[MCBB15]
KC POV
Hindi ako makapaniwala sa mga bagay na sinabi sakin ni Daddy, hindi ko matanggap lahat pero hindi naman ako pwedeng umatras dahil eto nayun, nandito nayun and guess what kung anong tinutukoy ko?
Yeah I have a FIANCÈ ng hindi ko man lang alam, nakaraang gabi ko lang nalaman, gusto kong magreklamo kung bakit kailangan kong ipa arrange marriage ang bata ko pa para dyan pero nung nalaman ko na si Mommy ang may gusto neto halos tanggapin kona ng buo na ikakasal ako sa taong hindi ko man lang kilala at hindi ko man lang mahal.Alam ko kaseng hindi hahayaan ni Mommy na kung kani-kanino lang ako ipapa kasal pero alam niyo kahit na yun ang huling kahilingan ni Mommy hindi ko padin maiwasang maisip na, ang selfish nila kahit na alam kong para sa kabutihan ko naman ang ginagawa nila, hindi ko maiwang mag tampo kase hindi man lang ba nila inisip ang mararamdaman ko? Hindi man lang ba nila naisip na masasaktan ako dahil ipapa arrange marraige nila ako?
Nag tatampo ako sa kanila dahil parang pinag tatabuyan na din nila ako sa buhay nila, inisip ko nga din na baka hindi na ako mahal nila Mommy at Daddy pati nadin si Kuya pero nung sinabi sakin ni Daddy na ako mismo ang pumirma ng kontrata nung 9 years old ako nagulantang talaga ako, Ano namang alam ko sa mga ganong bagay noon? Im just a kid that time kaya wala pa akong alam.
Pero wala na akong magagawa eto nayun ei, may fiancè na ako kahit ayoko hindi naman ako pwedeng tumanggi, dahil kahit kailan hindi pa ako sumuway sa gusto o utos nila Daddy at Mommy, hays kahit anong gawin ko may Fiancè na ako bukas daw namin sila imemeet kasama ang mga magulang niya, saturday na kase bukas, Parang gusto kong umatras pero sa tuwing naaalala ko si Mommy hindi ko magawa, hays ang sakit sa ulo.
"Hoy Bess"
Nagulat ako sa biglang pag sigaw ni Kellight at winagay way pa ang kamay niya sa harap ko.
"Ano bayan KC kanina pa ako kuda ng kuda dito hindi ka man lang nakikinig! sayang laway at boses ko"
Pag rereklamo niya, nasa cafeteria kame ngayon at nag lulunch."Ano ba yung sinasabi mo?"
Tanong ko sa kaniya."Hay bakit ba kase hindi ka sakin nakikinig kanina ei, ayan tuloy uulitin kopa"
Iritang sabi niya, at inirapan pa ako, batukan ko tong babaeng to, hindi naman kase nag sasabi na nag kukwento siya tapos ako pa sisisihin."Sabihin mona kase"
Irita ding sabi ko saka siya hinagisan ng fries sa muka, ang harsh koba? sorry na hahaha."Oo na pero yung part lang ni Nath ah! Ano kase nga diba mag b-birth day na si Nath diba? So ano bang magandang iregalo sa kaniya? wala na akong maisip Kase parang lahat na yata ng maisip ko nabigay kona sa kaniya ei"
Nakangusong sabi ni Kellight kaya natigilan ako sa pag kain, oo nga pala mag bi-birth day na si Kuya Nath muntikan ko ng makalimutan, aish tapos hindi niya pa ako pinapansin simula nakaraan ano bang problema niya?"Oo na lang bess, hindi ka nanaman nakikinig "
Pilosopong sabi ni Kellight, may sapi talaga to minsan mabait minsan masungit."Nakikinig ako"
Tipid na sagot ko."So ano ba kaseng magandang iregalo?"
Tanong niya ulit sakin at kumikinang na ang mata, adik talaga to kay Kuya."Kahit ano, basta galing sa puso tatanggapin non! kahit nga toothbrush tatanggapin nun basta labag sayo na mag bigay haha"
Natawa pa ako sa sinabi ko naalala ko kase nung neregaluhan siya ni Tito Greg ng condom haha hindi niya yun tinanggihan o tinapon tinabi niya talaga kase ganon si Kuya ei kahit anong bagay na ibigay sa kaniya pinapahalagahan niya except kung alam niyang napipilitan ka lang ibigay."Galing sa puso? Eh kung pag mamahal ko na lang kaya ang regalo ko? Tatanggapin niya kaya?"
Tanong niya habang nag dedaydream? Sabi sa inyo adik to kay Kuya ei.