Blind Item

780 43 25
                                    

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nung dumaan ng mabilis ang truck sa harapan ng sasakyan. Muntikan na niya kaming matamaan. Nawawalan ito ng kontrol habang lumagpas sa sasakyan namin at sumalpok sa isang poste ng traffic light.

Napapitlag sa pagtulog ang pinsan ko at si mama. Nagulat sila sa malakas na salpok ng truck. Si papa, well, himbing pa rin ng tulog. Haha.

For a second there i just thought the truck would hit us. Parang tumigil ang puso ko sa nangyari.

"What the hell?!" Tanging sigaw ni Makxi nung makita ang nasalpok na truck sa labas. Halos hindi pa ako makagalaw sa upuan ko. Mahigpit ang hawak sa manibela. 

"Anak?? Anong nangyari??" Tanong sakin ni mama.

"H-hindi ko alam ma. Galing ang truck sa kaliwa natin na nawawalan na kaagad ng kontrol bago pa sumalpok." Kinakabahan ko na paliwanag sa kanila.

"Oh shit. Buhay pa kaya ang driver??" Almost panic na sambit ng pinsan ko habang sinubukan bumaba sa sasakyan.

"Mak. Stay here." Pagpigil ko sa kanya. Its not yet safe para lumapit dahil baka sasabog ang truck. Napansin naman namin ang paglabas ng driver sa halos yupi na ulo ng truck.

"Salamat sa Diyos at buhay siya." Turan naman ni mama na nakadukwang galing sa backseat. Naginhawaan naman ang loob namin nung nakita na okay and driver. May mangilan ngilan na ring tao ang lumapit sa kanya. Sakto naman na nakagreen ang light at nagsimula na ulit akong magmaneho palayo sa aksidente kahit grabe pa rin ang kaba ko. Phew. Muntikan na yun.

"Ang swerte ng driver." Pagputol ng pinsan ko sa katahimikan habang binabagtas na namin ang daan pauwi.

"Yeah. He is." Tanging sagot ko. Hindi na sila nakatulog hanggang nakarating na kami sa condo. Inalalayan na namin si papa paakyat sa condo dahil sa kalasingan.

Ramdam ko na rin ang pagod pagdating sa condo. After we settled everything inside, i called my girl. In just one ring she answered. Hindi naman halata na hindi niya hinihintay tawag ko eh. Hehe.

"Hi baby. You home?" Malambing na bati ng mahal ko sa kabilang linya. Just hearing her voice nawala na ang worries ko sa nangyari samin sa daan kanina.

"Hi babe. Yeah. Kakadating lang." Tanging sagot ko. I chose not to tell her what happened earlier baka mag alala pa ito. Wala namang nangyaring masama samin.

"Are you okay? Something wrong? Kamusta ang byahe niyo pauwi? Napagod ba?" Pag alala niya.

"Yeah babe. Pagod. Pero napawi na, narinig ko na kasi boses ng mahal ko. Hehe." Lambing ko sa kanya. Napahagikhik naman siya sa sinabi ko. Nakilig si Galura. Haha.

"Ay naku talaga Jel. Yang mga galawan mo eh. Wag na mambola. Pakakasalan mo na nga ako oh." Natatawa niyang sambit. Pabagsak akong naupo sa sofa at humiga habang napapangiti sa sinabi niya.

"So ano ngayon kung pakakasalan na kita, hindi na ba pwede maging breezy? Hehe."

"Hmmm. Pwedeng pwede pa yan babe, pero wag naman lagi, nangingisay na ako sa kilig oh. Haha." Biro niya. Natatawa na lang kami.

"Jel. 'Day. Ano pa hinihintay mo? Bihis ka na at matulog. May trabaho ka pa bukas. Bawal magpuyat." Tapik ni mama sa paa ko nung nadaanan niya ako sa sofa. Ay oo nga pala late na. 1am na.

"Opo." Tanging sagot ko at tumayo na. "Baby? Prepare muna ako matulog ah? Matulog ka na rin. Late na oh." Baling ko kay Glaiza.

"Hmm. Sure thing baby. Hinihintay ko lang talaga tawag mo kung nakauwi na kayo. Hmm. So uhm, see you later? Good night baby. "

The Right Kind of WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon