Chapter 55

121 7 2
                                    

[MCBB55]

KC POV

"Nag confess na sya sayo"
Napalingon ako kay Hance ng bigla syang mag salita, kanina pa kase sya tahimik ay hindi kahapon pa.

nag lalakad na kame ngayon pa puntang parking lot sya daw ang mag hahatid sakin.

"Si Brixs ba?"
Tanong ko, hindi naman sya kumibo. Ewan koba dyan kahapon pa sya ganyan simula nung bumalik sila ni Kris.
"Oo, nag confess nga sya"
Sabi ko na lang pero hindi naman sya sumagot hanggang makarating na kame sa kotse nya.

Hinintay ko na pag buksan nya ako ng pinto gaya ng gingawa nya dati pero nauna lang syang pumasok kaya sumakay na lang ako.

Tahimik lang kaming dalawa sa loob ng kotse nya, ewan ko pero parang wala yata sya sa mood simula kahapon.

"Hance?"
Mahinang tawag ko sa kaniya pero parang wala syang narinig at nag patuloy lang sa pag mamaneho.
"May problema kaba?"
Tanong ko pa pero wala man lang akong nadinig na sagot sa kaniya.

May nagawa ba ako sa kaniya? Baka nagalit sya  kase sasaksakin ko sya ng tinidor kahapon? Hindi, imposible.
Ano kayang problema ng isang to?

"Hanceltot?"
Tawag ko ulit sa kaniya pero hindi padin sya lumingon. Tinitigan ko naman sya at saka bumuntong hininga, wala lang talaga sya sa mood KC, hayaan mona muna.

Naging tahimik ang byahe naming dalawa pero pansin ko din na  hindi ito ang daan papunta sa village namin, pero hindi ako nag tanong kay Hance dahil alam kong wala din akong matatanggap na sagot sa kaniya, hanggang sa mag park kame sa parking lot ng isang mall.

"Anong gagawin natin dito?"
Tanong ko sa kaniya na nag tatanggal na ng seatbelt, tumingin naman sya saakin at saka lumapit sa akin na ikinagulat ko.

"Bibili tayo ng libro"
Sagot nya habang tinatanggal ang seatbelt ko, tumingin pa sya sakin pag katapos nyang tanggalin yun, saka sya bumaba ng kotse.

Saglit pa na natili ako sa loob ng kotse bago bumaba, tumingin lang sya sakin at sumenyas na pumasok na kame, tumango lang ako at sinundan sya papasok.

Tahimik akong nakasunod sa kaniya at tahimik din sya, parang may kung anong harang sa pagitan naming dalawa na hindi ko maintindihan, panay ang pag buntong hininga ko dahil hindi ko maisip kung bakit ganto sya kalamig sakin. May na gawa  ba ako na ikinagalit nya? Ano ba yun Hance? Ano ba yung nagawa ko para maging ganyan ka kalamig ngayon?

Napahinto ako sa pag lalakad ng bigla syang mawala sa paningin ko, nasan na yun? Andaming tao sa mall at ayoko sa madaming tao, nilibot ko ang paningin ko sa paligid pero hindi ko sya makita, nasan na ba sya?

"Tss"
Nagulat ako sa singhal na yun at pag hila sakin ng kung sino, napatingin ako kay Hance na hila hila ako ngayon.
"Kung sino sino kase iniisip"
Dinig kong inis na bulong nya na nag pa kunot sa noo ko, ako ba yung tinutukoy nya?

Hinila nya ako hanggang makapasok kame sa National book store , madami ding tao dito at madaming libro malamang, naka sunod lang ako kay Hance at tumitingin tingin din sa mga libro, may tatlo syang piniling libro na hindi ko naman alam kung ano , sunod lang ako ng sunod sa likod nya, andami kong nakikitang mga babae na  nakatingin kay Hance at mukang kinikilig pa, sarap dukutin ng mga mata sa totoo lang pero ayos lang naman alam ko naman na ako yung mahal--

"Hi miss"
Napalingon ako sa likod ko ng may mag salita don, may dalawang gwapong lalaki ang nakangiti saakin na ikinataas ng kilay ko.
"Pwede bang mag pa picture sayo? Ang ganda mo kase"
Kamot batok na sabi ng isang lalaki na ikina kunot ng noo ko saka tumingin sa paligid ko.

"Ako ba?"
Takhang tanong ko na ikinatango naman nilang dalawa.
"S-Sige"
Naiilang na sabi ko, tinignan ko pa si Hance kung nasaan na pero di ko na nakita.

MR.COLD BAD BOY ( EDITING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon