[MCBB54]
KC POV
"Hindi kaba masayang makita ako?"
Napalingon ako kay Ate Ally, ng tanungin nya yun."Masaya"
Sagot ko."Parang hindi naman"
Mapaklang sabi nya pa. naka upo kame ngayon sa bench dito sa loob ng school wala akong next subject kaya sinamahan ko muna si Ate Ally dito,pumasok na din yung ibang kasama namin, Si Hance at Kris sinundan sila Kuya at Kellight kaya kami na lang ang naiwan.
"Okay na kame"
Biglang sabi nya saka tumingin sakin at ngumiti.
"Napag usapan na namin ni Nath ang lahat, pinatawad na din nya ako"
Nakangiting sabi nya na ikinatingin ko at ikinangiti."Masaya ako dahil nag kaayos na kayo ni Kuya"
Ngiti ding sabi ko, sa totoo lang namiss ko si Ate Ally, sya kase yung nag iisang babaeng nag alaga sakin nung mga panahong nasa ospital pa ako at wala pang maalala, tinuruan nya ako sa lahat at lalo na sa pag luto kala ko nga sila na ni Kuya ang mag kakatuluyan kase sobrang saya nila pag mag kasama sila pero nagulat na lang ako ng mag hiwalay silang dalawa."Ako din, masaya akong nag kaayos na kame..."
Nakangiti nyang sabi at saka tumingala sa langit.
"Masaya din akong makita na masaya na sya kahit hindi na ako ang dahilan"
Napatitig ako sa kaniya ng sabihin nya 'yun.
"Gusto mo bang malaman kung bakit kame nag hiwalay?"
Tanong nya saka ngumiti sakin, hindi naman ako kumibo at hinintay ko na lang na mag kwento sya.Nakikita ko sa mga mata niya na malungkot sya at alam kong mahal nya padin si Kuya pero mukang hindi na sila babalik sa dati.
"Nag hiwalay kame dahil sa isang pag kakamali"
Mapaklang pag uumpisa nya.
"Masaya kame dati, alam mo yung pakiramdam na nakikita mona yung future mo kasama yung isang tao ? Yun yung pakiramdam ko pag kasama ko si Nath noon, sobrang sarap sa pakiramdam na parang hindi kona kayang mawala pa yung saya at sya sa buhay ko non, parang sya na yung bumubuo sa mundo ko, sya ang lahat para sakin. pero lahat ng saya ko-namin, nawala dahil lang sa pag kakamali ko, ng dahil lang sa katangahan ko. Ng dahil lang sakin nawala sya sa buhay ko, ako yung sumira samin at sa mga pangarap namin"
Malungkot na pag kukwento nya pa, kita ko ang pag tulo ng luha galing sa mga mata nya. Nanatili naman akong tahimik at nakikinig sa kaniya.
"Nasa bar ako ng gabing yun, nag kakagulo sa bahay namin kaya umalis ako, sobrang sakit nung puso ko non dahil mag hihiwalay na ang parents ko pero nung mga oras na 'yun wala man lang akong masandalan, gusto kong tawagan si Nath that time gusto kong umiyak sa kaniya at sabihin lahat ng sama ng loob ko pero hindi ko sya tinawagan, alam ko kase na sobrang busy at pagod sya, madami siyang school paper kasabay pa yung training nya sa basketball at inaalagaan ka pa nya nung mga oras na'yun.. kaya ayokong dumagdag pa ako sa mga problema nya. yun ang naisip ko kaya sinarili ko lahat, ilang oras akong nandoon at nag iinom habang umiiyak ng biglang dumating si Zack, bestbro sila ni Nath hindi ko alam kung nakita mona ba sya pero para na silang mag kapatid ni Nath sa sobrang close nila kaya parang kapatid kona din si Zack . So ayun nga dumating si Zack dahil sa kanila pala yung bar na'yun, sinamahan nya akong uminom, sa kaniya ako umiyak at sa kaniya ko din nilabas lahat ng sama ng loob ko, ilang oras pa kaming nag inom na dalawa at hindi kona alam ang mga sumunod na nangyare.
hanggang sa nagising na lang ako na kasama ko sya sa isang kwarto and Nath came, nakita nya kami ni Zack sa iisang kama na wala man lang suot. Para akong nasa isang bangungot non at gustong gusto ko ng magising dahil parang mamatay na ako, Hindi ko alam na may nangyari pala samin ni Zack dahil sa kalasingan ko at doon nag simulang gumuho ang mundo ko, doon nag simulang mawala ang nag iisang taong kumukumpleto sa pag katao ko"
Pag kukwento ni Ate Ally habang patuloy padin ang pag agos ng mga luha nya kaya lumapit ako at niyakap sya."Ate"
Tawag ko sa kaniya pero nag simula na syang umiyak."S-Sobrang sakit non KC, sobrang sakit at sobrang hirap para sakin na mawala ang Kuya mo sa buhay ko, sya na lang ang natitira sakin noon, sya na ang buhay ko pero... ng dahil sa akin, ng dahil sa katangahan ko nawala sya"
Umiiyak padin na sabi nya, niyakap ko lang sya at pinakinggan ang mga sinasabi nya.