Mayyli: so this chapter is dedicated to my reader DianaAngelNicole thank you for reading this😍😘 love you lablab😊😘
**********
[MCBB36]
KC POV
'I Love You KC'
'I Love You KC'
'I Love You KC'
Hindi ako makagalaw dahil sa sinabi niya. Nag loloading pa lahat sa utak ko. Totoo ba yung nadinig ko? Sinabihan ako ni Hance ng I Love You? Totoo ba'to? o panaginip lang? Kung panaginip lang 'to, lord sana hindi na ako magising.
"J-joke b-bato?"
Bulol na tanong ko kay Hance, habang hindi padin makapaniwalang naka tingin sa kaniya, ughh Mapapatay ko talaga tong si Hanceltot kung Joke lang pala 'to."Nasa sayo na kung paniniwalaan mo"
Tipid na sabi niya saka bahagyang ngumiti,
Napa kurap kurap naman ako."Babatukan talaga kita Hanceltot, wag ka ngang nag bibiro ... baka...baka maniwala ako"
Iwas tingin na sabi ko sa kaniya, nadinig ko naman na napatawa siya. Tignan niyo na, tignan niyo na? Niloloko lang talaga ako ng lalaking to ei."Edi, maniwala ka"
naka ngiting sabi niya at saka hinawakan ang baba ko at hinarap ako sa kaniya,
Daretso siyang tumingin sa mga mata ko at saka nilapit ng bahagyang ang muka niya, kaya pigil na pigil ko ang pag hinga ko, habang naka ngiti lang siya saakin.
"Mahal kita KC"Dubdub.Dubdub.Dubdub
Dinig na dinig ko na lalong lumakas ang tibok ng puso ko na parang gusto na niyang lumabas sa dibdib ko, nang laki din ang mga mata ko at muntikan na akong kapusin ng hininga dahil sa sinabi niya, ramdam na ramdam kona uminit ng husto ang mga pisngi ko hanggang tenga. Wahhhhhhhhhhhhhh~ hindi ko alam ang gagawin ko, hindi ako makahinga Ng maayos, bwisit ka talaga Hanceltot! Papatayin moko sa kilig pakshete ka!
Tangka na sana akong mag sasalita kaso--"PDA!"
Bigla akong napaayos ng tayo at napatingin sa sumigaw na'yun. Nang laki lalo ang mga mata ko ng makita ko sila Kuya Nath na nag lalakad papunta sa dareksyon namin, Lagot! Sana hindi nila nakita yung kanina, dahil alam kong iba ang iisipin nila..yare talaga sakin to si Hanceltot."Kayo ah, sa park pa talaga kayo nag date"
Sabi ni Edwardo habang tinataas baba ang kilay niya, Napairap naman ako sa kaniya, Batukan ko kaya 'tong lalaking 'to para magising sa kabaliwan."I smell something sweety, ang tamis ah"
Sabi naman ni Jhoney at saka tumingin samin ni Hance ng makahulugan, Napairap naman ako at saka humarap kay Kuya."Kuya, w-wala lang yung kanina"
Sabi ko agad na ikina kunot ng noo niya."Hindi ko naman tinatanong"
Kunot noong sabi niya, nadinig ko naman na napatawa sila Jhoney at Edwardo, mamatay sana kayo sa kakatawa."Defensive "
Sabay nilang sabi kaya sinamaan ko sila ng tingin, pigilan niyo akong sakalin 'tong dalawang 'to."B-baka lang kase ano... ano nga ba? Baka kase iba yung isipin niyo. Oo tama, yun nga"
Bulol na sabi ko, hindi naman nag bago ang ekspresyon ng muka ni Kuya Nath , seryoso padin."Bakit mag kasama kayo?"
mahinahon pero seryosong tanong ni Brixsy. Napatingin naman ako sa kaniya, nakatingin lang siya kay Hance na seryoso lang din."Nakita ko lang siya dito kanina"
Sabi ko, pero hindi naman ako pinansin ni Brixsy at nakatingin padin kay Hance ng seryoso."Sinabi niya na"
biglang sabi ni Hance na nakatingin lang din ng daretso kay Brixsy. Okay? Anong meron?