Chapter 25-kiss

203 23 7
                                    

[MCBB25]

KC POV

Gaya nga ng sabi ni Hanceltot , nakapikit lang ako habang nakagapos sa upuan na'to . Gustong gusto ko talaga dumilat dahil sobrang nag-aalala ako sa kaniya, pero sa tuwing susubukan kong dumilat, sinisigawan niya lang ako, Hindi ko alam pero kinakabahan ako, sa bawat kalabog at pag daing nanaririnig ko parang gusto kong dumilat at umalis dito sa kinauupuan ko, pero hindi ko magawa.

*BLAGG*

nagulat ako ng bigla akong makarinig nang kung anong kumalabog kasabay ng pag daing ni Hance, jusko >.<

"Arggggg"

"HANCE"
Hindi kona napigilan ang sarili ko at dumilat na talaga ako, nakita ko siyang naka higa na sa sahig, may dugo na sa gilid ng muka niya at kinabahan na talaga ako ng makita kong nasa sampung lalaki na ang kalaban niya na malalaki ang katawan at malaki pa sa kaniya at may hawak pa na mga tubo, may iba pang lalaking nakabulagta na sa sahig.
"hindi, hindi, Hance umalis kana dito, iwan mona ako!"
Sigaw ko uli pero hindi niya ako pinansin at sinubukan pang tumayo pero tinadyakan ng isang lalaki si Hance kaya napahiga siya ulit.

"Ano Ice? wala ka naman pala, mukang ang kinakatakutan ng lahat ay wala naman palang binat bat"
Narinig kong sabi nung lalaki na ng galing sa likod ko, siya yung lalaking kasapakan kanina ni Hance, tinignan lang siya ni Hance ng masama at saka tumayo at pinunasan ang dugo sa gilid ng labi niya.

Lumapit naman saakin yung lalaking yun, at nag hila ng upuan at umupo sa harap ko, ngumisi siya saakin na parang manyak, at kinabahan na talaga ako, waaaahhhhh lord tulungan niyo po ako, tulungan niyo po kame T-T, Kuya Nath tulong!

"magaling ka pading pumili ng babae"
sabi niya at saka ako hinawakan sa muka, pilit ko namang nilalayo ang muka ko sa kaniya, walangjo na lalaking to pag ako talaga nakawala dito bubugbugin ko siya.

"Bitawan mo siya"
Sigaw ni Hance, at lalapit sana samin kaso humarang yung mga lalaking may hawak ng tubo saka siya sinugid, 'Hance umalis ka na lang' sabi ko sa isip ko, ayaw kong mapahamak siya, hindi ko kakayanin pag may nang yari sa kaniyang masama.

"Gusto mo bang dalhin kita sa langit?"
Parang manyak na sabi niya habang hinahawakan ang muka ko, iniiwas ko naman ang muka ko, manyak na'to anong karapatan niyang hawakan ako aber?

"ikaw gusto mong dalhin kita sa impyerno? Pakawalan mo ako dito at ako mismo ang babasag dyan sa bungo mo"
Sigaw ko sa kaniya at saka inuntog ang ulo ko sa ulo niya, napaatras naman siya at saka napahawak sa ulo niya, buti nga sayo.

"Abat talaga naman, hoy babae! kanina pa ako nag titimpi sayo ah"
sigaw niya at saka hinawakan ako sa buhok ng mahigpit, at ang sakit non pakshit! Pag ako talaga nakawala dito papatayin ko tong manyak na unggoy nato.

Nilapit niya ang muka ko sa kaniya habang hawak padin ng mahigpit ang buhok ko, nag pupumiglas ako, kaso lalo niya lang hinahatak ang buhok ko, waaaaaahhhhhh lord tulungan niyo ako , sana dumating ang Avengers, Marvels at Xmen para tulungan kame!

"Walang hiya ka, subukan mo lang ilapit yang muka mo sakin , promise hindi kana sisikatan ng araw"
Banta ko sa kaniya, pero ngumisi lang ang unggoy at nilapit pa talaga ang muka niya, wahhhhhh lord antagal naman nila halk nakakainis, sobrang lapit na niya, hindi ako maka piglas dahil sobrang higpit ng hawak niya sa leeg at buhok ko habang naka tingin siya sa labi ko, unti unti niyang nilapit ang labi niya sakin, naiiyak na talaga ako dahil wala akong magawa.
"TULONG , HANCE!"
sigaw kopa ng biglang.

*BLAG*

"Touch her again and I will fvcking kill you!"
Galit na sigaw niya, pag ka sapak niya doon sa lalaking kanina ay hawak ako, maluha luha naman akong napatingin kay Hance na pinag susuntok na yung lalaking yun sa sahig, niligtas niya ako, niligtas ako ni Hance.

MR.COLD BAD BOY ( EDITING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon