"Y-yes Miss P?" Natetense na tanong ni G sa kanya.
"Ah eh.. hinahanap po kayo ni Tita Cristy Miss G." Sagot naman ni Pia na nakatungo na.
"Okay. Tara na Jel. Sumunod ka na ha." Sabi naman ni Glaiza nung nakabawi na ito sa gulat sabay labas na ng kwarto.
Tumayo na rin ako at inayos ang sarili ko. Ramdam ko ang pagsunod ng tingin ni Pia sakin. Hindi ko alam kung ano ang iniisip nito and i dont have the guts to ask her.
After checking myself in the mirror naglakad na ako palabas ng kwarto. Pinigilan niya ako nung napadaan na ako sa harap niya."Jel. Ano nga ba talaga? Whats the score between you two?" Takang tanong sa akin ni Pia. Napailing na lang ako. Gustong gusto talaga niya malaman.
"Miss P. Walang score okay. Zero kung meron man. Haha." Dinaan ko na lang siya sa biro. Pero totoo naman. Zero naman talaga. Ako lang naman itong lihim na may pagtingin kay Glaiza.
"Eh ano yung naabotan ko kanina?" Pang iintriga pa niya. Napabuntong hininga nalang ako.
"Miss P. Magkakaibigan kami ni Glaiza. Just a simple hug lang naman yung naabutan mo kanina. Wala naman sigurong masama maghug sa kaibigan di ba?" Depensa ko. Eh totoo naman. Hug lang naman yun.
"Eh bakit gulat na gulat kayo kanina? Parang nahuli kayo sa akto sa mga reaksyon niyo eh." Dagdag pa niya. At dun na ako natawa sa sinabi nito.
"Paanong di kami magugulat eh bigla bigla ka na lang pumasok sa kwarto. Nagknock nga naman pero biglang bukas rin ng pinto. Haha." Tawa kong sabi sa kanya. "At parang hindi mo naman kilala yang boss mo. Naninibago lang yun kaya natense siya kanina."
Napakamot na lang ito ng batok at tuluyan na kaming lumabas ng kwarto habang natatawa pa rin ako kay Pia. Nang nakabalik na kami, mangilan2 lang ang mga natira kasi lumalalim na rin ang gabi. Inabotan ako ni Alcris ng isang bote ng lights at magalang ko rin na tinanggap. Nakita ko si G na kausap pa ang mga magulang nito malapit sa sound system. May kausap din sila na isang matipunong lalaki at masaya silang nag uusap. Matagal na siguro nila itong kilala. May mga times kasi na napapaakbay siya kay Glaiza at ganun din ito sa kanya. Abat. May 'kaibigan' pala na lalaki si Glaiza? Bakit di niya sinabi sakin or pinakilala? Napalagok na lang ako ng sunod2 sa beer na hawak ko. Para kasing my kumikirot sa bandang dibdib ko kung titingnan ko sila.
"Selos?" Bulong sakin ni Pia. Di ko kasi namalayan na titig na titig ako sa dalawa na masayang nag uusap. Tinapunan ko siya ng isang matalim na tingin at binaling ang tingin ko sa bote ng beer.
"Huh. Selos nga. Haha." Natatawa niyang conclusion. Aba at pinagtawanan pa ako.
"Tumigil ka nga Miss P. Kung ano2 pinagsasabi mo eh." Deny ko pa rin sa kanya pagkatapos kong lumagok ulit ng beer. Siguro nga nagseselos ako. Hindi naman na bago sakin ang ganitong pakiramdam eh. Yun nga lang, wala ako sa lugar para magselos.
Natahimik na lang si Pia. Ramdam niya rin siguro ang inis ko kaya di na niya ginatungan pa, she just tap me on my shoulder as per saying na magiging okay lang ang lahat. Almost 30 mins na silang nag uusap at nakapangalawang bote na ako ng beer. May mga pinag uusapan din kami sa table pero wala dun half ng attention ko. Bakit antagal naman nilang mag usap. Akala ko uuwi na kami ni G sa maynila. Sumulpot lang ang lalaking yun eh nakalimutan na ni Glaiza na my bisita siya rito. I sounded irrational already but hell, im so damn tired kanina pa at di ko matanggap ang selos ko. Di naman ako ganito kaselosa before. Tinuon ko na lang ang pansin ko sa beer. Lintik naman talaga. Kapag tinamaan ka, mamatay at mamatay ka na lang. Sunod2 ko rin na lagok ng beer. Bahala na kung magkahang over bukas. Sabado naman eh.
Dahil na rin siguro sa tama ng alak di ko namalayan na napakaingay ko na. Di ko na muna pinansin ang nararamdaman kong selos. Masarap kasi kakwentohan yung mga kapatid ni Glaiza lalo na si Alcris. Hindi ko na rin alam kung nakailan ako ng beer kasi panay naman ang abot sakin ni Alcris.
BINABASA MO ANG
The Right Kind of Wrong
FanfictionEndless story? 😅 I write just to have fun. Note: THIS IS NOT RASTRO. It is RAZTRO ?✌️