Chapter 56

122 7 3
                                    

[MCBB56]

KC POV

"Coreen! Bumaba kana"
Dinig kong sigaw ni Kuya Nath sa baba.

"Eto na!"

Tinignan ko ulit ang sarili ko sa salamin bago ko napag pasyahan na lumabas ng kwarto ko.

"Antagal mo naman"
Kunot noong sabi ni Kuya ng maka baba na ako, ngumiwi naman ako sa kaniya.

"Kinakabahan kase ako Kuya"

"Hindi ka naman kakainin ng mga tao don"

"Kahit na! Natatakot pa din ako sa Papa ni Hanceltot"
Ngusong sabi ko, pinitik naman nya ako sa noo na ikinadaing ko.
"Kuya naman ei"

"Wag ka na matakot, kasama mo naman si Hance"
Sabi nya pa, oo nga naman kasama ko naman si Hanceltot kaya dapat hindi ako kabahan, hays bahala na si batman. Kaya mo yang KC! Baril nga kinaya mo Papa pa kaya ni Hance! Oo nga ! Oo--

"Aray ko"
Daing ko at napahawak sa noo ko dahil sa pag pitik ni Kuya Nath sa noo ko.

"Nakikinig ka ba?"
Inis na tanong nya.

"May sinasabi ka ba Kuya?"

"Lutang ka na naman babae"

"Ano ba yung sinasabi mo?"

"Ang pangit ng suot mo"
Sabi nya at saka ginulo ang buhok ko, napatingin naman ako sa suot ko na dress.

"Ayos naman ah"
Sabi ko, tinignan nya naman ako mula ulo hanggang paa sabay iling.

"Muka mo pala yung pangit"
Sabi nya na ikinaliit ng mata ko.

"Mas pangit ka! Na paka laitero kala mo naman gwapo ka! Huh! Kala mo lang yon pero hindi! Hindiiiii! Walanjo ka Kuya! Hindi mo man lang--- aray ko huhu nakakatatlo ka na ah!"
Daing ko ng pitikin nya ulit ako sa noo.

"Ang ingay mo"
Sabi nya habang naka poker face lang, ngumuso lang ako habang hinihimas ang noo ko, ang galing talaga mang bwisit netong si Kuya Nath! Akala nya ba nakakalimutan ko na sila na ni Kellight! Huh! Siraan ko kaya sya don? Pero hindi naman maniniwala sakin yun ei T-T.
"Wag ka na kabahan kay Tito, wala kang dapat na ikakaba"
Napatingin ako sa mata ni Kuya ng bigla nyang sabihin yon.
"Kasama mo naman si Hance , hindi ka niya papabayaan"
Sabi nya pa at saka ginulo uli ang buhok ko.

*peep peep*

Napalingon ako sa pintuan ng madinig ko ang busina sa labas.

"Andyan na sundo mo"
Sabi pa nya at sumenyas na lumabas na ako, umiling iling naman ako na ikinasama nya ng tingin.
"Coreen"

"Oo na, babye kita tayo mamaya kung makakabalik ako ng buhay"
Madramang sabi ko habang kumakaway pa na nag lakad papalabas.

"Baliw"
Dinig kong sabi ni Kuya Nath bang nakatingin lang saakin.

Nakangusong lumabas ako ng bahay at dumaretso sa labas kung saan naka tayo si Hance sa tabi ng kotse nya.

"Why ?"
Kunot noong tanong nya ng makalabas na ako.

"Anong why?"

"Bakit naka nguso ka?"
Kunot noong tanong nya.

"Wala naman, tara na"
Sabi ko at mag lalakad na sana papasok sa kotse ng harangan nya ako at saka ako tinignan ng daretso sa mata.

"Wag kang kabahan"
Daretsong sabi nya.

"H-Hindi naman ako kinakabahan"
Pag tanggi ko pero napailing sya at saka hinawakan ang ulo ko.

"Wag kana kabahan, magiging okay na ang lahat"
Sabi nya at saka ngumiti ng bahagya.

"Sana"
Pilit ngiting sabi ko pero ngumiti lang sya at saka ako hinalikan sa noo.

MR.COLD BAD BOY ( EDITING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon