"Jel... Gising na... Jel..." Mahinang tapik sa balikat ko. "Its 7am. We should eat breakfast na. Aalis pa tayo." Paggising sakin ni Glaiza.
"Hmmm." Tanging sagot ko dito. May head hurts a bit and still sleepy.
"Bangon na kasi. Ayan kasi dinamihan ang inom kagabi." Pagsaway niya sakin. Nararamdaman ko na umakyat ito sa kama at tumabi sakin. "Giiiiisiiiiiinnnggggg naaaaaa." Dagdag nito at malakas na niyugyog ang kama.
"Oo na. 5 mins." Sabi ko habang nakapikit pa rin.
"No. Times up. You should get up. Bangoooonn nnnaaa." Sabi nito at dahil nakadapa ako tuluyan siyang sumakay sa likod ko.
"Ughhhh Gai. Ang bigat mo. Get offfff." Saway ko sa kanya.
"I wont. As long as hindi ka babangon diyan."
"Paano ako makabangon eh nakasakay ka sa likod ko." Struggle ko na sabi dahil nabibigatan na ako sa kanya.
"Kaya mo yan. Kaya bangon naaaa." Turan nito at kiniliti ako.
"Ahhh! Stop! Oo na babangon na!" Pagpigil ko sa sa kanya. Dahil ayuko malunod sa kiliti nito i used all my strength and struggled to get up. Dahil mas malakas ako sa kanya nakayanan kung tumihaya at i immediately switched our position. Nakadagan na ako sa kanya at hinawakan ang mga kamay niya at nilagay sa magkabilang kilid ng ulo nito. She struggled to get out of my grip habang natatawa pa rin sa ginawa niya. I am a little pissed off kasi kakagising ko lang at masakit pa ang ulo ko. Ayuko ng may makulit. Ayaw pa rin niyang tumigil.
"Stop it or else hahalikan kita sa lips." Pagbanta ko dito habang nakatitig sa mga mata nito. Magbiro ka sa lasing, huwag lang sa bagong gising ika nga nila. She abruptly stop and surprise was written in her face. I smirked.
"Natakot ka rin pala." Sabi ko at ngumiting aso dito. Pinakawalan ko na siya kaagad at bumangon. Baka kasi mahalikan ko pa. Haha
"Alam mo ikaw, anlakas mo mang trip!" Sabi nito at pinang hahampas ako ng unan. Natatawa na rin ako habang sinasangga ang mga hampas niya.
"Sige ka. Hahalikan talaga kita kung di ka pa tumigil diyan." Pagbabanta ko ulit. Binigyan muna niya ako ng isang malakas na hampas at tumigil na.
"As if naman gagawin mo talaga. Huwag ako lokohin mo Jel. Hehe." Natatawa na rin niyang sabi. Tumingin lang ako dito na nakangiti pa rin. Yeah. I cant do that. Mahal ko nga pero may respeto ako dito. Kaya di ko magagawa yun. Napailing na lang ako.
"Ah nadagdagan ang sakit ng ulo ko sa kakulitan mo." Pabagsak ulit na higa ko sa kama. Sumakit kasi talaga ang ulo ko sa mga kalokohan nito.
"Tara na kasi sa baba at makapagbreakfast na tayo. And drink some med after." Aya nito at tuluyan ng tumayo. She lend out her hand para tulungan akong bumangon. I took it and umupo muna. I hugged her belly. Natawa ito.
"Ikaw lang Gai. Sapat na para mawala sakit ng ulo ko. Hehe." Lambing kong biro sa kanya.
"Asus. Naglambing pa. Alam ko. Pero di gagaling yan kung wala kang kinain. Tara na sa baba." Aya niya ulit. Tumayo na rin ako pero nakakapit pa rin sa kanya. Clingy lang. Haha
"Para kang matsing diyan na nakakapit sakin. Umayos ka nga baka mahulog tayo sa hagdan." Saway niya sakin nung pababa na kami ng hagdan. Bakit ba eh nag eenjoy pa ako eh.
"Ah Miss G. May padala po sa inyo." Pagtawag ng katulong sa atensyon namin. May bouquet of flowers itong dala. Abat ang aga naman manligaw ng mokong.
Kumalas ako sa pagyakap kay Glaiza at dumeretso sa dining room. Piniga nanaman kasi ang puso ko kasabay sa pagpiga ng ulo ko. Ugh.
Bumati ako sa mga magulang niya at kapatid na nagsisimula ng kumain ng breakfast. Inaya na rin nila akong kumain. Sumalin muna ako ng juice at ininom. Ahh refreshing. Naibsan ng kunti ang sakit ng ulo ko sa lamig. Linapat ko ang baso sa ulo ko. Hmm nice.
BINABASA MO ANG
The Right Kind of Wrong
FanfictionEndless story? 😅 I write just to have fun. Note: THIS IS NOT RASTRO. It is RAZTRO ?✌️