Unrequited Love

844 33 13
                                    

As our eyes meet, napako na ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko inaasahan na makita ko siya ngayon. I saw longing in her eyes habang mabilis siyang lumapit sakin at kaagad niya akong niyakap ng mahigpit. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko rin alam kung ano ang dapat kong mararamdaman. Bakit siya nandito. Still para lang akong tuod dun sa pwesto ko. I cant even hug her back. Do i need to? Kumalas siya at hinawakan ang magkabila kong pisngi at tiningnan akong mabuti habang umiiyak. Walang emotion ko siyang tiningnan. Hindi ko alam kung anong emotion ang dapat kung ilabas.

"Jel. Okay ka lang ba?" Tanong niya sakin. Tumaas ang kilay ko sa tanong niya. All this time ngayon lang talaga siya nagtanong sakin ng ganun. Hindi pa rin ako makapagsalita. Nawala ang kalasingan ko. I walk towards the door with out looking at her while hinahanap ang susi. "Jel?" Tawag nito uli sakin nung hindi pa rin ako nagsasalita.

"I am okay." Cold ko na sagot sa kanya. Pumasok na ako ng pinto pagbukas at nakasunod naman ito sakin. Dumiretso ako sa ref at naghanap kung may natira pang beer. Parang automatic na kasi sakin na pagkagaling sa labas beer kaagad ang hanap ko. Cool at meron pang isa na natira. Nanatili lang siyang nakatayo malapit sa pinto at tinitingnan ang kabuuan ng condo. Yes i know walang linis at my mga bote pa ng beer na hindi pa natapon.

I lean on the sink while looking at her. She is still the same. The Glaiza that i know. Binaling na niya ang tingin sa akin and i saw too pity in her eyes. Ganun na ba ako kaawa2 para pagtapunan ng mga ganung tingin?? Umiwas ako sa mga tingin niya. Di ko kaya. Para pa rin kasi akong hinihigop. Lumapit ito sakin at pinigilan ako sa pagtungga ng beer.

"Please stop drinking." Lambing niyang sabi sakin. Wow. Susulpot lang siya dito sa condo kung kailan niya gusto tapos pagsasabihan lang na wag akong uminom?? Aba ayus rin ah. I just look at her pero hawak ko pa rin ang bote.

"Why are you here?" Tanong ko nung nagkaroon na ako ng lakas ng loob magsalita. Umalis ako sa harap niya at umupo na rin ako sa sofa at pinatong ang paa ko sa table.

"We need to talk." Sagot naman niya at umupo na rin sa tabi ko. Tungkol saan naman ang pag uusapan namin? Sa loob ng 2 weeks nakabuo na rin siguro ito ng desisyon at yun ay tapusin officially ang pagkakaibigan namin. Nanumbalik ang sakit sa namanhid kong puso. Hindi ko alam kung kaya kong makinig sa sasabihin niya.

"There is nothing to talk about." Walang gana kong sabi na hindi tumitingin sa kanya.

"Jel. Alam ko i should have to talk to you sooner. Sorry if hindi ko sinagot mga tawag mo. Please just hear me out." Pagmamakaawa nito. Parang sasabog ang puso ko sa sakit dahil sa mga sinasabi niya. Ganun na lang ba kadali sa kanya yun? Nung ako ang gustong kumausap sa kanya, did she hear me out?? Di ko namamalayan na tumutulo na pala ang luha ko.

"Kung ano man yang gusto mong sabihin sakin, hindi ko kaya na marinig. So, much better kung umalis ka na lang para hindi na ako mahirapan pa, total yun naman ang gusto mo. Magiging okay din ako." Flat affect pa rin na sabi ko pero patuloy ang pag agos ng luha ko.

"No!" Sabi niya sabay yakap ulit sakin. "Please makinig ka muna sakin." Dagdag nito at nagsimula na rin tumulo ang luha niya. Nanatili lang akong nakaupo dun. I never hug her back. Hindi ko kaya. Nasasaktan pa rin ako sa nangyayari. Okay sige hayaan ko siyang magsalita. I have been through the worst, what more can it give me. Nang dahil hindi na ako sumagot nagpatuloy ito sa sasabihin. Kumalas siya sa pagkayakap sakin at hinawakan ang kamay ko.

"Humihingi ako ng tawad sayo Jel kasi natagalan ako. Hindi ko kasi alam kung paano kita haharapin. Sinaktan mo ako Jel. Nagalit ako sayo nun. I felt betrayed kaya kita iniwasan. Pero habang tumatagal mas nagingibabaw ang pagpapahalaga ko sayo. I forgive you Jel. Kahit papaano kaibigan pa rin kita. Naging mabuti ka sakin. Naging masaya naman ako sayo. Kaya namiss kita ng sobra. God knows how i missed you. Gustong gusto na kitang puntahan at kausapin. Pero hindi ko alam kung paano. Hindi ko alam kung paano tayo magsimula muli. Kasi alam kong hindi ko kaya na mahalin ka like how you love me." Naputol ang pagsasalita niya dahil lalo itong naiyak sa huli nitong sinabi. I keep my mouth shut. Trying all she said to sink in. Nung nakabawi na siya ulit ng lakas, patuloy itong nagsalita. "Pero dapat my gagawin ako dahil nag alala na ako nung hindi ka na tumatawag sakin. So i ask Alcris kung puwede ka niyang daanan dito. To check if you are okay. He told me what he found out. He told me nakatulala ka lang, ang gulo ng condo mo. And Mas lalo akong nag alala nung sinabi niya na you loss weight. Big time. Kaya i cannot take it anymore. I need to see you. I am so damn worried about you. It is my fault kung bakit ka nagkakaganito. Masyadong akong naging selfish dahil hindi ko inisip ang nararamdaman mo. I am so sorry Jel. So sorry." At nagbreakdown na ito sa kakaiyak. Yinakap niya ulit ako ng mahigpit habang humahagulhol sa iyak. And this time, i hug her back. Naiintindihan ko na ang gusto niyang sabihin.

The Right Kind of WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon