Chapter 43- Let's End this

126 6 10
                                    

[MCBB43]

KC POV

Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko, pero napa pikit ulit ako ng biglang kumirot ang kaliwang tenga ko, aish.

"Gising na siya!"
Dinig kong sigaw ni Jhoney, napaka ingay talaga ng lalaking to.

Minulat ko ulit ang mga mata ko at nakita ko agad ang puting kisame, nasan ako?patay naba ako? Kukunin naba ako ni lord?
Napatingin din ako sa paligid nakita ko si Kuya Nath, Brixsy,Jhoney, Kris, Kellight at... anong ginagawa ni Zack dito? Patay nadin ba sila?

"Bess!"
Nagulat ako  ng biglang tumakbo papalapit sa'kin si Kellight at saka ako niyakap, napangiwi naman ako.
"Bess! Huhu kala ko hindi kana magigising bess"
Sabi ni Kellight habang umiiyak, niyakap ko din siya at saka umayos ng upo.
"Bess, sabihin mo sakin. Sino may gawa neto sayo? Kakalbuhin ko siya! Ituro mo kung sino!"
Napangiti naman ako , namiss ko tong kaingayan ng babaeng to.

"Tss, ingay"
Dinig kong sabi ni Kuya na naka upo lang sa sofa sa gilid ng kama ko na nasa likod ngayon ni Kellight.

"Edi tanggalin mo tenga mo, ingay ingay ka dyan"
Pag tataray ni Kellight kay Kuya Nath. Napakunot noo naman ako, sinusungitan niya ba si Kuya? Napatingin ako kay kuya at nakangisi lang siya habang naka tingin kay Kellight. Okay? Anyare?

"KC ko"
Nabaling sa kabilang gilid ko ang atensyon ko, napangiti naman ako ng makita ko si Kris.
"Buti gumising kana, akala ko... akala ko ... iiwan mona ako"
Sabi niya habang naka yuko.

"Baka umiyak kapa niyan Toff"
Natatawang sabi ni Jhoney na nakasandal sa pader katabi si Zack.

"Ngene mo Jhon"
Inis na sabi ni Kris at saka nag bad finger, hinampas ko naman siya.
"Aray naman KC ko"
Sabi niya habang na ka pout, sinamaan ko lang siya ng tingin.

"T-teka nasan ba ako?"
Tanong ko sa kanila, medyo paos ang boses ko?

"Obvious naman na nasa ospital ka Coreen"
Pag susungit ni Kuya Nath, napa kunot naman ang noo ko, Ibig sabihin buhay pa ako? Wahhhhh lord! Salamat hindi niyo agad ako kinuha  T-T. Pero teka Bakit naman ako mapupunta sa osp--
"Teka! Anong nang yare kay Dave?"
Bigla kong tanong, naalala kona! na kinidnap pala ako para patayin ni Dave, pero dumating si Hance at Kuya para tulungan ako, Tapos nabaril ako at wala na akong naalala.

"Nakulong siya"
Nabaling naman ang tingin ko kay Brixsy na katabi ni Kuya Nath sa sofa, nagulat naman ako. Nakulong siya? Napatingin ulit ako sa kanilang lahat, bakit parang may kulang?

"Nasan si Edwardo?"
Kunot noong tanong ko, napakunot noo naman sila Zack habang natatawa si Jhoney.

"Do you mean ... Edward?"
Kunot noong tanong ni Zack, tinitigan ko naman siya, Bakit kaya siya nandito?
"Bakit naka-titig ka ng ganyan sa'kin binibini?"
Natatawang tanong niya.

"Doctor ka dito Zack?"
Kunot noong tanong ko, nadinig kong napatawa sila dahil sa tanong ko, anong nakakatawa kaya?

"Kaya mahal na mahal kita KC ko ei"
Natatawang sabi ni Kris na nag pa kunot ng noo ko.

"Mahal kaba?"
Dinig kong tanong ni Brixsy.

"Yun lang HAHAHA"
Tawa naman ni Jhoney.

"Hindi niyo sinasagot ang tanong ko"
Sabi ko at sinamaan sila ng tingin pero tinawanan lang nila ako, nasapian nanaman ba sila?

"Nasa kabilang Kwarto si Ed, natamaan kase sya ng bala sa likod"
Sabi naman ni Kellight, nagulat naman ako.

"N-natamaad din sya? Anong sabi ng doctor? Magaling naba daw sya? Buhay paba? Nagamot naba? Ano?"
Sunod-sunod na tanong ko, napahinto naman sila sa kakatawa at saka seryosong tumingin sa'kin, kinabahan naman ako.

MR.COLD BAD BOY ( EDITING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon