The Forgotten

632 35 0
                                    

Kinabukasan, naging busy ulit ako sa trabaho. 6pm na nung nagkaroon ako ng oras bumisita sa hospital. Pagdating namin ni Alcris, andun na sa labas ng kwarto ni Jel si Dr. Martinez kausap si Tita Susie. Bumati ako sa kanila at nagmano kami kay Tita paglapit namin. 

"As you can see kanina Mrs. Raz, nahihirapan pa si Jel magprocess ng mga information. Her headaches can be worsen kung maraming information ang ibibigay natin sa kanya, kaya ang advice ko lang po huwag ho natin siyang biglain sa mga information. Okay? About her physical status, she is so weak now para makagalaw siya mag isa. For almost 3 months na nakaratay lang sa kama, naging mahina yung muscles niya kaya araw2 po siyang pupuntahan ng physical therapist para manumbalik ang lakas nito. Dont worry guys. She will improve i assure you. Patience lang muna ang pairalin natin sa kalagayan niya. She is doing good with out the breathing tube. Nasal cannula lang muna siya para sapat ang oxygen na dumadaloy sa utak nito. Sa ngayon hindi pa siya makapagsalita ng mabuti dahil masakit pa ang lalamunan niya dahil sa tubo. By tomorrow we can transfer her to an ordinary room. Okay?" Mahabang paliwanag ng doktor.

"Naku doc salamat po talaga. Okay na sa amin na magising ang anak ko. We are very happy na buhay si Jel. Salamat ho ng marami dok. We will continue to pray para makaalala na siya. Salamat talaga doc." Sabi ni Tita habang hindi na mapigilan ang yumakap kay Dr. Martinez at naiiyak. Maluha luha kong hinagod ang likod ni tita at nagpasalamat na rin ako sa doktor.

After nung umalis ang doktor, tinanong ko si Tita kung ano ang nangyari sa assessment at bakit ganun ang sinabi ni dok. Umupo muna kami at tiningnan niya ako ng malungkot. Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita.

"Pagpasok kasi namin sa loob, gising si Jel pero naguguluhan pa rin siya habang nakatingin sa amin ni dok. She remembers her name but nung una hindi niya ako nakilala." Napaiyak naman ulit si Tita. What. Her own mother?

Nagsimula ulit ako kabahan. Ako kaya? Naalala kaya ni Jel? No. Hindi niya ako pwedeng makalimutan. Nagsimula na mamumuo ang luha ko.

"Sabi ni dok retrogade amnesia lang naman daw ang nangyari kasi habang tumatagal na andun ako sa loob, hindi nawawala ang tingin sakin ni Jel. Parang pilit na inaalala kung sino. Ngumiti ako sa kanya at ngumiti rin ito sakin. Lumapit ako sa kanya at siya na mismo ang humawak sa kamay ko. Tinanong ko siya kung naalala na ba niya ako and eventually she nodded. Sabi ng doktor, madali daw niya kami makilala dahil since childhood na yung memory niya sa amin. Hindi niya lang masabi kung maalala ni Jel ang mga recent events. Kailangan daw ng patience. At sabi rin niya, wala daw kasiguradohan na maalala niya lahat. Kailangan pa rin daw ng further assessment kung hanggang saan ang kayang maalala ni Jel." Patuloy lang akong nakikinig kay Tita. Hindi pa rin ako makapagsalita dahil nakakaramdam na ako ng sakit. "The doctor then ask her kung natandaan niya rin ang papa niya. Ngunit umiling ito. But she assures me na maalala niya si papa niya kung makikita niya raw. Wala kasi dito ngayon si Boyet pinagpahinga ko muna. Thats the time na sumakit ulit ang ulo niya. She cannot take too much info. Kaya pinagpahinga na lang ulit namin siya." She stopped talking and looked at me ng buong pag alala. Alam ko na kung ano ang gusto ipahiwatig ni Tita.

"So, malaki din ho ang posibilidad hindi niya ako maalala?" Naiiyak kung tanong kay Tita. Tumabi na sa akin si Alcris at hinagod ang likod ko.

"Hindi ko masasabi yan iha. You can see her later if you want, pero handa ka na ba harapin si Jel? Handa ka ba sa posibilidad na hindi ka niya maalala?" Tanong sakin ni Tita. Mas lalo akong napaiyak. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko at hindi ko alam kung ano ang puwede kong gawin. Wala akong maisagot kay Tita. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Glai. Narinig mo naman ang sabi ng doktor kanina di ba? Eventually makaalala din si Jel. Pero hindi kaagad2. She had headaches whenever there is a new information. Gusto ko lang habaan ang pasensya natin." Turan ulit sakin ni Tita. Tumango lang ako at yumakap sa kanya. Masakit isipin na baka hindi ka na kilala ng mahal mo.

The Right Kind of WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon