Chapter 10-Love?

213 29 1
                                    

[MCBB10]

KC POV

Nasa cafeteria ako ngayon kasama si Kellight. Sabay kame mag lunch, syempre na ngako ako sa kaniya kaya dapat tupadin ko diba? Pero ewan ko ba kampante na akong kasama siya at gaya ng naka sanayan ko madaldal padin siya, ano paba si Kellight Garcia yan ang napaka talkative na babaeng nakilala ko pero tiklop pag nandiyan si Kuya haha.

"Grabe talaga kc , pangatlo ka sa pinaka mataas sa math habang ako ehk? Wala nga-nga mag papatutor nga din ako"
Sabi niya habang kumakain ng sandwich niya, Alam niya din palang tutor ko si Hance yung una nagulat siya pero wala tutor ko talaga sya.

"Kellight pwede bang mag tanong?"
Biglang tanong ko, nag tatanong na pala ako -___-, tumango naman siya habang puno ang bibig niya at ngumuya nguya, hindi siya matakaw ganyan lang talaga yan.
"Pano mo nagustuhan si Kuya Nath?"
Takhang tanong ko na ikinabulunan niya kaya agad-agad ko siyang binigyan ng tubig.

"Ehem.. a-ano bang t-tanong yan KC"
Utal na sabi niya habang pulang pula ang muka at naka iwas ang tingin sakin,haha nakakatuwa ang itsura niya, pero bakit may masama ba sa tinanong ko?

"Pft, Sagutin mo na lang Kellight, please"
Nag puppy eyes pa ako para lang sagutin niya yung tanong ko, Bumuntong hininga muna siya saka tumango.

"A-ano kase KC, hindi ko din alam kung bakit eh"
kamot ulong sagot niya kaya, napa nga-nga ako, eh? Pwede bang hindi niya alam?

"Pwede ba 'yun?"
Tanong ko kaya tumango naman siya.

"Oo naman, minsan kase hindi sa itsura at ugali ng tao ang basehan para magustuhan mo sila, minsan kase nagugustuhan mo sila kase hindi mo alam, yun bang mararamdaman mo na lang na gusto mona pala siya or mahal mona siya sa hindi mo alam na dahilan"
Paliwanag niya, na kinakunot ng noo ko, Pwede bang mag ka gusto sa isang tao ng biglaan lang? Ano yun ? Hindi ko nagets yung sinabi niya.

"Huh? Hindi ko nagets"
Kunot noo pading sabi ko, siya naman natawa ng mahina, wala pa kase akong nagugustuhan  sa pag kakalam ko kaya ganon , pero ang gulo pala non? Ayt ewan hindi ko talaga maintindihan.

"Haha... ang ibig kong sabihin KC , ang love hindi na kikita sa katangian lang ng isang tao kundi nararamdaman mo diyan sa puso mo"
Sabi niya pa, kaya lalo akong napa kunot ng noo, wala akong naintindihan sa lahat ng sinabi niya, mararamdaman ko sa puso ko pag may gusto na ako sa isang tao? Pano naman yun?  mas mahirap pato sa english ah!

"Mag bigay ka nga ng example"
Sabi ko, kaya natawa na naman siya bakit ba tawa ng tawa to.

"Curious ka talaga? Bakit hindi kapa ba nag ka crush o nag ka gusto man lang sa isang tao?"
Tanong niya, ang daldal talaga neto iba yung tinatanong ko iba naman yung sinabi, tumango na lang ako kaya napa nga-nga siya na mukang nagulat at hindi maka paniwala? Eh? Bakit ako na lang ba ang nag iisang babae ang hindi pa na kakaramdam ng Love nayan ? Grabe ah.

"Gosh KC hindi ako maka paniwala"
Amaze na sabi niya , kaya palihim ko siyang inirapan duh parang ako lang ang nag iisang taong hindi pa nakakadanas mag ka gusto sa isang tao.

"Hindi ko din sigurado kung naramdaman kona ba 'yun. Bili na mag bigay ka na lang ng example para maintindihan ko"
Iritang sabi ko, ewan koba na cucurious ako sa love thingy nayan.

"Ehem, ganto yan KC pag nag ka gusto ka sa isang tao dahil sa itsura or whatever isa lang ibig sabihin niyan, humahanga ka lang sa kaniya o naaattract ka lang, pero iba yun sa love ah kase pag love minsan mo lang madadama yan ni hindi mo nga mamamalayang inlove kana ei! Basta mararamdaman mo na lang na inlove kana, minsan nga kahit yung pinaka kinakainisan mo sa lahat nagugustuhan mo, why? Syempre walang sagot don kase pag nag mahal ka wala naman dapat dahilan, kase bigla mona lang yun mararamdaman kahit saan , kahit anong oras, hindi mo masasabi kung kelan minsan nag mamahal kana pala ng hindi mo alam o ayaw mo lang tanggapin dahil sa tingin mo imposible na mahalin mo ang isang tao, ganon ang mag mahal nakakalito, nakakabaliw, pero sa huli ang puso mo lang ang makakapag sabi, sa isang tao lang titibok yan, sa isang tao lang totoong mag mamahal yan, kaya wag mong hinahanap ang love kase kusang dadating yan malay mo mamaya nandiyan na pala yung taong mamahalin mo pwede ding matagal mo ng kilala pero hindi mo lang nakikita"
Pag papaliwanag niya, ang haba ng sinabi niya pero nalilito padin ako.

MR.COLD BAD BOY ( EDITING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon