglakad papasok, sinalubong naman ako ni Tatay Boy sa may pintuan.
"Anong nangyari sayo iha??" Salubong sa akin ng matandang lalaki nung makita ang hitsura ko, putok ang labi at may mga kalmot sa bandang leeg at pisngi ko.
I never said a word, i just came rushing in and hugged the man as i break down in tears. "T-tay.. patawarin niyo po ako. D-di ko sinasadyang saktan ang anak niyo." Sambit ko habang napaluhod sa harap niya sa sobrang iyak.
"Jel iha.. tumayo ka, tara upo ka muna." Malumanay na sambit ni tatay Boy habang inalalayan ako makatayo at maglakad papuntang sofa.
Muli kong yinakap ang matanda nung nakaupo na kami, "tay wag ho kayo magalit sakin ni nanay. Di ko po kayanin kung ipagtabuyan niyo na ako." Iyak ko sa bisig ng matanda. Panay naman ang hagod at pagpatahan niya sakin.
"Ano ba talaga ang nagyari Jel?? Umuwi dito si Glaiza na panay na ang iyak." Tanong niya habang hinawakan ako sa balikat to see me clearly.
"Asan po siya? Okay lang po ba siya Tay? Gusto ko po siyang kausapin." Sambit ko habang sinubukan uli tumayo para puntahan si Glaiza, hindi pinansin ang tanong ng matanda.
"Maupo ka muna iha. Andun si Cha sa kwarto niya kasama si Cristy." Pigil naman niya sakin at muli akong pinaupo. "Tayong dalawa muna ang mag usap. Ano ba ang nangyari??" Pag uulit neto.
Mas naiyak ako nung maalala ko ang mga nangyari. Hindi ako makapagsalita dahil sa mga hikbi. Inutusan muna ni tatay Boy si aleng Tina na kumuha ng ice pack at panglinis ng sugat habang hinihintay niya akong humupa sa pag iyak.
Habang ginagamot ang mga sugat ko, kinuwento ko naman sa kanya ang mga nangyari pati yung away namin ni Ryza after Glaiza left.
"Bakit kasi hinayaan mo yung Ryza Jel? Bakit hinayaan mong hawakan ka?" Medyo may inis na tanong ni tatay Boy after ng kwento ko. Walang humpay pa din ang paglabas ng aking mga luha.
"H-hindi ko po alam tay. I tried my best to oppose, to keep my guard up.. but.. but i was too weak." Hikbi ko.
"You see, sa course ng pregnancy ni Glaiza, i am trying my best to be a good wife tay. I always take good care of her. I never miss a chance to feel that i am with her.. but then, eventually i felt like i was left behind, masyado siyang focus sa sarili niya at sa pagbubuntis, na minsan nawawalan na siya ng oras para sa akin. I too need some love and affection, lalo na at sobrang stress ako sa trabaho. Tay, tao lang din ako, i have some needs too that my wife can only provide." Paliwanag ko sa aking nararamdaman, he just nodded as he gets what i mean.
"Sa sobrang pag intindi ko sa sitwasyon niya, hindi ako namilit. Maraming mga sakripisyo ang ginawa ko sa sarili ko para lang sa kanya. I never talked about problems personal man o trabaho, dahil stress yun sa kanya. I kept it, then eventually napuno na ko at di ko kinaya." Dugtong ko habang walang humpay sa pagpatak ng aking mga luha. I started to realize things. I paused for a bit bago nagsalita uli.
BINABASA MO ANG
The Right Kind of Wrong
FanficEndless story? 😅 I write just to have fun. Note: THIS IS NOT RASTRO. It is RAZTRO ?✌️