[MCBB7]
KC POV
Waaahhh ang sakit sakit ng buong katawan ko, buong araw kase kameng nag tanim sa garden ng school, Ayan tuloy bagsak ang katawan ko, Kakauwi ko lang at umakyat agad ako sa kwarto ko , saka binagsak ang katawan ko sa kama hay, ang sarap matulog.
Naka pikit na ang mata ko at nag papahinga na. waaahhh ang sarap sarap matulog, ang sarap pa humiga sa kama ko, dinalaw na agad ako ng antok ko, dahil siguro sa sobrang pagod.
-----
"Pang babaeng babae naman yung kwarto ng amazona na'to"
"Oo nga ei, Puro pink at violet , ano bayan ang sakit sa mata!"
"Reklamo kayo ng reklamo diyan, kwarto niyo ba'to? Kay Kel to diba? Saka syempre babae siya kaya pink at violet lahat dito!"
"Tss too noisy"
"Hey! Lets go, baka magising payan si Coreen at makita kayo nyan dito, baka mapatay kayo"
"Maya na halk! Dipa magigising yan, ang himbing nga ng tulog ng prinsesa ei haha"
Andami kong naririnig sa paligid ko ugh! Ano ba ang ingay ingay naman, kitang natutulog yung tao diba, Ang sarap sarap ng tulog ko dito may kung sino man sila na nag iingay ,
Umikot ako sa kama ko kaso---"A-Aray.."
Waaahhh ang sakit, nahulog ako sa kama ayt lalong sumakit katawan ko."Hala Kel okay ka lang"
May biglang nag salita sa gilid ko kaya tumayo ako at umupo sa kama, hala nanaginip padin ba ako? kinusot kusot ko ang mata ko."Tss so stupid"
Nadinig kong sabi ng isang lalaking kahit hindi ko tignan kilalang kilala kona, kahit hindi ko tignan, Tss yung multong tao lang pala-- What?!Napatingin naman ako sa paligid ko , at napa nga nga na lang ako sa nakita ko Bakit nandito sila? Nandito si Kuya Nath, si Brixsy , si Edwardo, si Jhoney at si Hanceltot? Waaahhhh bakit nandito sila?
"Hello Kelrish"-Jhoney
"Yow KC"-Edwardo
"Okay ka lang ba Kel?"-Brixsy
"Tss"-Hanceltot
"...."-Kuya Nath"LUMABAS KAYO SA KWARTO KO NGAYON NA!"
Sigaw ko sa kanila na kinagulat naman nilang lahat, pero hindi pa din sila umaalis! gusto ba talaga nilang mamatay?
"AALIS KAYO OH PAPATAYIN KO KAYO ISA-ISA!"
sigaw ko padin kaya dali dali na nag takbuhan yung apat ,syempre except kay Hanceltot na nag lakad lang palabas!Ugh! Nakakainis bakit sila pumapasok sa may kwarto ng may kwarto ha? Mga walangjo sila! Nakita pa nila akong natutulog dito! Hindi ba sila sinabihan ni Kuya na bawal pumasok sa kwarto ko? Ugh mapapatay ko talaga sila.
Arte koba? Ayt pasensya , ayoko talagang may pumapasok sa kwarto ko, Kase tinuturing ko 'tong private room ko kaya ayokong may kung sino sino lang na pumapasok dito, Kahit sila Daddy hindi pumapasok dito, tapos yung mga yun! nakakainit sila ng ulo alam ba nila yun?
Tinignan ko naman yung orasan at 6:13 pm na ayt 2 hour lang ang tulog, langhiya sabi ko 10 hours ako matutulog diba? 10 hours! bwisit kase na mga mokong nayun ang sakit sakit pa ng katawan ko.
Humiga ulit ako sa malambot kong kama kaso, Hindi na ako inaantok gising na gising na 'ko. pero masakit padin yung katawan ko. Ilang minuto din akong naka higa , hanggang mapag disisyonan ko ng mag linis at mag palit pantulog.
"Ayt nagugutom na 'ko"
Sabi ko habang naka upo sa kama ko, Kaya tumayo na ako, gutom na kaya ako, lumabas na ako ng kwarto ko at nag lakad pababa ng hagdan, Wala akong nakitang tao sa may sala? saan napunta yung mga yun? hayaan niyo na nga nagugutom na ako.Dumaretso naman ako sa kusina, kaso napatigil ako sa nakita ko?
0____0?"ayan na! ayan na! malapit na maluto"-Jhoney