[MCBB38]
KC POV
Umupo kami ni Nathalie dito sa bench na malapit, Nasa loob padin kame ng school, wala akong ideya sa gusto niyang pag usapan namin, pero feeling ko hindi naman bad news yung pag uusapan namin.
"Alam mo KC, naiinggit ako sayo"
Biglang sabi ni Nathalie, kaya napatingin ako sa kaniya na nasa tabi ko lang, Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya."Bakit ka naman maiinggit sakin? Halos lahat yata nasa sayo na"
Sabi ko habang nakatingin sa kaniya, lumingon naman siya saakin saka ngumiti, saglit lang yun at bigla na lang siyang yumuko."Hindi lahat"
Mahinang sabi niya at saka nag buntong hininga.
"Nasa akin nga ang lahat ... pero hindi naman ang mahal ko"
Sabi niya pa, si Hance ba ang tinutukoy niya? Hindi ako nag salita dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.
"Ang totoo niyan, kaya kita gustong makausap, Gusto kong linawin ang lahat"
Sabi niya at saka humarap saakin at ngumiti."Matagal ko ng alam na fiancè mo si Hance"
Sabi niya habang nakangiti, pero parang ang lungkot ng mata niya, Nabigla naman ako dahil sa sinabi nya."A-Alam mo?"
Gulat na tanong ko sa kaniya, tumango tango naman siya."Natatandaan mopa ba yung unang beses tayong mag kita sa bar? Do'n palang alam kona na fiancè mo siya, sinabi niya saakin yun don palang"
sabi niya at ibinaling na lang ang tingin sa ground na nasa harap namin, Matagal na pala niyang alam, pero bakit lapit padin siya ng lapit kay Hance?
"Alam moba, nung mga sandaling sinabi niya yun sakin feeling ko pinag bagsakan ako ng langit at lupa, Ang akala ko kase mababalik na namin yung dating kame, ang akala ko kung babalik ako dito sa pinas maaayos na lahat, Pero hindi pala..."
Mapaklang sabi niya at saka bumuntong hininga, nanatili naman akong nakikinig sa kaniya.
"...kase may mahal na siyang iba, Hindi niya man sabihin alam kong mahal ka niya"
Sabi niya at saka lumingon saakin, nagulat naman ako sa sinabi niya, mahal ako ni Hance?
Alam kong sinabi na sakin yun ni Hance, pero diko alam kung totoo o maniniwala ba ako.
"Sa mga tingin niya palang sayo alam kona, Si Hance kase yung taong, hindi nag sasabi na mahal ka niya hanggat hindi niya nasisigurado yung nararamdaman niya, pero mahahalata mo agad sa mga kilos at tingin niya, Masikreto siyang tao, pero alam moba? Nung makita namin kayo ni Brixs na mag kayakap sa bar nung gabing yun, Nakita ko ang galit at selos sa mga mata at kilos ni Hance, Sinundan pa nga niya kayo hanggang sa bahay niyo, sinisigurado niya talagang makakauwi ka ng maayos, Dun palang alam kona na may nararamdaman siya para sayo. "
Sabi niya na nag pagulat saakin. Ibig sabihin nakita nga kami ni Hance nung gabing 'yun? Wag mong sabihing sakaniya yung kotseng nakita ko bago ako pumasok ng bahay nung gabing 'yun?"P-Pero, ang akala ko ... ikaw ang mahal niya?"
Takhang tanong ko, Naguguluhan ako, sinasabi niyang mahal ako ni Hance pero ang tingin ko mahal siya ni Hance ughhh!"Yun ba ang tingin mo?"
Natatawang tanong niya."Oo, kase lagi kayong mag kasama at iba ang pag trato niya sayo, at saka diba... nag... nag kiss kayo? "
Sabi ko at saka napaiwas ng tingin, naalala ko na naman yun shete naman kase ei >.< narinig ko naman na napatawa ng mahina si Nathalie."Kung ganon nag kakamali ka, Kaya lang kame laging mag kasama , kase lagi akong dumidikit sa kaniya, At saka kaya iba ang trato saakin ni Hance.. hmmm.. siguro nasanay na siya na ganon ako itrato, at yung tungkol don sa halik... ako lang talaga ang humalik sa kaniya non, And I'm sorry for that KC"
Sabi niya at saka hinawakan ang kamay ko, kaya napatingin ako sa kaniya."I-Ibig sabihin, hindi ka talaga hinalikan ni Hance?"
Tanong ko, napatango tango naman siya."Ni Hindi nga siya gumanti man lang sa halik kong yun, Mahal ka talaga niya"
Sabi niya sabay ngiti ng mapait sakin.
"Kaya lang naman kame laging mag kasama nun dahil lagi ko siyang sinusundan, Umaasa padin kase ako na baka bumalik pa kame sa dati, Umaasa padin ako na baka mahalin niya ulit ako, Pero wala ei, nabihag mona talaga ang puso niya, At alam kong mahal mo din siya."
Sabi niya sabay ngiti ulit, Hindi naman ako nakapag salita dahil don.
"Alam kong ayaw mo na lagi akong dumidikit kay Hance, pero ginagawa ko lang naman yun para pag selosin ka at mukang tagumpay naman ako hahaha"
Sabi niya sabay tawa, napa kunot noo naman ako.
"lalo ko lang tuloy napatunayan na mahal niyo ang isat isa, KC sorry kung nag muka akong kontrabida sa paningin mo ah? Ang totoo niyan kaya talaga ako nag stay dito sa pilipinas ngayon, kahit alam kong wala na akong babalikan, gusto ko lang talagang makasama si Hance kahit sandali lang, Hindi kona kase alam kung makakabalik paba ako dito, Ayaw na kase akong pabalikin ng mga magulang ko, Kaya pasensya kung feeling mo inaagaw ko sayo si Hance"
Sabi niya sabay yuko, hinawakan ko naman ang isa niyang kamay na ikina tingin niya kaya nginitian ko siya.