[MCBB35]
KC POV
Nakangiti ako habang nakatingin sa mga batang nag lalaro at nag tatawanan, habang si Hance kinukunan sila ng letrato,Naka ngiti din siya na parang ang saya saya niya sa ginagawa niya, yung ngiting bihira mo lang makita sa kaniya, natutuwa ako at nakikita ko siyang masaya ngayon.
Nakakatuwa at nalaman kong may side din pala na ganto si Hance, ngayon ko nga lang nalaman na mahilig pala siya sa mga bata, sabi niya saakin kanina, yang mga batang yan daw ay mga bata sa ampunan, buwan buwan niya daw silang pinapasyal dito sa park, lalo akong naiinlove dahil may ganyan siyang side, ang akala ko kase dati wala siyang puso at palaging seryoso, pero may ganto pala siyang ugali, akalain niyo yun? Yung napaka cold at pilosopong multong tao nayun may kabaitan din pala? Hahaha lalo tuloy siyang nag mumukang gwapo sa paningin ko.
*click*
Nabalik ako sa reyalidad ng bigla akong kunan ng letrato ni Hance kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"You look stupid"
Sabi niya habang naka tingin sa camera niya."Stupid, stupid ka dyan, batok gusto mo?"
Sabi ko at saka inangat ang kanang kamay ko, agad naman siyang umataras ng kaunti."Don't you dare crazy girl"
Sabi niya at pinanliitan pa ako ng mata, sinamaan ko naman siya ng tingin dahil tinawag niya ako ng crazy girl."Crazy girl ka dyan, muka ba akong baliw ha? Sa ganda kong 'to? Baliw?!"
Singhal ko sa kaniya, napakunot naman siya ng noo."Sinong nag sabing maganda ka?"
Kunot noong tanong niya kaya pinanliitan ko siya ng mata, abat ako talaga pinipikon ng multong 'to."May sinasabi kaba Hanceltot?"
Sabi ko habang pinanliliitan ko padin siya ng mata, nag kibit balikat naman siya."Im just asking "
Painusenteng sabi niya at saka nag kibit balikat, kaya lalong nag pantig ang tenga ko"Your just asking? Asking ba ang tawag mo dun o pang lalait?"
"Hmm... what do you think?"
"Abat, walangjo ka talaga Hanceltot"
Sabi ko at saka siya hinabol, bigla kase siyang tumakbo, walang hiya talaga tong multong 'to!"AYIIIEEEE SILA ATE AHIHI"
dinig kong nag sisigawan ang mga bata, pero hindi ko sila pinapansin, at patuloy lang sa pag habol kay hanceltot na takbo ng takbo ngayon.Bwisit siya yari siya saakin pag nahuli ko siya, ugh hindi talaga siya nag babago lagi na lang niya akong nilalait! Ang sama talaga ng multong tao nayun.
"Faster, ang bagal mo"
Natatawang sabi niya habang tumatakbo padin, lalong nag pantig ang tenga ko sa sinabi niya kaya binilisan ko ang takbo ko para habulin siya."Yari ka talaga saakin Hanceltot pag-- a-ah"
napadaing ako sa sakit ng bigla akong nadapa ahuhu, nadapa ako!
Umupo agad ako dahil para akong timang na naka dapa sa lupa."ATE!"
Dinig kong sigawan ng mga bata at saka tumakbo papunta saakin, habang ako naka upo lang dito at naka hawak sa tubod kong may gasgas at dugo"Hala may dugo"
dinig kong sabi ng isang bata , naka paligid na sila ngayong lahat saakin."Okay ka lang Ate?"
"Masakit yan, kawawa si Ate"
"Ayoko sa dugo, ayoko sa dugo"
"Baka may batong pumasok sa sugad niya halaaaa"
Andaming sinasabi ng mga bata, pero hindi ko pinapansin at patuloy lang sa pag ihip sa sugat kong mahapdi , kasalanan to ni Hance ei pinahabol niya pa ako.