Chapter 52- Nath's First love

91 8 0
                                    

[MCBB52]

Hance POV

Nakasandal ako sa puno habang nakaupo naman sa gilid ko si KC , nasa garden kame ng school dahil hindi kame pinapasok ng teacher namin sa second subj. Dahil 40minutes late na kame.

"Pwede kang mag tanong kung gusto mo, wag mo ako tignan ng ganyan"
Sabi ko habang sa mga puno padin naka tingin.

"Okay ka lang ba?"
Dinig kong tanong niya na ikinalingon ko sa kaniya.

Bakit ba lagi kana lang ganyan KC.

"Ako dapat ang nag tatanong nyan sayo"
Sagot ko na ikinangiti nya ng bahagya.

"Ayos lang naman ako, ikaw nga ang inaalala ko"
Ngiting sagot nya. Alam kong nag aalala sya sakin dahil sa nangyare kanina pero mas nag aalala ako sa kaniya.

Umupo ako sa tabi niya at saka sya tinitigan, kita ko naman ang bigla sa mata niya at pag kailang.

"B-Bakit ganyan ka makatingin?"
Naiilang na tanong niya saakin, ngumiti lang ako at tinitigan lang sya.

Ang sarap sa mata pag sa kaniya ako nakatingin.

Ganon padin sya, ang muka nya katulad padin ng dati Walang nag bago, yung mga mata niyang parang kumikinang sa ganda , yung ilong nyang napakatangos at labi nyang mapula. Pati nadin ang makinis nyang muka, medyo makapal na kilay.

Nakakabakla pero kabisado ko ang bawat anggulo ng muka nya.

"May tanong ako"
Biglang sabi ko.

"Ano?"

"Nagustuhan mo ba ako dati? Bago pa manligaw sayo si Zander?"
Daretsong tanong ko habang nakatingin sa mga mata nya.

Bahagya syang nagulat at natahimik na parang nag isip pa sa isasagot nya.

"Oo"
Naiilang na sagot nya na ikinangiti ko.

"Alam ko"
Ngising sabi ko na ikinakunot ng noo nya.

"Eh, bakit nag tanong kapa? Siraulo ka talaga 'no?"

"Gusto ko lang na marinig mula sayo"
Ngiting sabi ko habang hindi padin inaalis ang tingin ko sa kaniya.

"W-Wag mo nga akong tignan ng ganyan"
Naiilang na sabi nya.

"Naiilang ka ba?"

"Oo kaya!"
Reklamo nya saka nag iwas ng tingin , napangiti naman ako.

"KC"
Tawag ko sa kaniya, lumingon naman sya saakin at tinaasan ako ng kilay pero nginitian ko lang sya . Naiilang na iniwas nya ulit ang tingin nya sakin kaya natawa ako ng mahina.
"KC"
Tawag ko ulit , lumingon sya uli' sakin na may patanong na tingin na pero nginitian ko lang sya uli.

"Hoy, Hanceltot! Wag mo akong nginingitian dyan ah. Kala mo naman ang gwapo"
Sabi nya at saka ako inirapan na ikinatawa ko ng  mahina.

"KC"
Mahinang tawag ko ulit sa kaniya , lumingon sya pero sinamaan na nya ako ng tingin.

"Isa pang tawag mo Hanceltot ah! Kukutusa---"

*tsup*

Napatigil sya sa pag sasalita ng bigla ko syang halikan sa labi, napangiti ako ng makita ko ang ekspresyon ng muka nya.

"I love you"
Bulong ko at saka sya hinalikan ulit sa labi, nang lalaki na ang mga mata nya at hindi padin makapag salita, kaya natatawang tumayo ako.

"Hanceltot!!!"
Dinig kong sigaw nya , natatawang tumakbo ako pero nakaharap padin sakaniya na pulang pula na.

"I love you more"
Natatawang sigaw ko sa kaniya, pulang pula na ang muka nya at ang sama na ng tingin nya sakin pero tinatawanan ko lang sya.

MR.COLD BAD BOY ( EDITING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon