[MCBB1]
Kelrish Coreen Delos Reyes
Halos mapudpod na ang sapatos ko sa kakatakbo makaabot lang sa first subject ko. Nag kanda dapa-dapa ba ako sa pag mamadali. Sobrang late na ako at matutuluyan na yata talaga ako ng teacher ko dahil pang ilang late kona 'to! Nasa pangatlong building pa naman ang room ko at sa 3rd floor pa, yari na talaga ako nito!
Matapos ang mahabang takbuhan ay naka rating din ako sa floor namin. hingal na hingal ako ng madating sa room, naka tukod ang mag kabila kong kamay sa tuhod ko habang nag hahabol pa ng hininga. Nakakainis naman kase si Kuya Nath! late na naman tuloy ako. 2nd week palang lagi na akong late , babagsak talaga ako nito.
Ng maayos na ang pag hinga ko, napa pikit ako ng mariin at saka umayos nang tayo bago mag salita.
"Good Morning! sorry I'm late , hindi napo talaga mauulit, sorry po talaga!" Pikit kong sabi at saka yumuko, inaasahan kona agad na pag tatawanan na naman ako ng mga kaklase ko at sisigawan ng teacher ko.
Mariin akong napa pikit at hinintay ang sermon ng teacher ko pero dumaan ang ilang segundo na wala akong narinig na kahit ano.
Eh?
Dahan dahan akong napa angat nang tingin ng walang sumalubong sakin na tawanan o kahit sermon.
"W-Walang tao?"
Saglit na napa titig pa ako sa loob ng room namin hanggang sa napa sabunot na lang ako sa sarili ko ng may maalala. Ang tanga tanga ko talaga! P.E pala ngayon at nasa gym silang lahat! halos mamatay nako kakatakbo kanina para lang maka punta dito kase late nako tapos wala naman pala sila dito!
Inis na pumasok na lang ako sa room na walang kahit isang tao.
"Kainis, bakit ba hindi ko naisip na P.E pala ngayon?" Padabog na sabi ko habang patungo sa upuan ko.
Late na akong nakatulog kagabi dahil gumawa ako ng project na ipapasa ngayon. Inaasahan ko na gigisingin ako ni Kuya Nath dahil binilin ko kagabi na gisingin n'ya ako ng maaga ngayon! Pero ang walang hiya umalis lang mag-isa! grrr!
"Mamaya ka lang talaga sa'kin Kuya Nath." Gigil na bulong ko habang pa tungo sa upuan ko.
"Ang ingay mo."
"Pake mo--" natigil ako sa pag sagot ng mag realize ang nangyare.
May narinig akong boses!
Agad kong nilibot ang tingin ko sa loob ng room para hanapin kung kanino galing ang boses na narinig ko
"Ay kabuting kamote!" Halos mapatalon ako sa gulat ng makita ko kung sino ang nag salita.
May lalaking naka sandal sa upuan at naka pikit, akong nakita sa kabilang row ng mga upuan. S'ya ba 'yon? kaklase ko ba s'ya? Pinag masdan ko ang lalaki. Ngayon ko lang s'ya nakita sa klase namin. Pero bakit sobra naman atang... puti n'ya? mukha tuloy s'yang.. m-multo!
Agad nanlaki ang mga mata ko dahil sa naisip "Waaahhhh lumayo ka multo!" Sigaw ko at binato sa kanya ang hawak kong folder.
OMG! minumulto naba ako? nagalit na ba ang langit dahil lagi akong late? Waaaah! promise aagahan kona talaga pumasok! promise hindi na ako mag papalate ulit wag nyo lang akong multohin please parang awa nyo na! Ayoko sa mga multo!
Tumama sa mukha nung lalaking multo ang folder na binato ko, agad na napa dilat s'ya at napa lingon sakin.
"What the fvck?" Halos pagalit na sabi n'ya. N-Nag mura yung multo!