[MCBB18]
KC POV
Ilang araw nadin ang nakalipas at unti unti ng nawawala ang tismis tungkol saakin, pero may iilan padin na pinaparinggan ako na malandi pero iniisnab ko na lang sila, kaso nakaraang araw hindi na yata nakapag pigil si Kellight kaya nakipag sabunutan siya sa babaeng nag sabi saakin ng bitch, kaya ayan napatawag sila sa guidance office, pero ngayon masasabi kong hindi na masiyadong sumasakit ang ulo ko dahil wala nang masiyadong nag tethreat saakin na kakalbuhin nila ako, o kaya papakulam ganon hays mga may sapak talaga mga fan girls nila Kuya grabe.
Nag lalakad kame ngayon ni Kellight papuntang cafeteria medyo dumadami na ang estudyante, lunch na kase, kinukwento ko kase kay Kellight na fiancè kona si Hanceltot.
"Oh.My.Gosh I can't believe this"
Hindi makapaniwalang sabi niya at saka hinawakan ako sa mag kabilang braso ko kaya napatigil ako sa pag lalakad."Bakit?"
Natatawang tanong ko sa kaniya, habang siya ayan mukang tanga nagulat na gulat."Anong bakit? Hoy KC! fiancè mo lang naman ang isa sa badboy prince ng university aber, at hindi lang basta basta! si Hance yun bess! si Hance! tapos tatanungin mo ako ng bakit? Seryoso, you're so lucky"
Sabi niya pa, kaya napailing ako anong lucky lucky sinasabi neto, malas nga ei."Baka naman malas, anong lucky ka diyan? at saka bess hinaan mo nga yang boses mo may makarinig sayo ei"
Sabi ko at saka nag lakad na ulit, sumabay naman siya sa pag lakad ko."Pero bess pano mo naman naging fiancè yun? Diba naiinis ka dun?"
Takhang tanong niya."Oo nga hanggang ngayon naiinis ako sa kaniya, arrange marriage lang kame bess, sa tingin moba papayag ako na maging fiancè siya? Hell no"
Iritang sabi ko, aish naalala ko na naman tuloy bwisit talaga."Pero bess kung tutuusin ang swerte mo kay Hance, tignan mo ah, bukod sa gwapo siya matalino pa at mayaman, habulin ng babae at yummy siya bess as in hot papable ganon"
Kinikilig pa na sabi ni Kellight na ikinangiwi ko."Mandiri ka nga sa sinasabi mo Kellight, kahit siya pa ang natitirang gwapo sa mundo yuck hindi ko siya magugustuhan"
Maarteng sabi ko, ganon ko ka-hate si Hanceltot super duper to the nth level, ganern."Nako bess, nakakainggit ka pano kaya kung mag pa arrange marriage na lang kaya kame ni Nath 'no? Bright idea right?"
Tanong niya at ang lawak ng ngiti, siraulo talaga to."At sa tingin mo naman papayag si Kuya? Baka lalong ma turn off yun sayo sabihin niya desperada ka masiyado"
Sabi ko na ikinatango ni Kellight."Oo nga 'no"
Sabi niya habang nakahawak sa baba niya na parang nag iisip, loka loka talaga, alam niyo minsan naiisip ko galing bang mental tong si Kellight?Nag patuloy lang kame sa pag lalakad dito sa hallway, kaso napahinto ako ng may makita akong kumpulan ng mga estudyante at si Hanceltot? At isang babaeng estudyante na may hawak ng cake
Huminto kame ni Kellight malapit sa kanila, kaya nadidinig namin ang pinag uusapan nila."P-Prince Hance"
Kabadong sabi nung babae at saka nilahad sa harap ni Hanceltot ang cake na hawak niya.
"P-Para sayo, g-ginawa ko yan p-para sayo, sana tanggapin mo"
Bulol bulol na sabi nung girl habang naka yuko at nakalahad padin ang kamay niyang may hawak ng cake saharap ni Hanceltot.Nanatiling naka tingin lang sa kaniya si Hanceltot kala ko nga tatanggapin na niya yung cake na ginawa nung babae para sa kaniya kaso...
"Stupid"
Blankong sabi niya, napatitig din ako sa ginawa ni Hanceltot doon sa babae ganon din ang iba pang estudyante, tinabig niya kase bigla yung cake na binibigay nung babae sa kaniya kaya napunta sa ulo ng babae yung cake at dumulas pababa sa sahig...