Hopes up

703 37 8
                                    

We start our first day in bora with banana ride and flyer fish. The ride in a speed boat was also intense. Lahat ng sigaw eh kay Glaiza. Hindi na kami makakasigaw ni Alcris kasi tawang tawa kami sa kanya. Humiga kami sa buhangin dahil na rin sa pagod. Tawang tawa pa rin kami kay Glaiza.

"Kayo ah. Pinagtatawanan ako. Hmp." Nagtatampo kunyari sa amin.

"Eh ikaw kasi ang pinakamalakas na sumigaw kanina. Haha." Biro naman ni Alcris.

"Hayaan mo na bro. Exercises yun para sa vocals niya. Haha." Dagdag ko rin.

"Oo nga noh? Haha. May advantage din pala." Tawa naman ni Glaiza.

"Hey its almost sunset. Kunin ko lang mga camera natin." Sabi ko at tumayo na muna. Habang naglalakad busy ako sa kakapagpag ng buhangin sa damit ko at di ko namalayan na may tao. Nagkabanggaan kami at natapon ko ang coffee na dala nito sa damit niya.

"Oh gosh!" Sigaw ng babae.

"Shocks. I am so sorry! Hindi ko po sinasadya. Are you okay? Napaso ka po ba??" Alalang tanong ko sa kanya as i grabbed a towel and tapped to dry the spilled coffee in her white beach dress. Sa bandang dibdib niya ito at dahil manipis lang ang damit bakat ang mabibilog niyang dibdib. Ooops.

"H-hey its okay. Hindi naman mainit eh. Tama na yan. You dont have to." Sabi naman nito sakin. Hay salamat naman hindi napaso.

"I am soooo sorry for what happened." Pag apologize ko sa kanya.

"Its okay. Hindi rin naman kasi ako nakatingin sa daraanan ko. Sorry din." And she flashed her smile. Hmm maganda. Napakamot na lang ako sa batok dahil sa hiya.

"Ahm my name is Bella Padilla. And you are?" Pagpakilala nito at inabot ang kamay sakin.

"Ah ehmm Jel Raz po. Nice to meet you Miss Bella." Sagot ko naman at inabot ang kamay niya. We shooks hands and she smiled widely again. Hmmm. Nagpapacute ba to sakin? Wagas makangiti ah.

"Drop the Miss. Bella nalang." Sabi nito at hindi pa rin binibitawan ang kamay ko. Hmm. Kind of awkward. Napansin niya rin siguro na nakahawak pa rin ito sa kamay ko kaya bumitaw na rin siya.

"Sorry talaga Bella. Nadumihan tuloy ang damit mo. If there is something i can do para makabawi naman ako sa pagkaclumsy ko."

Sasagot na sana ito pero biglang sumulpot si Glaiza. "Whats with the hold up Jel? Malapit na magsunset." Sabi nito at binaling ang tingin kay Bella.

"Ah sorry Gai. Nagkabanggaan kasi kami ni Bella. Ay anyway si Bella pala. Bella, si Glaiza." Pakilala ko sa kanila.

"Ah yeah i know her. Sa GMA network right? You are an amazing actress." Compliment naman sa kanya ni Bella as they shake hands.

"Ah thank you. At hindi naman masyado. Hehe." Pahumble naman na turan ni G. Bella just flashed her sweet smile at binaling ulit ang atensyon sakin.

"Anyway we can go clubbing later. Para makabawi ka sa pagtapon ng coffee sakin, samahan mo na lang ako mamaya total ako lang naman mag isa dito sa isla. You can invite your friends too para mas masaya. Cool?" Suggest nito at matamis na ngumiti sakin. Tumingin muna ako kay Glaiza. Flat affect lang ito na nakatingin samin. Ano kaya iniisip nito. Hmm maybe di naman masama kahit ngayong gabi lang. Total may kasalanan naman ako na dapat bayaran. And of course i dont want to be rude sa tao.

"Hmm yeah cool. Ill just give you my number para mainform mo ako kung saan tayo mamaya. Okay?" As i agreed to her plan. Ngumiti naman ito at binigay ko na ang number ko dito.

"So see you later then?" Pagpapaalam ni Bella.

"Yeah. See you." Ngiti ko namang sabi.

"Good. Bye Jel. Bye Miss Glaiza. Catch you later." Sabi nito at naglakad na palayo.

The Right Kind of WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon