Early Onset

335 18 10
                                    

Mahigpit na yumakap sakin si Glaiza nung naconfirm na ni Dr. Mendez ang pregnancy. Hawak namin ang PT result na may nakalagay na "positive".

"Sa wakas love. Positive na. Positive na positive." Bulong ko habang hinahagod ang kanyang likod.

Kapit na kapit ang embryo. Halos di pa masyado makita sa UTZ pero malakas ang paniniwala namin na kapit na talaga. Sa symptoms pa lang na pinakita ng asawa ko kagabi at kaninang umaga, at sa result ng laboratories niya, masasabing buntis na nga talaga siya.

"Sa ngayon pa lang icongratulate ko na kayong mag asawa. Sa wakas at naitanim din." Masayang turan ni Dr. Mendez habang kinakamayan na kami. "We will do the next scan again after a month. But for now, watch out muna kayong dalawa sa mga simptomas. Simula pa lang eto Guys." Dagdag na reminders sa amin ni doc.

Masaya kaming nagtitinginan ni G sa sinabi ng doktor. Parang ewan lang kasi masaya kami kahit alam namin na may mahirap kaming pagdadaanan, lalo na si Glaiza.

Once cleared, masaya na kaming nagpaalam kay Dr. Mendez. We thank her ngayon pa lang.

Nagyakapan kaming muli ng asawa ko paglabas ng clinic. We cannot contain our excitement dahil sa nangyari. Sa wakas.

"Finally babe. Nakabuo tayo." Sambit ko habang dumadaloy ang mga masasayang luha sa aming mga mata. She just gladly nodded habang pinupunasan ang mga luha ko.

I lean down towards her tummy. Subukan ko na kausapin ang namumuong baby sa asawa ko. "Hey there blip. Sa wakas at kumapit ka, kapit ka mabuti ha? Patuloy lang din kami sa pagtitiwala ng mommy mo." Bulong ko. Napangiti si Glaiza sa ginawa ko habang hinihimas ang puson neto.

She pull me up for a sweet kiss. "That is so sweet of you baby." Bulong niya pagkatapos. Masaya. Yun lang talaga ang masasabi ko sa moment namin na to. Masayang masaya.

Tahimik lang namin binabagtas ang daan pauwi sa bahay. Glaiza smiling all the time habang hawak2 ang puson niya. I reach out to her hand at binigyan ng halik. Kitang kita ang saya sa kanyang mga mata. We dont need words now. Sinisavor lang namin ang bagong kasiyahan na aming nararanasan. 

"So ngayon, totoo na ang pag iingat ko sayo babe." Bungad ko kay G habang pinagbuksan sya ng pinto para bumaba na sa sasakyan.

"Loko ka talaga. Di naman ganyan kaingat ang gusto ko mangyari eh." Tukoy niya habang inaalalayan siya ng mabuti pababa. Kulang na lang buhatin ko siya palabas ng sasakyan. Sinadya ko naman talaga na iexaggerate ang pag alalay ko. Hehe.

"So kailan natin sasabihin sa kanila love?" Tanong niya habang naglalakad na kami papasok sa bahay.

"Ikaw? Kailan mo ba gusto?" Balik ko na tanong habang inaunlock ang pinto.

"Hmm.. maybe right after na lang ng sumunod na ultrasound babe. Gusto ko kasi na yung film mismo ng ultrasound yung ipakita natin sa kanila." Suhestyon naman niya.

"Wow. That is a good idea wifey. Mas okay nga yun." Pagsang ayon ko. "Sana nga lang we can keep our mouth shut sa kanila sa susunod na isang buwan." Dagdag ko pa. Natawa si Glaiza sa sinabi ko.

"Oo nga naman. Medyo matagal2 pero kailangan muna natin manahimik babe. Okay??" Hinarap na niya ako habang hawak ang magkabilang balikat ko, expecting to agree with her. I just gesture na kunyari I zip my mouth shut, lock it and throw the key out the window.

"Sira ka talaga." Natatawa niyang sambit at sinuntok ako ng very light sa balikat bago tumalikod at naglakad papuntang kusina. Napapangisi na lang din akong sumunod sa kanya sa paglakad.

The Right Kind of WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon