[MCBB42]
KC POV
"Patayin mona lang ako!"
Sigaw ko kay Dave, sinampal niya ulit ako ng malakas kaya napa salampak ako sa sahig.
Kinalagan niya na ako at ngayon pinapahirapan niya ako, ramdam ko ang bawat pag kirot ng ibat-ibang parte ng katawan ko.Hinigit niya ang buhok ko at saka ngumisi sa'kin.
"Wag kang atat... may hinihintay pa tayo"
Ngising sabi niya at saka binitawan ang buhok ko saka siya tumayo at sinipa-sipa ako, napadaing ako sa sakit pero hindi niya ako tinigilan.
"Tumayo ka!"
Utos niya, hindi ko siya sinunod dahil hindi ko magalaw ang katawan ko at ng hihina ako.
"Sabing tumayo ka!"
Sigaw niya at saka ako sinipa ulit ng malakas, napadaing ako ng malakas at saka siya tinignan ng masama."Kung ikaw kaya bugbugin ko tapos utusan kitang tumayo kahit hindi mo kaya. Gago kaba!"
Sigaw ko na ikinataw niya, habang nang laki naman ang mata ko, nag... nag mura ba ako?"Hindi ka padin nag babago Coreen, matapang ka padin"
Ngising sabi niya, napatayo naman ako ng bigla akong hilain pa tayo ng mga tauhan niya.
"gusto mo bang bawasan natin yang katapangan mo?"
Ngising sabi niya at nilabas ang isang patalim na parang kutsilyo saka yun pinag laruan sa harap ko, Nang laki naman ang mata kong napatingin don."A-Anong gagawin mo?"
Kinakabahang tanong ko, napa-tawa naman siya ng malakas at saka inilapit sa mukha ko ang patalim nayun, napa pikit ako ng maramdaman kong dumampi yun sa pisngi ko."Nandito na siya"
Bulong niya na ikinadilat ko, lumayo siya onti sa'kin at saka ngumisi, Hindi... hindi!
Nang laki ang mata ko ng biglang bumukas ng malakas ang pinto at niluwa non ang walang kaemosyon-emosyon na si Hance, Parang lalong ng hina ang tuhod ko ng makita ko siya, hindi... hindi to maaari! Napatingin ako kay Dave at naka ngisi na siya ngayon, pinlano niya 'to!"Touch her again and I'll kill you"
Malamig at daretsong sabi niya, tumingin siya sa'kin at nakita ko ang pag rehistro ng gulat at galit sa mga mata niya, saka siya tumingin ng matalim kay Dave."Ice. Natagalan ka yata"
Sabi ni Dave at saka humarap kay Hance."Pakawalan mo siya"
Daretsong sabi ni Hance na ikinatawa saglit ni Dave at sumeryoso din."Pano kung ayoko"
Seryosong sagot ni Dave, tinitigan lang siya ni Hance na ngayon wala pading kaemosyon-emosyon ang mga mata."Then be prepare to your death, Dave."
Nangilabot ako ng sabihin niya yun, napaka lamig ng boses niya na parang siya si kamatayan, yan din ang sinabi niya sa dumukot sa'kin dati, natahimik saglit si Dave at saka biglang tumawa."Diba dapat ako ang nag sasabi niyan?"
Ngising sabi niya at saka tinignan ng seryoso si Hance.
"...Dahil ngayong araw.... papatayin ko kayong dalawa"
Sabi ni Dave at saka binato ang hawak na patalim kay Hance, nang laki ang mata ko pero hindi man lang umilag si Hance at sinalo niya yun na parang expert na expert siya, saka siya tumingin kay Dave ."Wag kang mag-alala..."
Sabi ni Hance at nag simula ng humakbang papalapit sa'min.
"...hindi ako takot mamatay"
Pagka sabi niya non biglang nag dilim ang aura ng muka niya, nagulat ako ng biglang mag sugudan ang mga naka-itim na lalaki kay Hance, kaya hindi ko napigilang mapasigaw."HANCE!"
Sigaw ko habang nang lalaki ang mata dahil andaming lalaki ang nakapalibot sa kaniya, tumingin siya sa'akin na parang sinasabi niyang magiging maayos din ang lahat, tumulo na lang ang luha ko."Close your eyes"
Dinig kong utos niya."Ayoko!"
Sigaw ko habang umaagos padin ang luha ko."Just Fvcking Do it KC!"
Sigaw ni Hance, kaya kahit ayoko napilitan akong ipikit ang mga mata ko.*PAKKK*