[MCBB31]
KC POV
Nagulat ako ng biglang huminto si Hance kaya napa hinto din ako, binitawan niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya, naka tulala lang siya na parang naka kita ng multo?
, lumingon ako kung saan siya naka tingin..Sa isang babae lang naman -___-,
Naka fitted siya na dress na kulay red, curly ang buhok niya sa dulo, makinis ang balat, maputi, matangkad , maganda, in short dyosa, Eh bakit naman nakatulala tong si Hanceltot sa kaniya? Malamang KC ang ganda kaya nung babae."Nathalie"
Dinig kong bulong ni Hance habang nakatingin doon sa babaeng sexy na yun, kilala sya ni Hance?Nagulat ako ng biglang lumapit saamin yung babae at naka ngiti siya ng malapad, Mukang kilala niya din si Hance, eh? Ibig sabihin siya yung Nathalie? Parang kilala siya ni Hance , tinawag nga na Nathalie diba? Ibig sabihin kilala niya nga.
ano naman kung mag ka kilala sila KC? Apektado ka? Apektado ka kase nakatulala si Hance sa napaka gandang babaeng yan? Inggit ka ganon? Tss dihamak na mas maganda ako dyan pag nag ayos.
"Hance"
Sabi nung babae at biglang niyakap si Hance ng pag kahigpit higpit, nagulat ako sa ginawa niya ganon din si Hance, pero ang mas ikinagulat ko ay yung 0_____0?
Biglang pag halik niya kay Hance sa labi.B-bakit niya hinalikan si Hance? At sa labi pa? Sa harap kopa? Seryoso? Napatulala lang ako sa kanilang dalawa,hindi ko alam ang gagawin ko, hindi ako makakilos nakatingin lang ako sa kanilang dalawa, hindi ko alam pero bakit parang may kumukurot sa puso ko? Habang nakatingin ako sa kanila?
"Namiss kita Hance, namiss mo din ba ako? Bakit mo ba kase ginawa yun? Nagalit kaba dahil iniwan kita dito? Hance naman kala koba malinaw na lahat? Kala koba naiintindihan mo? Pero bakit ka nakipag hiwalay? Hance sabihin mo kung ano ang dahilan"
Sunodsunod na tanong nung Nathalie daw tali ko kaya siya dyan ang drama niya, Teka nga bakit tunog bitter ako diba? Oo nga KC wala namang ginagawa sayk yung tao, Aish basta naiinis ako kase hinalikan niya si Hance, pag ako bawal halikan ng kahit sino tapos siya ano? Sa harap harapan ko pa? Aba matinde."N-Nathalie ano bang ginagawa mo dito?"
Tanong naman ni Hance at parang nakalimutan na andito ako, sige mag usap lang kayo dyan tutal wala naman ako dito, kaluluwa lang ako."Hindi kaba masaya na makita ako?"
Malungkot na sabi nung babaeng yun, arte, Ano bayan umiiral na ang kamalditahan ko, aish KC hayaan mona sila ano bang pake mo? Oo nga pala wala akong karapatan mag ka PAKE!"M-Masaya"
Sagot ni Hance, napairap ako sa hangin, huh at kailan pa siya natuto mabulol pag nag sasalita aber? Teka nga teka nga bakit ba ang dami kong reklamo?"Talaga? Ibig bang sabihin makikipag balikan kana? Tayo naba uli?"
nagulat ako ng sabihin yun nung Nathalie, ng laki ang mga mata ko, bakit ba ang slow ko? Ibig sabihin ex ni Hance tong babaeng 'to? 0___0?
Napatingin naman ako kay Hance, mukang hindi niya alam ang sasabihin niya, ngayon ko lang siya nakitang ganito, ganon ba kahalaga ang babaeng 'to? At nag kakaganito siya? Biglang kumirot na naman ang puso ko, bakit ang sakit?"Nathalie"
Yun lang ang lumabas sa bibig niya,
Nabaling naman sa iba yung tingin nung Nathalie at muka siyang nasasaktan."Ayaw mona ba talaga saakin?"
Tanong nung nathalie kay Hance habang naka yuko, nagulat ako ng lapitan siya ni Hance at hinawakan sa kamay, habang ako naka tayo padin dito sa gilid nila at nakatingin sa mga kamay nilang mag ka hawak, bakit ganto? Bakit ang sakit? Ganto ba yung pakirandam ni Kellight pag nakikita niya si Kuyang may kasamang iba?eto ba yung pakiramdam na masaktan ng dahil sa pag ibig? Ang sakit pala."Wala akong sinabing ayaw na kita"
Sabi ni Hance, para akong nabingi sa mga sinabi niya, parang biglang binato ang puso ko at nabasag,ang....sakit.