[MCBB30]
KC POV
"Alone?"
Nabaling ang atensyon ko sa boses nayun, ngumiti siya saakin at tumabi sa upuan ko, hindi ko siya pinansin dahil hindi ko naman siya kilala.
"First time mo sa bar?"
Hindi ko padin siya pinapansin, alam niyo naman ang kasabihan ko, dont talk to strangers right? Hindi left hahaha.
"Alam mo parehas tayo , first time ko lang dito"
Sabi niya, napatingin naman ako sa kaniya, nakatingin din siya saakin, tinitigan ko ang muka nya at ang gwapo nya , pero mas gwapo si Hance.
"Niyaya lang ako dito ng pinsan ko , birth day daw ng bestfriend niya"
Kwento pa niya, ang daldal naman niya, kalalaking tao ang daldal hindi ko naman siya kilala, pero hindi naman siya mukang masama
, muka nga siyang gentelman? Para siyang pinag halong Kris na madaldal at Brixsy na gentelman at mabait, pero pag sa muka, yung totoo? Mas gwapo pa siya kay Hance, para siyang anime sa sobrang gwapo."Miss? "
Tawag niya saakin, natauhan naman ako, nakatulala pala ako sa kaniya, nakakahiya.
"Ah , pwede bang makipag kilala ako sayo? Wala kase akong makausap na matino dito, oo , lahat ng kinakausap ko kinakausap ako kaso yung iba nilalandi lang ako, actually lahat yata pwera lang sayo"
Sabi niya saka ako nginitian, nakakatuwa naman siya, ang bait niya, madami talagang mababaliw na babae kung ganyan ang lalaking makikita mo, bigla niyang nilahad ang kamay niya at saka ngumiti.
"I'm Zack , and you are?""KC"
Tipid na sabi ko at nakipag shake hands sa kaniya, so hindi na siya ganon ka stranger kaya pwede kona siyang kausapin , and besides mabait siya at hindi mukang manyak, ang pogi niya namang manyak kung nag kataon."Nice to meet you KC"
Ngiting sabi niya saakin, nginitian ko naman siya, bakit ba ang gwapo ng lalaking nasa harap ko ngayon? Pero kahit na gwapo siya hindi ko ipag papalit ang Hance ko , ayan nagaya na ako kay Kellight aish >.<
"Teka bakit pala mag isa ka lang dito?""Ah? Yung mga kasama ko kase may mga pinuntahan kaya naiwan ako dito"
Sabi ko, tumango naman siya pero hindi niya inaalis ang tingin niya saakin, nakakailang naman tong si Zack tumigin.
"A-ah ano... may alam kabang kainan dito? Nagugutom na kase ako ei"
Pag iiba ko ng topic habang naka iwas ng tingin sa kaniya, nakita ko naman siyang mahinang tumawa, kaya napatingin ako sa kaniya at saka tinaasan ng kilay? Anong tinatawa niya?"Ang ganda mo naman"
Nabigla ako sa sinabi niya, kaya lalong napakunot ang noo ko, naiilang ako pag sinasabihan ako ng maganda ng ibang tao."S-Samahan mo na nga lang ako kung saan ako pwede kumain"
Iwas tingin na sabi ko, nadinig ko na naman ang pag tawa niya ng mahina, pero tumayo din naman siya at nilahad ang kamay niya sa harap ko.
"Para saan yan?"
Tanong ko at tumingin sa kamay niyang naka lahad sa harap ko."Baka kase mawala ka , andami pa namang tao"
Sabi niya saka ngumiti, sandali ko muna siyang tinitigan kung seryoso ba siya sa sinasabi niya at ng matapos ko siyang titigan saka ako humawak sa kamay niya, na ikinangiti niya ng malapad.
"Tara na?"
Tumango lang ako sa kaniya, saglit lang naman ako siguro naman hindi ako hahanapin agad nila Kellight, at muka namang mapag kakatiwalaan tong si Zack, pero kung masamang tao siya hindi ako nababahala, bukod sa kaya ko naman ipag tanggol ang sarili ko ngayon, kila Edwardo naman tong bar at nasa paligid lang sila Kuya kaya hindi ako nababahala.**********
Kellight POVAng hirap naman makipag siksikan dito ang daming tao, ano ba naman kase naisip nila at parang buong school inimbitahan nila? Ihing ihi na ako oh.
"Pag ako nag ka sakit sa bato ah"
Bulong ko habang nakikipag siksikan maka punta lang sa banyo.pag katapos ng hagardness na siksikan naka punta din akong ng banyo, agad na pumasok ako sa isang cubicle ng matapos ako ay nag ayos muna ako sa salamin, baka kase mag kita kami ni Nath at ayokong makita niyang ganto ang itsura ko, ng makuntento na ako sa itsura ko agad na lumabas na ako baka kase nag hihintay na si KC doon.