[MCBB21]
KC POV
"Nakakainis talaga"
Bulaslas ko habang nag lalakad palabas dito sa subdivision, nakakainis talaga, bakit?! Bakit ayaw niyang maalis sa isip ko?!Monday na ulit at magaling na ako, hindi na masakit yung katawan ko dahil sa nang yari nakaraan, pero sa tingin ko nababaliw na yata ako , literal na nababaliw! anong gagawin ko? Bakit ganto? Hindi ko maintindihan! Bakit simula ng gabing yun dina siya mawala sa isip ko? Waahhh bwisit na hanceltot yan! bakit ba ayaw niyang mawala sa isip ko?
And yes siya lang naman ang nag papagulo sa utak ko na dapat ay payapa lang, simula nung gabing tumawa siya at sinabi niyang may paje siya sakin, ugh hindi na siya mawala sa isip ko! Anong gagawin ko?
Ilang gabi na din akong hindi makatulog ng maayos dahil kay Hanceltot, ewan ko pero hindi maalis sa isip ko yung muka niya habang tumatawa, nababaliw na talaga ako, paulit ulit kong inaalis sa isip ko si Hanceltot pero bumabalik padin siya at muka nababaliw na talaga ako.
Saka alam niyo ba napapansin ko lately nag iiba yung bilis ng tibok ng puso ko kapag nandiyan o kausap ko siya, tapos para akong kinukuryente pag hinahawakan niya ako, at naiinis ako lalo sa kaniya! Normal lang ba tong nararamdaman ko sa fiancè ko? nababaliw na nga yata ako.
*peppp pepppp*
"Ay kabute"
Gulat na sabi ko at napagilid sa daan dahil sa kotseng bumusina saakin, aish kita niyo na nababaliw na talaga ako sa kakaisip diyan kay Hance!"Bwisit"
Bulaslas kopa, aish bakit puro kamalasan naman ang nang yayare saakin ngayong araw? Una nasiraan kame ng kotse kaya nag lalakad ako ngayon pangalawa iniwan ako ni Kuya Nath kaya wala akong kasabay pangatlo eto muntikan na akong masagasaan at pangapat nababaliw na ako kakaisip kay Hanceltot ugh!Nag patuloy lang ako sa pag lalakad na parang wala sa sarili, hindi ko nga alam kung late naba ako o hindi ei, mali kase yung oras sa cellphone ko, grabe ang swerte ko talaga.
Buti na lang talaga at medyo malapit na malayo lang ang school ng B.C.U dito sa subdivision , kaya kayang kaya kong lakadin kahit sa totoo lang ayokong pumasok, kase aish ewan ko din tinatamad na naman ako.Ilang sandali lang akong nag lakad pa, nag shortcut na nga ako para lang makapasok na agad!
Pag dating ko sa school nag tanong ako kay Manong guard kung anong oras na at nalaglag ang panga ko sa sinabi niya."9:35am na, bakit ngayon ka lang pumasok?"
Tanong ni Manong guard pero hindi kona siya nasagot dahil kumaripas na ako ng takbo, waaaaaaaa late nako late nako! hindi lang basta late! LATE NA LATE! na talaga ako at hindi na ako nakapasok sa first subject ko!Takbo lang ako ng takbo, kahit feeling ko mapupudpod na ang sapatos ko, jusko naman ilang oras ba akong nag lakad at ganto ang nang yare? Halos maubusan ako ng hininga dahil sa pag takbo ko, yari ako neto!
Ng makarating ako sa pangatlong building , daredaretso ako papuntang hagdan at nag simulang umakyat ng patakbo nako, nasa third floor pa ang room ko yari na talaga >.<
, kakamadali ko ayt eto na natalisod ako sa hagdan at natukod ko ang tuhod ko muntikan pa nga akong gumulong pababa, napadaing ako sa sakit ng tuhod ko, pakshet ang sakit ng tuhod ko."Aish bakit ba ang swerte ko?"
Inis na sabi ko habang nakahawak sa tuhod ko at nakasalampak na dito sa gitna ng hagdan, aish napalakas yata yung pag tukod ko shete ang sakit talaga T—T pano na ako makakapasok? Gagapang ako? Para naman akong lumpo.Umupo lang muna ako dito sa hagdan at saka hinilot-hilot ang tuhod ko, ang tanga tanga ko talaga kahit kelan nakakainis! Aakyat na lang sa hagdan KC hindi mopa magawa? Ang kupad mona nga ang boba mopa! tanga tanga kapa!