Chapter 49- The badboy sweetness

126 7 4
                                    

[MCBB49]

KC POV

( ~Cause Its 12:51 and  I though my feelings were gone, but I'm lying on my bed thinking of you again ,and the moon shines so bright but I gotta dry this tears tonight cause you moving  on and I'm not that strong to hold on any longer~ )

"Hmm... ingay"
Nag takip ako ng unan sa tenga ko pero dinig ko padin na may tumutugtog.

( ~Cause Its 12:51 and  I though my feelings were gone, but I'm lying on my bed thinking of you again ,and the moon shines so bright--)

"Eto na gising na nga."
Sabi ko at saka inaantok na kinapa kapa ang cellphone ko sa tabi ko.
"Hello"
Nakapikit na sagot ko doon sa tumawag.

[Tss. Anong oras na Coreen]
Nadinig ko ang boses ni Kuya Nath, ba't tumawag pa siya? Nasa kabilang kwarto lang naman siya.

"May orasan ka naman Kuya, inaantok pa ako"
Inaantok na sagot habang naka pikit padin.

[Get up Coreen, 7:10 na. Wag mo siyang pag hintayin and by the way nasa school na ako]

"Okay--- WHAT?"
Napabangon ako sa gulat, tama ba ako ng narinig?
"Bakit nasa school kana Kuya?"
Gulat na tanong ko, what the? Mag lalakad na naman ako papasok? Wala pa naman si Manong ngayon at isang buwan 'yun.

[Maaga pasok ko]

"Bakit hindi mo ako ginising? Saan na ako sasabay? Mag lalakad na naman ako? Naman ei"
Pag mamaktol ko, nakakainis naman malalate na naman ako neto ei T-T

[Ang OA mo Coreen]
Ako pa na OA ngayon? Ang aga aga mukang magiging bad mood na naman ako.

"Eh kase naman Kuya malalate na naman ako"

[Hindi yan, Trust me.]

"Hindi yan, Hindi yan ka diyan. Pag ako pinagalitan mamaya"

[Tss. Bumaba kana , wag mo pag hintayin yon. Bye may klase na ako]

"Sinong nag hihintay?"

*Toot toot toot*

Binabaan ako -___-

Tumingin ako sa orasan at 7 na nga ng umaga hays, nakulangan ako sa tulog dahil sa nangyare kahapon.

'Love, please? Give me a second chance'

"Aish! Naman ei"
Inis na sabi ko at saka ginulo ang buhok ko.
"Maligo kana nga KC, nababaliw ka na naman"
Sabi ko aa sarili ko at saka tumayo at dumaretso sa banyo para maligo.

---------

Tapos na akong maligo at mag bihis.
Nag susuklay na lang ako habang naka harap sa malaking salamin dito sa kwarto ko.

"Muka na nga talaga akong zombie"
Naka ngusong sabi ko sa sarili ko habang naka tingin sa salamin.

Binilisan kona ang pag aayos ko at saka bumaba na para uminom ng gatas, hindi na ako kakain ng almusal.

Dumaretso agad ako sa kusina at nag timpla ng gatas ko.

"Papasok kaya siya ngayon?"
Tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa baso na may gatas.

Hindi ako nakatulog kagabi dahil sa nangyare kahapon >.<

Pag katapos ng usapan namin doon sa loob ng room na'yun  ilang minuto lang biglang may dumating na mga guard ng school at tinulungan kaming makalabas at pag ka tapos non hinatid ako ni Hance dito sa bahay, at sobrang awkward talaga kase simula ng umalis kame sa room na'yun hindi na  kame nag kibuan, pero may sinabi siya bago siya umalis kagabi.

MR.COLD BAD BOY ( EDITING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon