[MCBB27]
Hance POV
What's wrong with me? Ayt her lips? Fvck why I'm like this? This is wrong, hance wake up this is not you,ugghhh do I really like her? No, that's imposible, I'm just... just ugh! I dont know!
Napa sabunot ako sa sarili ko at ramdam ko padin ang lambot ng labi nya, hindi ko din alam kung bakit ba hinalikan ko sya, dalawang beses ko ng ginawa pero hindi ko alam kung bakit koba ginagawa yun.
"Damnit!"
Bulaslas ko at saka binagsak ang katawan ko sa kama.Bumabalik na naman yung nararamdaman ko, fvck this!
***********
KC POVTanghali na ako ng magising, wala naman kaseng pasok ngayon dahil sabado kaya okay lang, 11am na yata , actually hindi talaga ako nakatulog dahil kay Hanceltot walanghiya siyang mag nanakaw siya! napahawak naman ako sa labi ko, pakshete talaga >.<
Pero gusto mo din naman yung halik niya kunyari kapa KC , sabi ng isip ko , pinukpok ko naman ang ulo ko.
"Siraulo kaba kahit na gusto ko yun, ninakaw niya padin ang first and second kiss ko!"
Sermon ko sa isip ko at saka tumayo at dumaretso sa banyo ng kwarto ko para mag hilamos at toothbrush.Pag katapos kong maghilamos at toothbrush, lumabas na ako para kumain, gutom na kaya ako, pa hikab hikab pa ako habang bumaba ng hagdan, dumaretso agad ako ng kusina at saka kumuha ng tubig muna sa ref , nauuhaw ako malamang, napatingin ako sa lamesa at may nakatakip doon , hays buti naman at may pag kain , nag luto siguro si manang, agad na kumuha ako ng plato at kutsara't tinidor, agad naman akong kumuha ng itlog , hatdog at sinangag na kanin.
"Grabe gutom na gutom ako"
Sabi ko sabay subo ng kanin, ako lang mag-isa dito sa kusina at kumakain, nasan kaya si Kuya? Baka tulog padin?Sumubo ako ulit ng kanin at kumagat sa hotdog, pero napatigil ako sa pag nguya ng may biglang pumasok sa isip ko.
'You're only mine'
'Ako lang ang may karapatang humalik sayo wala ng iba'
'Be with other guys again and I will kiss you as your punishment'
"Waaahhhhh ano ba utak patahimikin mo naman ako! nakakainis bwisit na lalaking yun, mapapatay kona siya! sakit talaga siya sa ulo"
Sabi ko habang pinupukpok ang ulo ko ng mahina, nakakainis naman!Hindi KC, wag kang mag papaapekto, tama ganon nga, kahit na gusto mo siya dapat hindi mo hinahayaan na halikan ka na lang niya okay?
"Oo tama kaya ikaw utak , tumahimik kana"
Sabi ko sabay pukpok uli ng mahina sa ulo ko."Baka naman mabobo kana niyan"
Napatigil ako at napatingin agad ako sa gilid ko dahil sa nag salitang yon."Waaaaaaaaa! anong ginagawa mo dito?"
Sigaw ko, pero tinawanan niya lang naman ako huh great, anong nakakatawa?
Nakaupo siya sa gilid ko at naka tingin lang saakin at naka ngiti."Ngayon ka palang mag aalmusal?"
Tanong ni Brixsy, yeah si Brixsy nga ang kausap ko, inirapan ko naman siya saka bumalik na lang sa pag kain, sana naman hindi niya kasama yung si Hanceltot."Halata ba? Kita mong kakagising ko lang ei"
Mataray na sabi ko at saka sumubo ng kanin at kumagat ng hotdog, nilingon ko naman siya.
"Gusto moba?"Napakunot noo naman siya, at saka tumawa ng mahina.
"Bipolar ka talaga Kel"
Iling iling na sabi niya, ako pa daw bipolar? Siraulo yata to ei."Ginawa mopa akong baliw, teka bakit ba nandito ka?"
Tanong ko uli sa kaniya."'Di naman halatang ayaw mo ako dito 'no? Haha nag papractice kame ng basketball"
Sabi niya, oo nga naka jersey pala siya lalo tuloy siyang gumwapo, napaisip tuloy ako bigla pa'no kaya kung si Brixsy na lang nagustuhan ko? Siguro hindi sumasakit ang ulo ko ngayon, mabait naman kase siya, ideal boy din siya, ang swerte naman ng taong gusto niya.
"Kel, wag mokong tignan ng ganyan, Naiilang ako"
Biglang sabi niya saka nag iwas nang tingin, ang cute talaga ng lalaking 'to.